Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagsaing dahil baka pagagalitan na naman ako ni Nanay at sabihang tamad at walang ambag.
Kahit sinabi ko na may asawa na ako, hindi pa rin iyon sapat. Dapat may trabaho ako. Kung maaari ay gusto kong makaalis sa bansang ito dahil tingin ko, mas maraming opportunity roon at mas malaki ang sahod.
Paniguradong panibagong tsismis na naman ang hatid ng mga kapitbahay ko tungkol sa akin dahil may dinala akong lalaki. Mga wala talagang magawa sa buhay.
Lumabas ako saglit patungong bakuran para sana kumuha ng malunggay nang makita ko si Racel at Gwen sa may gripo, nagbubulungan.
Nang nakita nila ako na papatungo sa banda nila ay nagsiayusan sila sa pagtayo at tiningnan ako.
Tinaasan ko lang sila ng kilay at nagsimula nang kumuha ng malunggay na malapit lamang sa puwesto nila.
Humalukipkip si Racel sabay angat ng kanyang gilid-labi. “Aba, rinig ko ay may dinala ka raw na lalaki sa bahay ninyo? May ka-live in ka na ba, Venice?”
“Narinig ko na guwapo raw ang dinala mo!” singit ni Gwen sabay hagikhik. “Hindi mo ba ginayuma? Paano mo nagawa iyon? Totoo ba na asawa mo iyon o baka naman ay gawa-gawa mo lang para hindi ka maikasal kay Carlos.”
Nang natapos na akong kumuha ng malunggay ay hinarap ko silang dalawa.
“Grabe…” Natawa ako. “Kahapon ko lang dinala ang asawa ko tapos alam niyo na agad? Ang tsismosa niyo naman! Saan niyo nabalitaan?”
Tumawa silang dalawa at napailing sa akin.
Sila talagang dalawa ang mahilig umusisa sa buhay ko. Mga pakialamera talaga.
Umirap si Racel. “Well, we have sources!”
“Yes!” sang-ayon pa ni Gwen sa sinabi ni Racel at taas-noo akong tiningnan.
Natawa ako at napailing sa kanila. “Sana naman sinabi niyo sa sources niyo na sa akin na lang sila dumiretso magtanong. Reliable pa. Bigyan ko pa nga sila ng RRL, eh, para mas reliable!”
Umawang ang labi nila at hindi agad nakapagsalita. Tanga talaga ang mga ito. Kung gustong sumugod sa akin, dapat may baong mga salita para hindi sila mapahiya.
Umatras na ako. “Huwag na huwag na kayong manghingi ng malunggay sa amin, ah. Puro na lang kayo hingi. Magtanim kayo, uy, hindi puro tsismis inaatupag niyo.”
At tinalikuran ko na sila at napailing. Sanay na sanay na ako makipag-trashtalk sa mga tao rito dahil iyon na ang nakasanayan ko.
Nang nakabalik sa loob ng bahay ay inilapag ko sa lamesa ang malunggay at natigilan sa pagtungo ko sa refrigerator nang makita ko na lumabas si Kotaro sa kuwarto ko.
Humihikab pa siya at gulong-gulo ang buhok.
“Hoy!” tawag ko.
“Hoy?” nagtataka niyang sambit sabay tingin sa akin. “Did you just call me, hoy?”
Nagpatuloy na lamang ako sa pagpunta sa refrigerator. Binuksan ko ito at kinuha ang stock naming isda at saka inilagay sa may tupperware na may tubig.
Nang isinara ko ang ref, hinarap ko ang lalaki na ngayon ay nakaupo na sa monoblock chair namin dito sa kusina.
“Ikaw ang magluluto niyan, ah?” ani ko sabay turo sa isda. “O hindi kaya, ikaw na lang ang maghiwa ng talong para naman kahit papaano ay may maiambag ka naman.”
Nilapag ko pa ang kutsilyo sa harapan niya ngunit hindi niya ito pinansin. Nag-angat pa siya ng tingin sa akin.
“Hindi pa rin ako naniniwala na asawa kita. Despite the…” Naibaba niya ang kanyang tingin sa dibdib ko at saka nag-iwas ng tingin. “Never mind.”
BINABASA MO ANG
Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)
RomanceMonteverde Clan Series #1