Kabanata 1

1.4K 58 30
                                    

Reto

I deactivated my account once again before I can think of stalking Yohan Ansalone. I'll just pretend that I didn't search his account. Sabihin ko na lang kay mama na hindi ko siya type. Baka mapahiya lang ako kung ako pa ang magpe-first move sa pag-send ng friend request sa kanya. Iyong tipong nabulok na iyong account dahil sa sobrang daming nagpapadala ng request. Hindi ko na rin naisip na i-stalk pa siya dahil baka may ma-like akong post niya na 8 years ago pa, kung meron man. Grabeng kahihiyan iyon kapag nagkataon.

Kinalimutan ko ang may-ari ng account na iyon na kahit sa panaginip ay sinundan ako. Sa sobrang gwapo ay hindi ako tinatanan kahit sa panaginip, ang layo na ng narating ng imagination kahit pa hindi pa kami magkakilala. Ganito nga talaga kapag hopeless romantic ka, kung ano-anong scenario na lang ang pumapasok sa isip mo to fulfill your fantasies. Oo, iniisip ko na na boyfriend ko na siya. Why? We do all the same thing sa mga artista.

"Hindi mo nakita ang mukha ni Donny kanina nang sagutin ni Woni si Ephraim! He looked devasted and he deserves it because he is an asshole!" Tawang-tawa si Mina pagkaupo ko pa lang sa office chair.

"You taped it, right?" tanong ko at inayos ang mga papel sa office table.

"Of course, ako pa ba? Saka pala, binigyan ko siya ng isang sapak kahapon pagkatapos ng trabaho." Inabot niya sa akin ang cellphone niya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Thanks, I think...deserve." I giggled.

Sa video ay kitang-kita ko ang malaking pasa sa pisngi ni Donny habang tinitingnan si Ephraim at Woni na sweet na sweet sa isa't isa. Hindi ako nakaramdam ng awa, buti nga sa kanya. User siya!

Natutok ako sa trabaho nang dumating si Ma'am Pineda na siyang head ng HR department. Sa dami ng pinagawa niya sa aking trabaho dahil inaasikaso niya ang maternity leave niya, manganganak na kasi siya next month. Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala lumagpas ang alas dose para makapag-lunch ako.

"Para sa iyo, Ma'am Feliz."

Naangat ko ang tingin ko sa taong nag-abot sa akin ng ambula (kanina na may kasamang isang putahe ng ulam). Napairap ako nang makitang si Donny iyon na sa lapad ng ngiti sa akin ay halos makita ko na ang ngala-ngala. Kinuha ko ang binigay niya, sino ang tatanggi sa free lunch?

Binalingan ko siyang muli nang hindi pa rin siya umaalis pagkatanggap ko sa binigay niya. "May kailangan ka pa?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Can I still have my chance with you, Feliz? I know you still want me." Ngumisi siya.

Halos matawa ako sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha. Mas makapal pa sa dry skin ko sa paa. Ano ba ang tingin niya sa mga babae? Magtitiis sa sulok at maghihintay na pulutin ulit kapag kailangan na naman? Pwedeng i-reserve? Kahit naman may pagkadesperada na ako ay may taste at class pa rin ako, may utak ako na gumagana according to its function.

Ngumiti ako. "No, you had your chance. No return, no exchange ang parcel na ito."

I shoo him away. If I know, sisipsip lang iyon ulit. At least, may napala naman ako sa kanya. Free lunch! Paalala sa sarili: Tanggapin muna ang regalo bago tanggihan ang nagregalo.

"Bad trip yata si Donny, ang agang umuwi," sabi ni Mina pagka-out namin sa trabaho.

"Paanong hindi sasama ang araw no'n? Basted sa akin, wala ng chance kay Feliz, pagkatapos sinuntok mo pa," tumatawang wika ni Woni.

Nagkatanginan kami.

"Deserve!" sabay-sabay naming sigaw.

Nagtawanan kami. Bonding na yata naming tatlo ang pagsasabi ng deserve. Kaya siguro madali kong nakasundo ang mga ito dahil may pagkakapareho kami sa ugali. Si Woni or Wonina Dela Cruz ang pinakabata, si Mina o Philomina San Diego ang sumunod, tapos ako ang pinakamatanda. Anim na taon ang tanda ko kay Mina habang pito naman kay Woni. Pero si Mina ang pinakamatagal na rito sa trabaho namin. Kailan lang ang napasok rito pagkatapos ko ng AB Psychology at mag-take ng board exam. Huwag na lang kayong magtaka kung bakit sa HR kaagad ako napunta.

I was 35 when He Was 28Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon