Kabanata 7

864 38 6
                                    

Safe Sky

What I like about Yohan is his patience. Hindi pa yata ako naka-encounter ng lalakeng kayang maghintay nang mahigit tatlong oras. I said he can go home and will just meet at my parents house but he said, he will just wait for me.

Nang malaman iyon ng mga tao sa loob ng building ay sinabi pa nilang sa loob ko na lang paghintayin si Yohan dahil mainit sa labas. Ayoko naman dahil baka lalo na akong hindi makatrabaho nang maayos. I can't believe that I just let a man court me. Noong may mga sumubok kasi noong high school ako ay malaki pa ang pagtanggi ko dahil nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral at hindi pa papayag ang mga magulang ko. Sa tingin ay mga magandang bunga ang mga pagtanggi ko noon. I turned my back to face what I really deserve.

Kahit nasa loob ako ng opisina ay panay ang padala ko ng mensahe sa kanya kung naiinip na ba siya o ayos pa siya sa labas. He said he's fine and he was enjoying talking with some strangers. He even asked how was I as an employee here to my colleagues.

Kung ako ang tatanungin, isa lang naman akong simpleng empleyado rito. I tend to hide not because I don't want the extra work they will give, but I just don't want the attention. Ayoko lang na lagi akong napapansin dahil mas lalo akong nagkakamali kapag maraming mata ang nakatingin sa akin. Ang hirap lang kasi na ikaw na lang palagi ang nakikita. Sa boss ko lang ako nagpapakitang gilas dahil siya lang naman ang kailangan kong ma-impress.

"Hindi ka ba nainip?" tanong ko kay Yohan pagkalabas ko ng building.

He opened the door of the passenger seat of his car. "A little. Nalibang naman ako sa paligid. Madaming akong nakausap. Pati sa mga bata, nakipaglaro rin ako. When I have no one to talk to, I am eating."

Sumakay ako sa kotse. "Ang takaw mo pero ang ganda pa rin ng katawan mo. How's that even possible?"

Nagkibit-balikat lang siya at marahang sinara ang pinto at nagpunta na sa driver's seat. Napatingin ako sa backseat nang makita ang mga pagkain at ilang naka-cellophane na prutas. Kumunot ang noo. Napakarami naman yata nito.

"I bought some foods. Sabi Auntie Maricel ay marami raw kayo sa bahay niyo kaya dinamihan ko na." Matipid siyang ngumiti habang nagmamaneho at nakatuon ang atensyon sa kalsada.

"Salamat, magugustuhan nila 'yan. Gustong-gusto nilang kumain lalo na kapag bago sa paningin nila ang pagkain. Ang alam ko ay nagtinda ngayon si mama ng barbeque, gusto mo ba iyon?" Nahihiya pa ako dahil iyon lang ang mai-o-offer ko.

"Mayroong isaw? At adidas?" tanong niya at napatingin sa akin.

I nodded. "I think so, kung hindi pa ubos. Mabilis ubos ang mga iyon kasi mura lang. Lilibre na lang kita ulit."

Umiling siya. "I am paying for what I eat this time, Feliz. Business is business."

Hindi na lang ako nakipagtalo dahil totoo naman ang sinabi niya. Sa maliit na kinikita nina mama at papa sa munti naming tindahan ay napagtapos nila kaming dalawa ni France at ngayon ay nagtutulungan kami para mapatapos naman si Froilan. Matanda na ang mga magulang ko at hindi na kasing lakas noong nag-aaral pa ako. While they strength decreases, the money they need still hasn't changed. Kahit na hindi namin sila responsibilidad, there's a part of me telling that I need to help them. Kahit na maliit na halaga ay malaking tulong na sa kanila.

"Anong iniisip mo, Feliz?" tanong ni Yohan at saka ako sinulyapan.

"Naiisip ko lang paano mo popormahan ang mga magulang ko. They are not hard to please. Nakakausap mo na ang mama ko at ang problema mo na lang ay ang papa ko. 'Yung dalawa kong kapatid ay hindi naman mangingialam. Kung ano man ang sabihin ni papa, huwag mong masyadong pakinggan. He can't still let go of me. Nag-iisa kasi akong babae. Sana maintindihan mo ang pagka-overprotective niya at ang ugali niya dahil sa katandaan." I tapped his shoulder.

I was 35 when He Was 28Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon