Kabanata 2

1.1K 50 7
                                    

Slower

"Isaiah chapter 60, verse 22, When The Time Is Right I, The Lord Will Make It Happen," panimula ni Father Ferdinand sa kanyang Homiliya sa linggong ito.

Hindi ko maiwasang hindi makinig sa kanya dahil sa mga oras na litong-lito na ako sa mga desisyon ko sa buhay. Palagi namang sumasakto sa bawat problema ko ang mga words of wisdom ni Father. Kagaya ngayon, ang tagal ko nang hinihintay ang tamang panahon para sa mga pinagdarasal kong ibigay sa akin. Isa na lang naman ang hinihintay ko...

"Hindi ba't napakagaling ng Panginoon sapagkat alam niya kung kailan ang tamang oras para sa atin, alam Niya na ang oras na handa na tayo para sa bagay hinihingi natin. Hindi madamot ang Diyos, hindi Niya ipagkakakait ang para sa atin. Hindi Niya iiimot ang ang laan para sa atin. Huwag nating isipin na tinulugan na tayo ng Panginoon. Huwag nating isipin na hindi na Niya tayo pinakikinggan kasi nagsawa na Siya sa atin. Nandyan palagi ang Diyos, sinusubaybayan ka, pinakikinggan ka, ginagabayan ka, minamahal ka. Ibibigay Niya ang mga bagay na handa na nating tanggapin. Huwag kang mainip. Matagal mang dumating ang isang bagay na gustong-gusto mong makuha, ang sabi nga nila, kung para sa iyo, ay sa iyo. Ang Juan ay kay Juan, ang kay Pedro ay kay Pedro."

Nagtama ang mata namin ni Father Ferdinand. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako. Bago kasi magsimula ang misa kanina ay nagtanong at humingi ako ng payo sa kanya. Hindi na na niya ako nasagot dahil oras na at choir pa ako ngayon. Sasagutin din pala niya ako. Hindi lang siguro ako ang may kailangan makarinig ng isasagot niya. Siguro ay marami na ring taong naiinip kahihintay sa mga hinihiling nila. Sa tagal kong naniniwala sa kakayahan ng Diyos ay hindi ko pa ring maiwasang magdududa.

"Kasal ni Emily next month. Ni-request tayo na mag-choir, eh. Mag-solo ka raw, Feliz," sabi ni Sir Emman na leader namin sa choir.

"Wala namang problema, sir. Kaibigan naman natin si Emily. Akalain mong mas mauna pa pala siyang ikakasal sa akin. Aayaw-ayaw pa sa nanliligaw sa kanya noon." Humalakhak ako. Emily is our former choir member.

"Ganoon kasi talaga kapag na-in love. Nothing's gonna stop their hearts. Born for You ang kantahin 'tsaka Nothing's Gonna Stop Us, duet na lang tayo."

Tumango ako at nagpaalam na sa mga kasamahan sa simbahan. Hinintay ko si Father para magpasalamat at ibigay itong paborito niyang banana chips na pinabili ko pa kay France, ang pulis kong kapatid, nang mag-seminar sila sa Baguio.

"Akala ko i-snob-in niyo na po ako kasi sobrang drama ko," sabi ko pagkatapos kong magmano.

"Matagal na kitang kilala, Feliz. Noong unang tungtong mo pa lang sa kolehiyo nand'yan na ako at pinakikinggan ang bawat hinanaing mo sa buhay bilang isang kolehiyalang estudyante. Hanggang ngayong naghahanap ka ng makakatuwang sa buhay." Tinapik niya ang balikat ko. "Kung para sa iyo ay para sa iyo, Feliz. Hindi natin kayang pigilan ang mga gustong mangyari ng Panginoon. Huwag mong masyadong iisipin ang mga sasabihin ng mga tao sa paligid natin. Makikinig ka lang sa kanila kapag may sapat ng basehan na ang masasakit na salitang binabato nila sa iyo."

Tumango ako. "Salamat po, Father. You always know how to lift my faith."

Diresto akong umuwi sa sarili kong bahay na malapit lang sa pinagtatrabahuan ko. Iba kasi ang feeling kapag nandito ako. I can get the peace of mind I deserve. Mamaya na lang ako maggo-grocery, maglilinis muna ako ng bahay. Dalawang araw din akong hindi umuwi rito. At sa malamang ay puno na naman ng alikabok ang sahig. Wala pa akong mga furnitures, pang-isahang tao lang din ang mga utensils ko. Kutson lang at wala pang kama ang laman ng kwarto ko. Kaya hindi ko pa madala ang lahat ng damit ko rito at pauwi-uwi pa rin ako sa mga magulang, wala pa kasing mga gamit.

I was 35 when He Was 28Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon