Sa isang buwan na hindi naming pagkikita, marami ang nagbago kay Kotaro. Mula sa kanyang buhok hanggang sa kanyang aura.
“A-Ano ang ginagawa ko rito? B-Bakit?” kinakabahan ko na tanong.
Hindi siya nagsalita at tanging pagbuntonghininga lang niya ang aking narinig. Mas lalo akong nanlamig. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya pero tingin ko ay alam na niya ang lahat. Hindi ko maiwasan ang matakot sa aking buhay.
Tangina, baka ipakukulong ako nito. Baka mabulag siya sa galit at hindi i-consider ang landian moments namin.
“I-Ipakukulong mo ba ako?” pigil-hininga ko na tanong at sinundan siya ng tingin nang naglakad siya patungo sa kama kung saan ako nakahiga kanina.
Nilingon niya ako saglit bago siya naghubad mismo sa harapan ko. Napatili ako at agad tumalikod.
“B-Bakit ka naghuhubad?” tanong ko at niyakap ang sarili.
“Tsk. I am sleepy,” tanging sabi niya at narinig ko ang mahinang pagtalon niya sa kama.
Unti-unti ko siyang nilingon at napangiwi ako nang nakita na nakadapa na siya sa kama. Topless na siya at tingin ko ay balak pa yata niyang matulog. Meaning, puwede akong makatakas.
Nagpalinga-linga ako.
“Don’t ever think of escaping, Venice. It won’t happen,” malamig na wika ni Kotaro na nakapikit na ang mga mata.
“Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin? Ibinalik na kita, ah?”
Hindi ko maiwasan na sabihin iyon sa kanya. Gusto ko kasi ng sagot. Hindi naman ako tanga. Alam ko na alam na niya. Hindi naman siguro niya ako gaganituin kung wala siyang maalala. Alam ko na may atraso ako pero bakit kailangan pang paabutin ng buwan bago ako dakipin at bakit sa ganitong paraan?
Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ako sa aking paliwanag.
“Alam ko na may kasalanan ako sa iyo. Nilinlang kita. Niloko. Ako na ang pinakamasamang babae sa mundo. Pasensya na at ginamit kita. Pasensya na at ikaw ang naloko ko. Nainis lang ako sa iyo dahil sa pagtrato mo sa akin noon sa restaurant at napatalsik pa ako. Pagkatapos no’n, gusto akong ipakasal ni Nanay sa isang lalaking hindi ko naman gusto dahil wala akong trabaho. Desperada lang ako at hindi ko intensyon na gawan ka talaga ng masama. Pasensya na at nagpanggap ako na asawa mo—”
Hindi natapos ang aking paliwanag dahil bigla na lamang siyang humikab sa harapan ko at umayos pa ng higa.
“You’re so loud, my wife. Stop explaining. Let me sleep.”
Sa inis ko ay kinuha ko ang unan sa kama at ipinokpok sa ulo niya. Napasigaw siya at napabangon sa gulat.
“What the fuck are you doing?” gulat na tanong niya sa akin at napahimas pa sa ulo niya.
Inis kong ibinato sa kanya ang unan. “What the fuck mo pagmumukha mo. Hindi ako nagbibiro dito, Kotaro. Alam ko na may kasalanan ako at sa kinikilos mo ngayon, alam ko na may naalala ka na.”
Seryoso na ang kanyang mukha ngayon kaya mas lalo akong kinabahan.
“You gave me a letter,” aniya sa seryosong boses at bumangon mula sa kama. Umatras ako dahil malapit siya sa akin. “I read it.”
Napasinghap ako at biglang naalala ang sulat na sinulat ko para sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Nakalimutan ko na may isinulat pala ako. Napayuko ako at unti-unting uminit ang pisngi ko.
“So, alam mo na niloko kita,” mahinang sambit ko at napatango-tango. “Ikukulong mo na ba ako? Sasampahan ng kaso?”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Hindi,” sagot niya na nagpagulat sa akin. “Hindi ako ang naloko, Venice.”
Umawang ang labi ko. “A-Ano ang ibig mong sabihin?”
Unti-unting sumilay ang ngiti niya sa labi at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
“Ikaw ang naloko,” aniya sabay haplos sa pisngi kong nanlamig na. “You were such a great actress, Venice. Kaya hindi kita maiwan-iwan dahil binabaliw mo ako.”
“A-Ano?”
Napaatras ako at hindi makapaniwala sa nalaman.
“At hindi ko nagustuhan ang klase ng pagbalik mo sa akin,” aniya sa malamig na boses at inilingan ako. “Hindi ko gusto na ibinalik mo ako sa babaeng iyon. At mas lalong hindi ko nagustuhan ang nabasa ko kaya simula ngayon, hindi ka na aalis sa tabi ko.”
At tinalikuran niya ako. Nanginig ang kamay ko na ngayon ay unti-unti nang kumukuyom. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa nalaman.
All this time. Ako pala itong naloko? Wala siyang amnesia? Ano ang pakay niya kung gano’n?
“K-Kung may naalala ka naman pala, bakit hindi ka umalis agad?” lakas-loob ko na tanong. “Kilala mo ako. Kilala mo ang pagmumukhang ito. Bakit hinayaan mo ang sarili mo sa akin? Bakit ka nagpanggap na walang maalala? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo?”
Hindi ko maiwasan ang maluha. Alam kong Malaki ang naitulong niya sa akin dahil hindi natuloy ang pagpapakasal ko kay Carl. Pero…
“Bakit hinayaan mo ang sarili mo na magpaalila sa akin? Bakit ginawa mo akong tanga? Alam mo ba na dala-dala ko gabi-gabi ang konsensya ko sa tuwing nagpapanggap ako na asawa kita kahit ang totoo ay hindi naman?”
Nilingon niya ako at nakita ko na natigilan siya nang nahuli niya akong lumuluha na.
Agad kong pinalis ang luha ko.
“Pero kahit gano’n, wala pa rin akong karapatang magalit dahil alam ko kahit papaano ay nakatulong ang presensya mo.” Tumango ako para kombinsihin ang sarili ko na huwag magalit kahit nakakagalit talaga sa totoo lang. “Maraming salamat pa rin, Kotaro. Ngayong nalaman ko na pareho lang pala tayong naglolokohan. Wala nang saysay para magkita o mag-usap pa tayo ulit. Hindi mo dapat ako ipakukulong dahil niloko mo rin naman ako.”
“I am in love with you,” biglang sambit niya sa gitna ng aking pagluha. Natigilan ako sa narinig. “At totoong wala akong maalala noong nakita moa ko sa ospital. Bumalik ang alaala ko noong nabagok ako sa bangka. At hindi ako umalis dahil nilayuan ko ang babaeng sagabal sa lahat ng plano ko. Malas lang dahil naaksidente ako pero gusto kong magalit at mainis sa iyo dahil ibinalik mo ako sa kanya, Venice. Gusto kitang parusahan dahil sa ginawa mo.”
BINABASA MO ANG
Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)
RomanceMonteverde Clan Series #1