Chapter 14

15.3K 540 36
                                    

“Aba himala, Venice, at maaga kang nagising!” Pumasok si Nanay sa kusina habang humihikab. Nadatnan niya akong nagluluto habang si Kotaro ay nasa gilid ko, pinagmamasdan ang ginagawa ko. “Pinakain mo na ba ang baboy at manok?”

Dumiretso si Nanay sa refrigerator at kumuha ng tubig.

“Opo,” sagot ko habang nasa niluluto kong tinolang manok ang tingin ko.

“Good morning sa iyo, hijo. Mukhang ginanahan ka yata tumingin sa asawa mo, eh, wala pang ligo iyan. May laway pa at—Anong nangyari diyan sa pisngi mo?”

Halos mapaso ako sa kawali nang biglang lumakas ang boses ni Nanay. Agad ko siyang tiningnan at tinakpan ang pisngi kong sinampal ni Aling Iba kanina.

Inilapag niya ang hawak niyang baso sa lamesa at lumapit sa akin.

“Bakit namumula iyang pisngi mo?” agresibo niyang tanong. “Sino ang gumawa niyan?”

Hindi ako nagsalita at nanatiling tikom ang bibig. Iba magalit si Nanay. Katulad ko, pinapatulan niya talaga at halos suki ng barangay dahil sa mga kaaway niyang pakialamera.

“Kotaro, hijo?” Tiningnan niya si Kotaro at hinawakan sa braso. “Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kanya?”

Tiningnan ko si Kotaro at halos magmakaawa na ako sa kanya para huwag lang sabihin pero hindi dahil masyado siyang sipsip sa Nanay ko.

“Someone slapped her, Tita,” sumbong ni Kotaro kaya tiningnan ko siya ng masama.

Buwisit na Japayoki na ito. Kinarer na yata ang pagiging sipsip sa nanay ko. Nasabihan lang na favorite, eh, lumaki na ang ulo.

“Sino?” asik ni Nanay at napapikit pa ako nang tumalsik ang laway niya sa mukha ko. “Sino ang sumampal sa iyo, ha? Kahit kailan ay hindi kita nasampal kahit nabubuwisit na ako sa iyo. Sino ang sumampal sa iyo?”

Nang nagmulat ako ay nangilid ang luha ko kasi na-touch ako. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ang galit at pag-alala sa mukha ni Nanay.

Napagtanto ko na kahit paano ay mahalaga pa rin naman ako sa kanya kahit na disappointment ako sa pamilya namin. Alam ko na mabuti namang ina si Nanay sa akin. Siguro na-disappoint lang siya dahil wala pa rin akong trabaho at siguro ay ayaw niya na matulad ako sa kanya na walang narating. Hindi nakapagtapos si Nanay ng kolehiyo at gaya ko ay wala siyang naging matino na trabaho. Mabuti na lang at si tatay ang napangasawa niya dahil masipag ito at hindi kami nagugutom.

“Oo, iiyak ka na lang diyan?” Napamewang siya sa akin. “Sino nang masampal natin? Doblehin natin!”

“A lady almost at your age, Tita.”

“Ha?” Nagngitngit ang ngipin ni Nanay. “Si Iba ba?”

Nang hindi ako sumagot ay tumango siya at akmang lalabas na sana sa kusina nang hinabol ko siya.

“Nay!” Hinawakan ko ang braso niya. “Huwag na po. Hindi na kailangan!”

“At bakit? Bitiwan mo nga ako, Venice. Kakalbuhin ko lang ang matandang iyon! Ano ang karapatan niyang sampalin ka? Siya ba nagpakain sa iyo?”

Umiling ako. “Nay, sinabunutan at binuhusan ko rin naman ng tubig si Racel.”

Natigilan siya at saka nagtaas ng kilay sa akin. “Talaga?”

Tumango ako at binitiwan ang braso niya. “Opo.”

Matagal siyang nanatiling nakatingin sa akin bago tumalikod at lumabas ng kusina.

“Kahit na, tuturuan ko ng leksyon ang matandang iyon!” gigil na sabi ni Nanay na ikinataranta ko.

“Kotaro, pigilan mo nga si Nanay!” sigaw ko kay Kotaro nang nakitang nakatingin lang siya sa akin. “Kasalanan mo ito, eh.”

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon