Hurtful Truth
Hindi ako nakatulog...
Ni hindi man lang ako nakaramdaman ng antok. Tulala ako buong magdamag habang dinadama ang sakit ng katotohanang tuluyan na akong sinampal. Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko na magawang bumalik pa sa sarili kong bahay kaya pinatuloy muna ako ni Mina sa apartment niya. Ayokong makita si Yohan. Hindi ko na siya kayang tiningnan pa ulit ng kagaya sa dati.
"Feliz, matulog ka na. Anong oras, oh?! May event pa tayo mamaya sa office." Niyakap ako ni Mina.
Umiling ako. "Hindi na muna siguro ako papasok."
Tuwing naalala ko ang mga sinabi ni Keila at Cedric ay nanunuot ang sakit na parang gusto ko ring saktan si Yohan para kahit papaano ay makabawi man lang ako dahil pinagmukha niya akong tanga. Pinaglaruan niya ako. Ilang beses ko siyang tinanong, ilang beses din siyang nagsinungaling. Naging totoo ako sa kanya habang siya ay tuwang-tuwa na nakuha na ang loob ko. Minahal ko siya nang totoo pero siya, ginamit niya lang ako.
"Hindi iyan totoo, mahal ako ni Yohan," pagtanggi ko pa noong una. Mahal niya ako, eh. Ramdam ko iyon.
"Naiintindihan kong mahirap paniwalaan ang mga sinasabi namin dahil sa mga ginawa niya para sa iyo. Believe me, Yohan knows how to play a game without being caught cheating. Masakit para sa amin na kailangan pang umabot sa ganito ang laro nila. Bakit kailangan ka pa nilang idamay? Babae rin ako, Feliz. Magmamahal tayo ng tunay sa umpisa pa lang. Alam ko kung gaano na kalalim ang pagtingin mo sa kanya dahil sa pagtakbo mo sa katotohanan. Pero, hindi siya totoo sa iyo, Feliz. Lahat ng ginawa niya sa iyo ay para makuha ako at ang gusto niyang kotse. I'm sorry kung nadamay ka pa. Dapat pinigilan ko na sila sa una pa lang." Yumuko siya at inabot sa akin ang cellphone niya. Pinanood niya sa akin ang video kung saan makikita at maririnig kung paano tinanggap ni Yohan ang hamon sa kanya.
"Best of luck, bro. Paluwangin mo nang todo. Masarap 'yan. Picture-an mo tapos send mo sa amin ang boobs at tahong," sabi ng isa at nagtawanan sila.
"Sure, kapag nagawa ko, akin na ulit si Keila at ang Mercedes Benz mo," sabi ni Yohan.
"Sure!"
Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Pinigilan kong mapunta sa sakit sa puso ko dahil sa oras na maramdaman ko ito, alam kong hindi ko na muling mahaharap pa si Yohan. Gusto ko pa siyang makausap. Gusto kong manggaling sa kanya na pinaglaruan niya lang ako.
"Ako talaga ang mahal niya, Feliz. Kilala ko si Yohan, sweet siya kahit kaninong babae kaya mahirap tukuyin kung interesado ba talaga sa iyo o pinaglalaruan ka lang niya."
Hindi ko na kayang makinig.
Lubos-lubos na ang mga nalaman ko. Hindi ko na kayang tanggapin pa.
"Nagalit sa iyo ang mga kaibigan namin dahil akala nila ay nilalason mo na ang utak ni Yohan. Remember? Noong pinatawag siyang muli para maging co-pilot ng isang international flight, iyon na ang huling hours na kailangan niya para maging captain. But we were all shocked when he resigned to his job. Ang sabi niya pa ay hindi na siya babalik doon sa Maynila. Pakiramdam ng mga kaibigan namin ay inagaw mo siya sa amin. Pinutulan mo siya ng pakpak. Kahit ako ay nagalit sa iyo pero naintindihan kong hindi mo iyon kasalanan dahil sinungaling si Yohan," sabi ni Cedric. "Lahat ng pinakita niya ay hindi totoo. Sinadya niyang hindi sabihin sa iyo kung saan siya nakatira sa Manila. Sinadya niya ring hindi ka ipakilala sa daddy niya. I'm sorry."
"Mas pinili naming sabihin sa iyo nang maaga para maprotektahan mo ang sarili mo sa kanya. Sa oras na makuha ka niya. You know, pop your cherry, he will leave you soon. Babalik siya sa Maynila at airline na parang walang nangyari. Makukuha niya pa ang premyo niya. I can still remember how he laughed at the thought dating you. He was disgusted by the fact that you are already 35 years old and still his aunt is pushing him to you. Kung hindi ka makikinig sa amin, mas masasaktan ka lang kapag naiwan ka na niya nang hindi nagsasabi." Nag-alangan pa si Keila na hawakan ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
I was 35 when He Was 28
RomanceWhen the "study first" motto makes you forget and ignore the word "love life", it sucks to the highest level. At the age of 35, I was ready to accept that there is no one for me to call " boo-boo bear", "sugarpie", or "honeybunch", but my parents an...