Kabanata 21

738 34 7
                                    

One More Pain

Hindi halos makapagsalita si mama nang sabihin kong hiwalay na kami ni Yohan. Si Ate Maricel din ay hindi makapaniwalang maghihiwalay pa kami ng pamangkin niya gayung maayos naman ang lahat sa amin. Wala rin akong sinabing dahilan. Hindi ko nga rin alam kung talagang naghiwalay kami ni Yohan. Nagkahiwalay lang yata kami ng lugar.

"Ano na ang balak mo ngayon? Wala na si Yohan," sabi ni Mina habang kumakain ng siomai.

"Single ka na ba ulit? Nag-break ba kayo o lumayo lang siya?" tanong ni Mina na umiinom naman ng buko juice.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko mahal pa namin ang isa't isa." Ngumiti ako.

Kumunot ang noo nila at nagkatinginan pa. Siguro ay nagtataka sila kung bakit mahal ko pa rin si Yohan at wala halong galit ang tono sa kabila ng ginawa niya sa akin. Sa totoo lang, hindi naman malaking bagay sa akin na kasama ako sa laro nila. Parte ng buhay ng isang tao ang minsang mapaglaruan, maisipan ng mapasa, at maipahamak. Kung mabibigo tayong intindihin kung paano gumugulong ang buhay, mabibigo rin tayong hilumin ang mga sarili natin kapag nasubsob na tayo sa putikan. Nasabi ko na noong una na hindi perpekto ni Yohan, I already expect the worst. Siguro nagulat ako sa mga nangyari. Nagular ako na nakakaya pa lang ng isipan ng tao ang gaanong pag-iisip.

Sana, sa paghihiwalay namin ng landas ay mas maging malawak pa ang isip namin tungkol sa mga bagay-bagay. Iyong mga bagay tungkol sa isang malalim na relasyon. Kailangan mas matutunan kong patatagin ang tiwala ko at mas lalong maging bukas ang pandinig ko. Nakalimutan ko ang sinabi ni Yohan na dapat ay sa kanya lang ako makikinig at sa sarili tungkol sa relasyon namin.

Marami nang nanghusga kahit noong nagsisimula pa lang kami. Maraming gustong sumira ng tiwalang binubuo pa lang namin sa isa't isa. Nagtagumpay ang ilan pero hindi kailangang palaging ganoon. Nabigo akong pakinggan si Yohan, nabigo siyang ipaintindi sa akin ang lahat. Sa huli ay pareho kaming nasaktan.

Napangiti ako nang magpadala siya ng litrato sa akin sa email account ko. Pareho na naming hindi binubuksan ang FaceGram account namin. Mas gusto namin ang ganito. Ayaw na naming may mangialam pa na iba sa relasyon namin. Mas mabuting marami na lang silang tanong at puna kaysa i-satisfy namin ang kagustuhan nilang makakuha ng atensyon

Flying...once again, sugarpie.

Iyan ang kalakip na mensahe ng litrato ng kamay niyang nasa nakalululang mga button.

Eyes on the clouds, my captain.

Alam kong hindi na niya iyong mababasa dahil abala na siya. Gayunpaman, mas maganda na ang ganito. Sa pangarap niya siya mag-focus. Ang kailangan ko namang pagtuonan ng pansin ngayon ay ang trabaho ko para mabayaran ko na ang bahay at lupa ko. Para rin makabili na rin ako ng gamit. Sa oras na nakabalik na si Yohan, hindi na namin kailangan pang matulog sa sahig.

Kinausap ko rin ang mga magulang ko na baka hindi muna ako makapagbigay sa kanila ng pera. Naisip ko kasi na kaya ako nahihirapan ay pinagsasabay-sabay ko ang mga bagay na hindi naman dapat. Kung tutuusin ay dapat sobra ang sahod ko para sa akin, pero palagi na lang nasasaid at minsan ay nagkukulang pa. Sinabi ko sa kanila na uunahin ko munang bayaran ang bahay at lupa ko kasabay ng pagpapalago ko ng pera sa savings account ko. Sa pagkakataong ito, sarili ko muna ang uunahin ko. Magiging makasarili muna ako kahit sa konting panahon.

"Daddy, napabisita po kayo?" tanong ko sa daddy ni Yohan nang madatnan ko siya sa labas ng bahay ko pagkauwi sa trabaho.

Inabot niya sa akin ang isang kahon na katamtaman ang laki. "Galing 'yan kay Yohan. Pasalubong niya sa iyo dahil galing siya ng Singapore last flight niya," sabi niya.

I was 35 when He Was 28Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon