Chapter 16

12.5K 374 15
                                    

Nagising ako dahil sa sigaw at iyak ng baboy sa bakuran namin. Napabangon ako sa aking higaan at napa-stretch. Humikab ako at medyo nairita dahil sa ingay kaya napasabunot ako sa buhok ko sa inis.

Kinusot ko ang mata ko at napakurap-kurap hanggang sa dumapo ang paningin ko sa kalendaryo at nakita ko roon kung ano’ng petsa na.

Umawang ang labi ko at dali-daling umalis sa kama nang may napagtanto.

Ngayon na pala ang piyetsa ng aming barangay at kakatayin na ang isa sa mga alaga naming baboy para may maihanda kami!

Lumabas ako sa kuwarto ni Ate habang tinatali ang buhok ko paangat. Wala pa sa ayos ang damit ko dahil bagong gising ako. Dumaan ako sa kusina para makapunta sa likuran ng bahay at natigilan ako nang nakita ko si Kotaro roon na malungkot na nakatitig sa alaga naming baboy na hinihila palabas ng kanyang kulungan.

Dali-dali akong lumapit kay Kotaro at hinawakan ang kanyang braso. Napatingin naman siya sa akin.

“Ano ang ginagawa mo dito?” nagtataka kong tanong sabay tingin sa baboy.

“Poor pig,” mahinang sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. Malungkot na ang kanyang mukha at kita ko na mukha siyang nasasaktan.

Natawa sa kanya.

“Why are you laughing?” kunot-noong tanong niya at napasimangot. “I cared about that pig! Ako ang nagpaligo sa kanya at nagpakain.”

Tinikom ko na lang ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko na matawa.

“And then, kakainin natin siya mamaya. I can’t eat that pig!”

Tumikhim ako at saka tinanggal ang kamay ko sa braso niya. Humalukipkip ako.

“Eh, wala na tayong magagawa diyan. Ayan na ang kapalaran niya, Kotaro. Kakatayin o hindi kaya ibebenta. Ayon lang. Para ka namang hindi kumakain ng meat.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Then, I will not eat meat anymore.”

Napangiwi ako. “Ang OA mo naman! Ayan na kapalaran niya, Kotaro. Ano ka ba?” Humalakhak ako. “By the way, kumain ka na ba?”

Bumuntonghininga siya at umiling sa akin.

Natawa na lang ako at hinawakan ang kamay niya kaya naibaba niya ang tingin niya sa kamay namin. Hindi na ako nagulat nang pinagsalikop niya ito.

“Huwag ka na maging malungkot diyan. Masaya naman kahit papaano ang fiesta namin dito. Marami kaming bisita kahit hindi sila invited.”

At saka hinila ko na siya para bumalik sa loob.

•••

“Imbitahan mo rin ang mayor sa kabilang bayan, Kotaro,” ani Nanay sabay lapag sa kanin sa lamesa na sinandok niya. “Marami kaming handa mamayang gabi at ipapakilala rin kita sa isang anak ko na guro sa kabilang bayan!”

“Nay, paano niya naman maimbitahan ang mayor sa kabilang bayan, eh, hindi naman sila close!” ani ko at napairap na lang. “Gusto mo ng bigating bisita, eh, halos ubusin na nga ng kapitbahay natin mga handa natin, eh.”

Pinalo ako ni Nanay ng pamaypay sa balikat kaya mahina akong napa-aray.

“Bibig mo talaga. Maraming naghahanda ngayon kaya panigurado na kukunti na ngayon. Ano ka ba?”

Hindi ko na lang pinansin si Nanay at tiningnan si Kotaro na ngayon ay nakatingin sa adobong baboy na nasa lamesa. Kita ko ang pagngiwi niya.

“I don’t want that.”

Bumuntonghininga ako. “Eh, ano ba ang gusto mo?”

Tiningnan niya ako. “Kung maghalikan na lang kaya tayo tapos tabi tayo mamayang gabi sa kuwarto mo.”

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon