"Good morning."
Halik sa pisngi ang bumungad sa akin nang ako ay magising. Hindi pa nga ako masyadong nakamulat pero kilala ko na kung sino ang humalik sa pisngi ko. Bakit ko naman hindi makilala? Eh, siya lang naman ang lalaking katabi at kayakap ko sa pagtulog. Siya lang naman ang kahalikan ko buong gabi.
Halos mapudpud na ang labi ko sa sobrang agresibo niyang humalik. Para siyang desperado at sabik na sabik. Pero kahit gano'n, walang kababalaghan ang nangyari sa amin.
Virgin pa rin naman ako. Yung lips lang ang hindi.
"G-Good morning," bati ko pabalik gamit ang aking inaantok na boses at nag-inat. Humikab pa nga ako at napakurapkurap. "A-Ang aga mo n-nagising."
Nang naging malinaw na ang aking paningin, napansin ko na bagong ligo si Kotaro. Malaki ang ngiti sa kanyang labi at presko na presko talaga siya ngayon.
"At ang aga mo rin naligo," dagdag ko pa at saka bumangon paupo sa kama.
Bumuntonghininga siya at mas lalong ngumiti."Nagluto ako ng breakfast for us. I cleared all my schedules kaninang madaling araw. Dito lang tayo sa bahay."
Napasinghap ako at napatingin sa kanya. "Ano naman ang gagawin natin dito?"
Ngumuso siya."Just like what we did back when we were in your hometown, Venice. Just like the old days."
"Old days." Napairap ako matapos sabihin iyon. "Puro halikan lang naman ang ginagawa natin doon, eh."
"Exactly!" At humalakhak siya.
Buo akong bumaling sa kanya. "Hindi ka ba nakuntento kagabi?"
Ngumuso siya muli at napaupo na rin sa kama. "Tinulugan mo ako kagabi."
Tinaasan ko siya ng kilay. "O, ano ngayon kung tinulugan kita kagabi? Ano ang gagawin natin? Uulitin natin?"
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi kaya unti-unti ring bumilis ang tibok ng puso ko.
"If you want." Kinagat niya ang ibabang labi niya. "But first, we should eat our breakfast. I'll be the one to tour you around again. Sigurado ako na marami ka pang hindi nakikita sa bahay natin."
•••
"How was it? Masarap ba?" tanong ni Kotaro sa akin habang tinitikman ko ang niluto niya na omelette.
Nang mailunok ko ay ibinaba ko ang tinidor at tiningnan siya.
"Lasang itlog."
Naibagsak niya ang balikat niya sa dismaya. "What?"
Nginitian ko siya at saka sumubo ulit ng panibago. "Joke lang. Masarap naman siya. Ngayon pa nga lang ako nakatikim, eh."
Nanliit ang mata niya at umayos ng upo sa high chair. "Really? It's your first time?"
"Oo nga." Inirapan ko siya. "Kadalasan kaya sa kinakain ko sa bahay naming ay isda o hindi kaya ay pusit since iyon naman ang kadalasang kinukuha ni tatay sa dagat. Hindi naman ako katulad mo na mayaman. Kung ano-ano na lamang ang tinitikman."
"I'll spoil you with foods you haven't tasted." Kinuha niya ang tinidor na hawak ko at saka kumuha sa omelette ko. "I know lots of recipes. If I have free time, I'll cook for you." At sinubo niya ang omelette gamit ang tinidor na ginamit ko kanina.
"Sure ka bang marunong ka talagang magluto?" pang-aasar ko nang wala nang masabi na topic. "Baka naman nagpapa-impress ka lang sa akin."
Kumunot ang noo niya kasabay ng pagpawi ng kanyang ngisi. "Are you challenging me?"
Natawa ako sa reaksyon niya. "Nagtanong lang naman ako. Para kasing hindi makapaniwala na marunong kang magluto. May sarili ka kasing mga chef at halos nasa iyo na ang lahat."
Tinaasan niya ako ng kilay. "I'm a billionaire. But that doesn't mean I don't know how to cook just because I can pay someone to cook for me. I love to cook. And if you want, I'll cook breakfast for you every day."
"Paano ka nga ba naging billionaire, Kotaro?" hindi ko maiwasan ang magtanong. "You're 28. Ang bata mo pa tapos bilyonaryo ka na. Kadalasan sa mga bilyonaryo na kilala ko ay gurang na."
"My father is a businessman and a billionaire. My father gave me half of his wealth because I am his only son. Pero hindi ibig sabihin na naging bilyonaryo ako dahil doon. I worked hard. I started from the bottom bago ko nakuha ang success. I was too young when dad taught me how to be a business-minded person."
Mangha lang akong nakikinig sa kanya. Wala kasi akong masabi. Bobo talaga kasi ako kaya hanggang pagtango na lang talaga ang kaya ko kapag sa ganitong usapan na.
"My Mom and Dad? Hindi nila mahal ang isa't isa. Arranged marriage lang sila and Mom came from a family with that practice. That's why mom wanted me to marry Faye."
Bigla tuloy akong na-curious kung ano ang relasyon nila ni Faye.
"Ano ang meron sa inyo ni Faye? Bakit ayaw mo na sa kanya?" sunod-sunod ko na tanong.
Nag-iba ang timpla ng mukha ni Kotaro sa tanong ko kaya bigla akong kinabahan. Nag-iwas agad ako ng tingin at saka tumikhim.
"Huwag mo na lang sagutin kung hindi ka kumportable-"
"She's my ex. We broke up years ago."
Napatingin ako sa kanya. "T-Talaga? Pero bakit ayaw mo na? Nakikita ko sa mata ni Faye na mahal ka pa rin niya."
"She left and went abroad. I broke up with her dahil ayoko na nasa malayo ang babaeng mahal ko."
Napangiwi ako sa narinig. Ayaw niya pala sa LDR. Mahirap nga iyon.
"But that was years ago. I don't love her anymore and I don't want to be with her again kahit bumalik na siya dito." Humilig siya papalapit sa akin kaya medyo napaatras ako sa aking upuan. "Dumating ka at sapat na iyon sa akin. Ayaw ko na iniiwan ako, Venice. She did and I don't want you to do the same dahil baka mabaliw ako lalo na ngayon na hulog na hulog na ako sa iyo."
BINABASA MO ANG
Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)
RomansMonteverde Clan Series #1