Kabanata 14

663 32 2
                                    

Suspicion

Mercedes Benz on the way🚗

Galing mo talaga, bro. Bilib na ako sa'yo.💸

Ilan lang 'yan sa mga post ng mga kaibigan ni Yohan na naka-tag pa siya at hindi niya p-in-ost sa timeline niya. I don't know what's the meaning of these posts. Kasabay pa ng mga ito ay unang pag-post ni Yohan ng litrato namin sa simbahan. Ayokong makaramdam ng masama at ayoko ring pagdudahan si Yohan dahil mahal ko siya. Pinutol na niya ang koneksyon niya sa mga ito dahil wala na rin sa friend list niya ang mga account na ito.

"Guess what," bungad sa akin ni Mina.

"What?" Pinatay ko ang cellphone ko at binigay ang buong atensyon sa kanya.

"Yohan is our new colleague. He is in Accounting Department." Nilapag niya ang resume ni Yohan kasama ang application letter nito.

I frowned. "Hindi ko alam ito," sabi ko.

She shrugged her shoulders. "Maybe, gusto niyang supresahin ka. Ang sweet naman. Siguradong hindi ka na bokya niyan sa Valentine's Day Appreciation Celebration."

Iniwan ako ni Mina habang binabasa ko ang resume at application letter ni Yohan. Sa dami ng credentials niya at ang sa perfect ng pagkakasulat ng application ay imposibleng hindi ito matanggap. Kaya hindi na siguro dumaan sa HR ang application niya dahil rush din ang pag-hire. Kulang na kulang kasi talaga ang tao sa accounting department dahil ang taas ng requirements at kokonti ang nag-apply at bibihira rin naman silang magpapasok.

"What's up with you, Yohan? Why am I not feeling well about our relationship?"

Ayokong magduda at ayoko ring maramdaman ang ganito. Hindi pa tumatagal ng isang buwan ang relasyon namin, parang nawala na ang excitement ko sa mga bagay-bagay. Isa pang napapansin ko sa kanya ay ang pagbawal niya sa akin gumamit ng social media. Ang sabi niya ay hayaan ko na lang daw naka-deactivate ang FaceGram ko which is wala namang kaso sa akin dahil madalas din naman iyong naka-deactivate. Pero gusto ko rin namang mag-post sa account ng tungkol sa aming dalawa. Ako naman ang mang-iinggit, ganon. Kaya lang ayaw ni Yohan.

"Why?" tanong ko sa kanya habang sabay kaming nagla-lunch.

"What 'why'?" Humigop siya ng sabaw ng bulalo. "Ang sarap," sabi niya.

"You know it, bakit ka nag-apply ng trabaho rito? Hindi ba at nagbabakasyon ka lang? Hindi ka na babalik ng Maynila?" He was distracting me with that sound. Sinisipsip niya iyong bone marrow.

"Ayaw mo ba no'n? Dito na lang ako para lagi na tayong magkasama," he answered me pagkatapos niyang masipsip lahat ng bone marrow.

"Your life is in Manila. Your dream is in there. Ano? Iiwan mo na ang pagpipiloto?" Mahina lang pero may diin ang mga sinasabi ko dahil nasa public place kami.

Bumuntonghininga siya at pumikit nang mariin. "Finish your food, we will talk later."

Pinakalma ko ang sarili ko at tumango. Hinintay ko hanggang sa mag-uwian. Pinilit ko ang sarili kong hindi mabaliw sa kaiisip ng mga ibig sabihin ng mga ginagawa niya ngayon. Is he running away from something?

Pagkapasok pa lang namin sa bahay ko ay hinarap ko na siya. Nakahalukipkip ang mga braso ko at tinaasan siya ng kilay.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri. "Okay," he said. "Yes, I am leaving Manila and my work there as a pilot."

"Why?" Kumunot ang noo. Sa oras na sinagot niya na dahil iyon sa akin, makikipag-break ako sa kanya. Ipinangako ko iyon sa sarili ko, na kung ako ang magiging dahilan kung bakit mahihinto lahat ng mga pangarap niya ay titigil ako.

I was 35 when He Was 28Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon