Awkward
Nagtatakbo ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa kagustuhan ko na lang makaalis at makalayo kay Yohan para maiwasan ang mas malala pang kahihiyan, kahit hindi ako pamilyar sa lugar ay sige lang pagliko-liko ko.
"Feliz!" narinig kong sigaw ni Mina at Woni mula sa malayo kasabay ng paghila sa akin ng isang matipunong braso dahilan para mapasubsob ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.
Narinig ko rin ang isang malakas na busina ng sasakyan nagmula sa dinaraanan ko kanina.
"Tinitingnan mo ang dinaraan mo sa susunod, miss," wika ng isang taong hindi ko kilala mula sa likuran ko.
"Sorry, sir. Hindi niya kabisado ang lugar," kausap ni Yohan sa nagsalita habang ang isang braso niya ay nakapalupot sa bewang ko. Nanunuot sa pang-amoy ko ang pabango niyang panlalake na hindi masakit sa ilong. Sa katunayan nga ay ganoon ang mga gusto kong amoy.
Umalis ang sasakyan at doon ko pa lang naitulak si Yohan palayo sa akin. Hindi ko maiangat ang tingin ko sa kanya. Tumikhim ako at ang mga mata ko ay nandoon ang tingin sa dibdib niya. Nabasa ko na ang name plate niya ng ilang beses.
"Ma'am Feliz, why did you run away? Am I scary?" tanong niya at tinuro ang daan patungo sa mga kaibigan ko.
Nagdalawang-isip ako kung pupuntahan ko ba sila o hahayaan na lang silang lumapit sa akin. Naisip ko bigla na parang sobrang pabebe ko naman ngayon. Nakakita lang ng gwapo ay parang nagsilambutan lahat ng organs ko sa katawan. Baka sabihin ni Yohan na ang pangit ko ka-bonding at ma-OA-yan siya sa akin.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nandoon ang mga mata niyang naghihintay na makatagpo ang tingin ko. Sobra akong kinakabahan at mas lalo pang tumindin iyon nang ngumiti siya sa akin. Hindi ko naman kasi maipagkaila sa sarili ko na crush ko na si Yohan, mas lalo pang tumindi ngayong nalaman kong napakadisente niya pa lang tao. Kuhang-kuha ni Lord ang hinihiling ko lalake, si Yohan ang tipo ko. Wala pala talagang imposible kay Lord. Patience lang talaga.
"Hi..." maliit ang boses na bati ko sa kanya. "Sorry, I messed up again. Uh--"
He smiled even more. "It's fine. Did I make you uncomfortable? Pasensya na at nahuli ako kanina, sa ibang exit ako nagpunta. Hindi ko nasabi kung saan kayo dapat maghihintay."
"You didn't tell me you are a pilot. Maiintindihan ko sana ang pagkahuli mo kung nagsabi sa akin. Nagulat ako, akala ko tambay ka lang sa Maynila. Iyong bio mo kasi, parang hindi pangpiloto." I pressed my lips and lowered my eyes.
He made a small laugh. "Hindi ko nasabi dahil nakalimutan kong banggitin. Hindi ka rin naman nagtanong kaya hinayaan ko na lang. Kilabot ng Himpapawid sounds like a pilot to me..." He paused for a moment. "Tama nga si Auntie Maricel..."
Naagangat ko ang tingin ko sa kanya. "Ano ba ang sinabi niya?"
"You don't look like a 35-year old woman. You are cute." Tumikhim siya, pumula ang magkabilang pisngi at napakamot sa batok. "Why my heart is beating so loud? Am I nervous." He forced himself to laugh. Lumapit siya sa akin. "Can I touch your hand? Just a small touch, if you don't mind," tanong niya na ikinabigla ko.
Wala sa sarili akong tumango at nilahad sa kanya ang kamay ko. Hinawakan niya ang kamay ko, pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Napakalambot ng mga kamay niya at pinigilan ko ang sarili ko na magpawis dahil isa namang malaking kahihiyan iyon kapag nagkataon.
"Let's go?" He didn't let go of my hand. His hand is soft and warm. Hindi ko na yata mapipigilan ang pasmado kong mga kamay lalo na at sumasabay pa ang puso ko na hindi na rin makontrol ng pag-iisip ko.
Kagat ang labi akong tumango habang ang mga mata ay nasa mga kamay pa rin naming magkahawak. Hindi na ako makapag-isip nang tama dahil iyon na lang ang laman ng utak ko. Naaninag ko ang mga kaibigan kong binabatayan ang bagahe ni Yohan. Unti-unti kong nakita ang mga mapanukso nilang ngiti habang papalapit kami sa kanila. Ayokong tinutukso ako dahil mas lalo kong nararamdaman ang hiya. Hindi ko alam kung napabuti bang sinama ko sila o hindi.
Paniguradong katakot-takot na pang-iinis na naman ang aabutin ko sa kanila. Mabuti sana kung ko kasama si Yohan habang ginagawa nila iyon.
BINABASA MO ANG
I was 35 when He Was 28
RomanceWhen the "study first" motto makes you forget and ignore the word "love life", it sucks to the highest level. At the age of 35, I was ready to accept that there is no one for me to call " boo-boo bear", "sugarpie", or "honeybunch", but my parents an...