Doubts
"Saan ka sasakay papunta sa reception?" tanong ni Yohan.
Ni-logout ko ang FaceGram account ko para hindi na ako maistorbo ng mga friends ko roon na panay ang tanong at comment ng congratulations sa post. Pati sa message ay hindi ako tinatantanan. Wala pa naman akong dapat sabihin dahil hindi ko pa naman sinasagot si Yohan. Wala pa akong maikukwento at ayoko ring umasa sila.
"Sa mga ka-choir ko kasi sa kanila ako may plano ngayong araw. Nag-arkila pa si Emily ng sasakyan namin para makapunta kami lahat," sagot ko.
"Okay, see you on the reception then, sugarpie. Be safe," he said. Ang akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin at halikan ang noo ko.
Sandaling pagdampi lang iyon pero ramdam ko ang init at lambot ng labi niya hanggang sa makasakay na ako sa van na inarkila ni Emily. Tahimik ako sa biyahe at paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang ginawa ni Yohan. Iisipin niyo siguro na big deal para sa akin ang simpleng paghalik sa noo, oo, big deal talaga iyon sa akin dahil first time ko iyon. Siya ang unang lalake ang nakahalik sa noo ko. Maligaya ako dahil sa wakas ay unti-unting natutupad ang mga pinapangarap ko lang noon. Nagdadasal ako palagi na sana makahanap ako ng lalakeng tatratuhin ako ng tama. Humiling ako ng isang lalake na alam makisimpatya sa nararamdaman at mararamdaman ng iba kung sakaling gawin nila ang isang bagay. Kung nanaginip lang ako ngayon, sana ay hindi na lang ako magising kung dito ko lang mararanasan ang pahalagahan ng ganito.
"Kanina ka pa tulala d'yan, Feliz? Ayaw mo ba kaming kasama?" tanong ni Ate Gina.
"Naku! Nagka-love life lang, ayaw na tayong makasama. Baka naman umalis ka na rin kagaya ni Emily," sabi Sir Emman.
"Hindi naman po, baka nga ayain ko pa si Yohan na sumali sa choir para may kasama ka ng lalake, Sir Emman. Magaling siyang kumanta." Bumuntonghininga ako. "Naninibago lang ako sa pakiramdam na may lalakeng umaaligid sa iyo. Iyong nanliligaw ba." Tipid akong ngumiti.
"Ay, nako! Pabayaan niyo na lang 'yang si Feliz, ngayong pa lang nagdadalaga." Tumawa si Claire.
"Ngayon pa lang naman talaga dahil wala akong time noon maging haliparot," sabi ko.
Mas lalo pa silang umingay. Nakisali na lang ako sa kanila dahil mamaya ay na kay Yohan na naman ang atensyon ko. Baka magselos na ang mga ito kung puro si Yohan na lang ang nasa isip ko kahit sila ang kasama ko.
Nasaan na kayo? I am in the reception. Hihintayin kita sa labas.
'Yan ang pinadalang mensahe sa akin ni Yohan habang nasa parking lot kami ng venue.
Ni-reply-an ko siya na nasa parking lot na kami at papunta na sa venue. Nakita ko siya sa may entrance. Ang mga kamay niya nasa bulsa ng kanyang slacks, wala na rin ang coat niya at nakasampay na iyon sa kanyang balikat. Naka-suspenders pala siya at ang necktie niya ay medyo maluwag na rin ang pagkakatali. Siguro ay naiinitan na. Bakit hindi na lang siya sa loob naghintay?
Ngumiti siya na parang nabuhayan nang makita akong papalapit. Hindi na yata mawawala ang mga pangtutukso sa akin tuwing ganitong magkikita kami ni Yohan. Dapat na yata akong masanay.
Nakita ko ang pawis sa noo niya, malamang ay dahil iyon sa paghihintay sa labas. Kinuha ko ang tissue sa sling bag ko at inabot sa kanya iyon.
"Bakit dito ka pa naghintay? Sana sumama ka na doon sa loob. Napawisan ka pa tuloy," sabi ko.
Pawisan na pero parang mas lalo lang siyang bumango. Ang unfair naman!
"Baka hindi mo ako makita sa loob. Madaming tao," sabi niya at hinawakan ang kamay ko pagkatapos magpunas ng pawis.
BINABASA MO ANG
I was 35 when He Was 28
RomanceWhen the "study first" motto makes you forget and ignore the word "love life", it sucks to the highest level. At the age of 35, I was ready to accept that there is no one for me to call " boo-boo bear", "sugarpie", or "honeybunch", but my parents an...