Sweet Tongue
Nagkulong ako buong hapon at magdamag sa bahay ko. Alam ko kasing nand'yan lang siya sa labas at hinihintay na buksan ko ulit ang pinto. Keeps calling me and knocking on my door. I prevent myself to open it and answer his calls. Bakit hindi pa siya umalis? Pinapadali ko na nga para sa aming dalawa ang sitwasyon. I am letting him go. Masakit ang ginawa niya sa akin pero nakokonsensya ako na dahil naman sa akin ay hindi binitiwan niya ang pagiging piloto. Hindi ko siya maintindihan. Para sa isang kotse at sa isang babae ay magagawa niyang isakripisyo ang bagay na matagal na niyang pangarap? Siguro ay ganoon niya talaga kamahal si Keila.
"Umuwi ka na, Yohan," bulong ko habang nakatitig sa screen na pinapakita ang kuha ng CCTV camera mula sa labas ng bahay ko.
Kanina pa siya d'yan at hindi umaalis. Hindi ko rin siya nakitang kumain o uminom man lang. Papasok at lalabas lang siya ng kotse niya. Minsan ay kinakalikot ang cellphone at may tinatawagan. Iniiwasan kong panoorin siya dahil naawa ako. Ito ang ayoko sa sarili ko. Mabilis akong makalimot. Kapag hindi ko na nararamdaman ang sakit ay magi-guilty na ako sa nagawa ko at pakiramdam ko ay ako pa ang mali.
Nagluluto na ako ng hapunan ko nang marinig kong muli ang pagkatok niya. Pinatay ko ang oven at kinuha ang mga damit niya na ako na ang nagbalot para sa kanya. Lumiwanag ang mukha niya nang sa wakas ay buksan ko ang pinto. Bago pa niya ako mahawakan ay inabot ko na ang mga nakabalot niyang damit.
"Umuwi ka na, Yohan," sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan.
"Feliz, naman. Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako. Gusto ko sabihin sa iyo pero naisip ko na hindi na iyon mahalaga dahil totoo naman ako sa iyo simula pa lang. Wala akong ginawang hindi totoo sa iyo. Patawarin mo ako, Feliz. Huwag tayong maghiwalay. Hindi ko kaya." Kinuha niya ang inaabot ko sa kanya pero hinila pa rin niya ako para mayakap. "Mahal na mahal kita, hindi mo ako paniwalaan. Mahal kita, totoo iyon. Kung kailangang suyuin kita, gagawin ko. Huwag lang tayong maghiwalay, gagawin ko lahat para sa iyo."
May naramdaman akong pumatak sa balikat ko. He sniffed and hugged me more. Ang yakap na hindi ako makakawala kahit pumiglas ako. Iyong klase ng yakap na parang ano mang oras ay mawawala na sa kanya kaya kailangan niya akong hawakan.
"Ang gusto ko lang gawin mo ngayon ay umuwi ka na. Magpahinga ka na."
I didn't expect this to happen. Hindi ko akalaing darating ang panahon na paalisin ko siya. Masyado na akong matanda para magkaroon pa ng plot twist ang buhay ko.
Kumalas siya sa yakap pero hindi lumayo ang katawan niya sa akin. Pinunasan akong luha niya gamit ang mga kamay ko. "Uwi na, Yohan."
Hinuli niya ang mga kamay ko at hinalikan iyon. "Mag-uusap tayo bukas. Hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako papayag."
Sinara kong muli ang pinto. Ang pinakamasakit na ginawa ay hindi iyong pustahan kung hindi pagbitiw niya sa pangarap niya para lang sa isang laro. Kung iisipin ay parang napaka-romantic no'n pero para sa akin ay hindi. Para sa katulad kong marami nang naisuko, marami nang isinawalang-bahala dahil hindi ko naman kayang maabot iyon ay isang napakalaking pagsasayang ang ginawa ni Yohan. Sana naisip niya na pwede naman niyang makuha ang ibang bagay na iyon kahit hindi niya isuko ang pangarap niya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago narinig ang pag-alis ng sasakyan niya. Wala na akong ganang kumain kaya ni-ref ko na lang ulit ang iinit ko sanang pagkain.
Nang makahiga ako sa kama ay sinulyapan ko ang kama ni Yohan na tanging kumot at mga unan na lang niya ang nandoon. Hinawakan ko ang pendant ng locket na hanggang ngayon pala ay nakasuot pa rin sa akin.
Mahal ko si Yohan at sa tingin ko ay hindi na iyon maalis sa akin. Na-imagine ko na ang buhay na siya ang kasama ko sa hinaharap. Iyong mga pangarap na magkasama naming binuo at iyong mga pangarap ko na kasama ko siyang tutuparin. I even tried considering to have children. Kahit simple lang ang kasal naming ay maligaya na ako. Kahit hindi kami magpunta sa ibang lugar para sa honeymoon, dito lang sa bahay ko ay ayos na sa akin.
BINABASA MO ANG
I was 35 when He Was 28
RomanceWhen the "study first" motto makes you forget and ignore the word "love life", it sucks to the highest level. At the age of 35, I was ready to accept that there is no one for me to call " boo-boo bear", "sugarpie", or "honeybunch", but my parents an...