Kabanata 18

664 33 4
                                    

Bet

It is my birthday.

February 13, I am now 36. Time flew so fast. The last time I celebrated my birthday, I was a little bitter, desperate, and mad. I can't tell that phase of me is not gone because for some reason, I started to doubt Yohan once again. Mahabang panahon na rin simula nang magbingi-bingihan ako sa bulong ng damdamin ko. Ilang beses ko ring itinanggi na may mali. Hindi ko magawang harapin dahil ayoko nang masira pa ang kasiyahang mayroon ako ngayon. Kuntento na ako kaya bakit pa ako haharap sa katotohanang maaaring makasira nito?

Pero totoo nga ang sinasabi nila, katotohanan ang magpapalaya sa iyo. Ang katotohanang masakit pakinggan at mahirap tanggapin kaya pilit na iniiwasan.

"Happy birthday, sugarpie," bulong ni Yohan habang nagtatrabaho kami.

Katabi ko siya ngayon sa table dahil nire-renovate ang HR Office kaya inilapat muna kami pansamantala sa Accounting Office.

"Thank you. Kanina mo pa ako binabati. Hindi ka ba nagsasawa?" Natatawa dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong binati.

"Birthday mo pa rin naman hanggang mamayang 11:59 pm, walang masama kung batiin kita minu-minuto. Hindi natatapos sa isang pagbati lang ang lahat." Tumango-tango pa siya.

"Oo nga, samahan mo na rin ng regalo para happy na ako," biro ko.

Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Weird talaga nito minsan. Bigla kong naisip, bakit hindi ko na lang tanungin sa kanya mismo ang sinasabi ni Cedric? Sasabihin niya kaya ang totoo? O magsisinungaling lang siya sa akin?

Tinikom ko nang mariin ang bibig ko para wala nang lumabas pang salita. Gustuhin ko mang magtiwala ng buo sa kanya, iba naman ang sinasabi ng instinct ko at mga tao sa paligid namin. If Yohan will stop me from meeting his ex-girlfriend and his friend, anong ikinakatakot niyang malaman ko mula sa kanila? Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin ang lahat? Ano ba kasi ang nangyari sa Manila?

"Happy birthday, Feliz!" bati ni Mina at Woni habang dala ang isang maliit na cake.

"Thank you, buti pa kayo may pa-cake." Tiningnan ko si Yohan na hindi man lang ako pinansin.

"Ay, naka-sale kasi 'yan two for 150 pesos. Amin 'yung isa, sa 'yo naman ito," sabi ni Woni.

Siniko siya ni Mina at saka bumulong. "Hindi ba sabi ko secret lang 'yon."

Napatakip si Woni sa bibig niya. "Ay! Oo nga pala. Sorry!"

Napailing ako. Ang mga bruhang ito, ang gugulo kahit kailan. Pero at least, may pa-cake sila. Itong si Yohan, nagtitipid yata. Sabagay kasi kaka-monthsary lang namin. Limang buwan na pala akong may boyfriend. Limang buwan na rin akong feeling blessed.

Uwian na nang batiin niya ulit ako. Napairap na lang ako. Oo, nage-expect talaga ako ng regalo o kahit pa-cupcake man lang pero wala, eh! Panay ang bati sa akin, hindi niya sabihin kung wala na siyang budget.

"Ang sungit mo naman, Ma'am Feliz." Humalakhak siya habang binubuksan ang ang pinto ng bahay ko.

Umirap ulit ako nagdiretso ng pasok sa loob pero kaagad ding natigal dahil mayroon na pala akong sala set na hindi ko alam kung kailan ko binili. May dalawang sofa iyon, isang mahaba at isang pang-isang tao lang. May center table at may lalagyan pa ng television na may flat screen t.v. na rin. Hindi lang ito basta sala set, ito rin ang sala set na binabalik-balikan ko sa mall na hindi ko mabili kasi hindi kaya ng budget ko.

"Happy birthday, sugarpie. Huwag ka nang magtampo. Hindi mo naman gusto ang cake kaya bakit kita bibilhan ng cake? Hindi mo naman kailangan ng bulaklak kaya bakit kita bibilhan ng bulaklak? This is what you want. I love you so much, sana piliin mo pa rin akong makasama hanggang sa mga susunod mo pang mga birthday." He hugged me from behind and put his arms around my waste. He kissed my cheek several times.

I was 35 when He Was 28Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon