New Life
"Yohan!" Kinalabit ko siya dahil ayaw niya akong harapin.
"Kung kakausapin mo lang ako tungkol sa ama ko, don't even try, Feliz." Mas lalo pa siyang nagtalukbong ng kumot.
Umirap ako. "Hindi naman kasi tungkol doon. Si mama maghahanda ng noche buena, pinapapunta niya tayo doon sa bahay pagkatapos ng Vigil Mass. Doon na rin tayo magpalipas ng gabi hanggang bukas," sabi ko at pilit na inalis ang kumot sa mukha niya.
"How about our gifts?" Tinuro niya ang maliit naming Christmas tree na may dalawang regalo sa ilalim.
Regalo namin iyon sa isa't isa dahil gusto niyang mag-exchange gift kami. Ang Christmas Party namin sa office ay sa 27 pa pagkabalik namin sa trabaho. Kaya kami raw muna ang mag-exchange gift.
"Dadalhin natin, doon na natin bubuksan. Ano? Game?" tanong ko at hinila siya patayo.
Wala naman siyang magagawa kung hindi ang pumayag kung hindi ay maiiwan talaga siya. At pagkatapos nga ng Vigil Mass ay dumiretso kami sa bahay. Nag-ambagan kami para may handa naman kami ngayong birthday ni Papa Jesus. Birthday din kasi ni papa ko kaya may handa kami palagi tuwing pasko. Si Yohan ay namigay pa ng tig-100 pesos sa mga anak ng pinsan ko at ng isa kong kapatid, at limang daan naman kay Froilan. Aba! Nakakarami na 'tong kapatid kong ito sa boyfriend ko.
"What is this?" natatawang tanong ni Yohan at tinaas ang regalo ko sa kanyang pitong pirasong boxer shorts na may mukha ko ang bawat isa.
"Para kung hubaran ka ng ibang babae, madi-disappoint kaagad sila dahil mukha ko ang mapapansin nila, hindi 'yang daks mong ano..."
Mabuti na lang at sa kwarto ko kami nagbukas ng mga regalo dahil ngayon ko lang na-realize na nakakahiya pala itong regalo ko. Tulog na rin ang mga kasama namin at mahinang ilaw na lang ang nakasindi sa kwarto ko para hindi sila maistorbo.
"Here." Binigay sa akin ni Yohan ang regalo niya. Mas liit iyon kaysa sa box ng regalo ko.
Binuksan ko iyon at napahinto nang makita ang dalawang silver na kwintas na may maliit na bilog na pendant. Kinuha ko ang isa at tiningnan nang mabuti.
"It's a locket, sugarpie." Kinuha ni Yohan ang isa at binuksan ang pendant na may litrato ko. "This will be mine and that one will be yours. I put a picture of you to mine and my picture to yours so, this way we can always be together. You will be with me and I'll be with you." He helped wear the necklace.
"Palagi naman tayong magkasama," sabi ko habang pinipigilan ang luha.
"I know but just in case na malayo ka sa akin nang matagal na panahon, kasama pa rin kita at kasama mo pa rin ako sa pamamagitan nito."
Tinulungan ko siyang isuot ang sa kanya. We both admired each other before ending the night with that sweet kisses, turned into passionate, then torrid kisses.
"Oops!" I pushed him. Umalis siya sa ibabaw ko at napakamot sa ulo.
Tinaas ko rin ang sando ko na bumaba na pala at nakikita na ang brassiere ko. Muntik na! Wala pang New Year ay magpuputukan na ako!
"Sorry," sabi niya at tumabi sa akin.
"Let us not kiss like that again. It's dangerous," I said.
Nagkumot ako at nilagyan ng unan ang pagitan namin. Mahirap na baka kung ano pa ang mangyari. Mahirap pigilan ang tawag ng laman at init ng katawan.
"You don't have to do that. Alam kong magpigil. I am doing that every day," he said then chuckled.
"What?!" Kinurot ko ang braso niya.
BINABASA MO ANG
I was 35 when He Was 28
RomanceWhen the "study first" motto makes you forget and ignore the word "love life", it sucks to the highest level. At the age of 35, I was ready to accept that there is no one for me to call " boo-boo bear", "sugarpie", or "honeybunch", but my parents an...