Chapter 41

16.3K 474 15
                                    

“Maganda ba na dito ilalagay ang christmas tree, anak?” tanong sa akin ni Nanay habang ako ay nag-aayos ng upuan sa three months restaurant namin dito sa Aklan.

Ibang kainan ito dahil may tambayan, inuman, at malapit sa dagat. Madalas dayuhan ng mga namamasyal dahil sa magandang view.

Kadalasan sa mga menu namin ay mga pagkaing dagat na si Tatay mismo ang kumukuha. Ngunit may supplier din naman kami dahil hindi naman kaya ni Tatay na siya palagi ang kumuha ng mga pagkaing dagat.

May rooftop kami at kadalasan naroon ang mga customer na gusto magluto ng barbecue.

“Okay na yan, Nay!” Nag-thumbs up ako.

Kahoy kadalasan ang aming mga gamit. Yung upuan, lamesa, pati na rin ang mga pinggan na gawa sa inukit na kahoy.

Masaya magpatakbo ng ganitong negosyo. Sa una lang mahirap dahil ang hirap maghanap ng customer. Kinailangan ko pang mamigay ng flyer para bumisita sila. Gumawa pa ako ng video teaser at nag-promote ako sa Facebook. Ngayon, dinadayo na kami lalo na ng mga travelers na humihinto sa amin para kumain, mga motorista, o hindi kaya nagde-date, barkada, o hindi kaya ay pamilya.

“Pasko na! Maglalagay yata tayo ng christmas light sa taas!” ani Nanay at napamewang. “Kadalasan sa mga kabataan doon tumatambay, eh.”

Napangiti ako. “Oo nga, Nay, eh. Kailangan ko rin bumili ng bagong speaker dahil mukhang nasira na ang isa. Ang dali naman.”

“Tinitipid mo kasi. Alam mo naman mga kabataan ngayon gusto ng rock songs!”

 🎶Sabak daddy beh🎶

Pareho kaming natigilan ni Nanay nang may pumasok na kabataan habang may dalang sariling speaker. Napangiwi ako sa kanta na pinatunog nila.

🎶Sabak daddy beh🎶

“Mamaya pa kami magbubukas, hijo!” ani Nanay sabay lapit sa kanila. “Hindi pa nga dumating yung isang waitress namin!”

Nanlumo ang isa na may kadena na kuwentas at ang sombrero ay baliktad. “Sige na, Ginang. Sayang naman itong aesthetic namin na damit. Maaga nga kami rito dahil baka maunahan kami sa ibabaw.”

“Oo nga,” sang-ayon ng isa na may lollipop pang sinusubo. “At saka kakain kami, Ginang. Sarap ng sisig niyo dito, eh.”

“Naku, anong aesthetic! Jejemon tawag diyan sabi ng pamangkin ko!” na-stress na wika ni Nanay na siyang ikinatawa ko.

Hindi na maipinta ang mukha ng lalaking nagdala ng speaker.

“Grabe ka naman, Ginang. Hindi ito Jejemon. Trend ito. Fashion!” giit ng isa at ngumiti. “Tingnan mo nga itong brace ko, bagay na bagay sa akin.”

At napapikit pa ako nang kuminang ang metal sa brace nang ngumiti ang binata.

“Jusko kayo. Naku, pumasok na kayo. Huwag kayong masyadong maingay dahil hindi pa bukas ang resto namin,” ani Nanay at napailing na umalis.

“Yes!” At astig silang naglakad patungo sa hagdan habang pinapatunog ang kanilang speaker na dala.

🎶Sabak daddy beh🎶

Napailing na lamang ako at saka nagtungo na lamang sa may counter.

•••

“Wala ka bang balak bumili ng sasakyan, anak?” tanong sa akin ni tatay nang nakauwi na kami sa bahay galing restaurant.

Kumunot ang noo ko. “Hindi ko na kailangan iyan, Tay. Mas inuna kong matapos ang baking class ko.”

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon