Advent
Time flew so fast, hindi ko na namalayan dahil masaya nitong mga nakaraang buwan. Yohan is giving me the attention I have wanting to get since the day I realized I want to be appreciated. Kahit papaano ay panatag na rin ang loob ni papa kay Yohan. Ganoon din ang mga kapatid ko. Madalas ay sinasama ko siya kapag magsisimba ako at kumakanta sa simbahan. Maraming nagsasabi na dapat nga raw ay ikasal na kami at wala naman na kaming problema pero ayoko pa kasi, gusto ko munang patagalin ang relasyon namin bago namin ito gawing panghabang-buhay.
"Where are you going?" tanong ni Yohan nang makitang bihis na bihis ako.
Sabado ngayon at First Sunday of Advent na bukas kaya kailangan naming mag-practice ng Advent Songs.
"Sa bahay ni Sir Emman, magpa-practice kami ng kanta." Sinuot ko ang sandals ko.
"Wait, maliligo lang ako sandali. Ihahatid kita. Hindi ba at nasa kabilang bayan pa iyon? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?" Kinuha niya ang tuwalya at sinampay sa balikat.
"Magagalit ka ba kung sasabihin kong nakalimutan kong magpaalam?" Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na may kasama rito sa bahay ko. Hindi rin ako sanay nagpapaalam kapag aalis kasi wala naman ako madalas kasama.
"Hindi ka pa rin sanay na nandito na ako. Hindi pa nga tayo pwedeng ikasal. Kailangan mo muna matutunang sanayin ang sarili mong may kabiyak na." He pinched my nose then went to the bathroom.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganito ako. Matutulog kami nang magkayakap pero kinabukasan, pagkagising naman ay nakatalikod pa ako sa kanya at ang layo-layo ko na. Iyong unan na laging ko yakap noon ay iyon na ang kayakap ko. Ang mag-adjust kaya hindi pa pwedeng mag-asawa na kami kaagad. Hindi ba, ang desisyon sa pagpapakasal ay ginagawa kapag nakita mo na lahat ng maganda at pangit na ugali ng partner mo, kapag kaya mo ng maging komportable na kasama siya. Iyong hindi ka na naiilang at nahihiya. Iyong kahit umutot ka at ipagsigawan mong natatae ka na sa harapan niya ay walang kaso.
"Iyong Sir Emman niyo, pakiramdam ko, gusto ka niya," sabi ni Yohan habang nagmamaneho siya.
Napalingon ako sa kanya. "Huh? Paano mo naman nasabi?" Imposible, ang tagal na kaya naming magkakilala pero hindi man lang siya umamin sa akin kahit alam niyang looking for jowa ako.
"The way he looks at you is the same as how I look at you." Tumikhim siya.
"Hindi ko napapansin," mahinang usal ko at yumuko.
"Kung napansin mo iyon noon, baka hindi mo ako kasama ngayon. Hindi niya ako gustong kasama mo," sabi niya pa at niliko sa isang kanto na tinuro ko ang sasakyan.
"Kaya ka ba sumama sa akin ngayon dahil d'yan sa sinabi mo?" Ngumuso ako at tumingin sa kanya.
"Gusto talaga kitang ihatid at isa na rin 'yan. Baka maagaw ka niya sa akin. You shared the same interest. You are both servant of God. Si Father Ferdinand ay naikwento sa akin na kung hindi ka pa makahahanap ng boyfriend ngayong taon ay siya na mismo ang magtutulak sa inyong dalawa. Siguro, hinihitay ka lang din niyang ma-realize na gusto ka nga ni Sir Emman." He sighed.
Tiningnan ko ang tinatahak naming daan at napansin kong malapit na kami sa bahay ni Sir Emman.
"Dito na," sabi ko at tinuro ang bahay na kulay asul.
Nauna ako sa pagbaba sa sasakyan para masabihan si Sir Emman kung pwedeng maipasok ang sasakyan ni Yohan. Ako na ang nagbukas ng gate niya dahil abala siya sa paghahanda ng kanta at instrument na gagamitin namin. Mabuti na lang at maluwang itong bakuran ni Sir Emman.
"Yohan, gusto mo ring kumanta sa Simbang Gabi? Mag-isa lang kasi ni Sir Emman na lalake, naghahanap kami ng makakasama niya pero hindi kami makahanap ng lalakeng kayang magsimba ng siyam na gabi," sabi ko at pinalupot ang mga kamay ko sa braso niya.
BINABASA MO ANG
I was 35 when He Was 28
RomanceWhen the "study first" motto makes you forget and ignore the word "love life", it sucks to the highest level. At the age of 35, I was ready to accept that there is no one for me to call " boo-boo bear", "sugarpie", or "honeybunch", but my parents an...