Chapter 36

15.4K 478 5
                                    

Tahimik ako na umiyak sa loob ng kotse habang pabalik kami sa mansiyon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at hindi ko akalain na in-offer-an ni Faye ng gano’ng kalaking pera ang magulang ko lumayo lang kami kay Kotaro.

Mahal na mahal niya siguro si Kotaro, no? Kasi kaya niyang magbitiw ng gano’ng kalaking pera makuha lang ang mahal niya.

Ano ba ang laban ko? Ano ba ang laban namin kung pera na ang pag-uusapan? Kay Nanay pa lang, pipiliin niya ang pera kaysa sa kaligayahan ko.

Alam ko na wala akong silbi sa pamilya ko pero bakit dala ko ang bigat. Bakit parang ako itong naghihirap?

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang tissue na bigay sa akin ng bodyguard na nasa front seat. Huminga ako nang malalim at saka tiningnan siya.

“K-Kuya, huwag mong sabihin sa asawa ko na…na umiyak ako. Huwag mo na rin ikuwento sa kanya ang nangyari,” pakiusap ko.

Nanatili lang na nakatingin sa akin ang bodyguard. Sa tingin pa lang niya, tingin ko ay hindi niya ako susundin. Bakit niya naman ako susundin? Hindi naman ako ang nagpapasahod sa kanya.

“Sige na po…” Pinagtagpo ko ang mga palad ko, nakikiusap sa kanya. “Ayaw ko na magkagulo dahil lang doon.”

Tumango ang bodyguard at saka tumingin na sa harap. Bumuntonghininga ako at saka pinagpatuloy ang pagpunas sa luha sa aking pisngi.

Kailangan kong kumalma. Hindi puwedeng ganito ang pagmumukha ko pag-uwi.

•••

Pagdating ko, hindi ko nakita si Kotaro. Malaki naman ang bahay kaya baka nasa sulok lang. Pero kasi, ang sabi niya ay maghihintay siya sa akin.

“M-Ma’am, nandito ka na pala,” wika sa akin ni Debi na may hawak pa na walis.

Kumunot ang noo ko sa kanya. “Okay ka lang ba?”

Tumango siya. “Opo.”

Niliitan niya ako ng mata. “Hanggang ngayon ba ay takot ka pa rin sa akin?”

Kinagat niya ang ibabang labi niya at saka umiling.

“Oh, eh, bakit ka ganiyan kumilos? Hindi naman ako mangangagat.”

Napayuko siya. “Baka kasi magalit po kayo. Nandito kasi si M-Ma’am Faye kanina habang hinihintay ka ni Sir. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero sumama po si Sir kay Ma’am. Ang sabi po ni Sir na babalik lang siya agad. Pupunta po yata siya sa mansiyon ng magulang niya.”

Napaiwas ako ng tingin pagkatapos marinig iyon. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng selos. First time yata ito. Parang iba sa feeling na may kasamang iba ang gusto mong makita palagi.

“M-Ma’am, okay lang ba kayo?”

Tumango ako at tiningnan siya. “Okay lang. Wala naman sigurong masama. May tiwala naman ako kay Kotaro.”

Pero sa babaeng iyon ay wala.

Nginitian ko si Debi na ngayon na mukhang nag-aalinlangan na sa akin.

“Sige, Debi. Pakisabi na lang sa asawa ko na dumating ako. Nasa kuwarto lang ako,” ani ko at saka nagtungo na sa may hagdan.

Ayoko muna mag-overthink. Hindi naman siguro niya ako papapirmahin sa kontrata kung may gusto pa siya sa babaeng iyon.

Itutulog ko na lang itong problema ko sa pamilya ko.

•••


Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon