Kabanata 9

738 40 7
                                    

To Have and To Hold

"Emily? Hi!"

Nagulat ako sa pagbisita sa akin ng kaibigan ko sa simbahan ngayong araw. Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Ang tagal na naming hindi nagkita simula noong umalis siya sa grupo namin ng choir.

"Na-miss kita, Feliz. Hindi na ako nakakasimba tuwing linggo, ang dami ko kasing inaasikaso. Ang dami ko ng utang kay Lord," sabi niya.

Pinaupo ko siya sa isang bakanteng upuan sa loob ng opisina para makapag-usap kami nang maayos.

"Kumusta ka na? Kasal muna bukas, hindi ba? Bakit nandito ka pa? Dapat nagre-relax ka na," maligayang usal ko.

Ibang-iba ang itsura niya ngayon. Mas lalo siyang gumanda at blooming pa. Iba talaga kapag masaya at nasa healthy relationship. Ganyan pa lang ang gustong mangyari ni Yohan. Napapangitan ba siya sa akin?

"Free time ko ngayon dahil ang mga biyenan at magulang ko na raw ang bahala sa lahat. Nagre-relax nga ako tapos naisipan kitang puntahan. Baka nagtatampo ka sa akin dahil hindi kita ginawang bridesmaid, ang dami pa man ding gwapong groomsmen." Ngumuso siya.

"Ano ka ba? Nandoon din naman ako kahit hindi ako bridesmaid. Kami ang ni-request mong choir, remember?" sabi ko. Hindi ko rin naman kasi ini-expect na gagawin niya akong bridesmaid. Sa dami ba naman ng kamag-anak niya ay hindi na kami makasisingit.

"Iyon nga, nagdadalawang-isip ako kung gagawin kitang bridesmaid o ikaw ang soloist ko. Ayon, parang mas bagay kang maging wedding singer, at least, comfortable ka sa role mo. Sa reception din, pakakantahin kita." Ngumiti siya.

"Walang problema, Emily. Minsan ka lang ikasal kaya all out kaming choir ngayon."

Nag-usap pa kami tungkol sa naging preparation sa kasal niya. NBSB din ito at akalain mo ngayon ay ikakasal na. Ako kaya? Kailan? Aabot kaya kami sa ganoon ni Yohan? Ang sabi naman niya ay pakakasalan niya ako. What if, hanggang salita lang pala siya? What if, hindi pala niya kayang panindigan? Paano kung hindi pala kami ang para sa isa't isa?

"Where are you? Hindi kaya nagpakita sa akin ngayon?" Bakit tunog nagtatampo ako?

"Sorry, sugarpie. I had an important commitment to a friend of mine. Kaklase ko siya sa Aviation School at ikakasal na. I am one of his groomsmen," sagot ni Yohan.

"So, hindi tayo magkikita bukas? May pupuntahan ako," sabi ko.

"Probably, where are you going?" tanong niya.

Nakarinig ako ng ibang boses sa background niya. Parang inaaya na siyang uminom. Ang aga pa. Kauuwi ko lang galing trabaho.

"Sa simbahan, kakanta kami sa kasal. Nasaan ka? Parang ang ingay d'yan." Pinihit ko ang oven para iinit ang pagkaing binili ko.

"Stag party. Sorry, hindi ako nakapagpaalam. Akala ko kasi sandali lang kami lalabas. I didn't know that it was a Stag Party."  He sighed.

"It's okay. Enjoy the party. Huwag mo muna akong ite-text o tatawagan. Spend the rest of your time with your friend," sabi ko. Stag party? Sure akong maraming nagsasayaw na babae ngayon doon sa harapan niya.

"I will not touch these girls. I am not looking at them either. They have no clothes, sugarpie. Gusto ko ng umalis dito." He sounded problematic. Para bang may ginagawa siyang mali.

Natawa ako sa ka-inosentehan niya. Stag party nga eh! Lalo pa akong natawa nang magkagulo sa background dahil pinipilit na yata siya ng mga kasama niya na ibaba ang tawag at makisali sa kanila.

"No! I am talking with my sugarpie," sabi niya sa mga kasama niya.

"Yohan," tawag ko sa kanya. "Enjoy, make your friend happy. Ito na ang huling araw niya ng pagiging single. I'll just see you on Sunday, simba tayo. Sunduin mo ako at magsisimba tayo sa kung saan ako madalas magsimba." I am excited to introduce him to Father Ferdinand.

I was 35 when He Was 28Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon