Kabanata 12

724 38 7
                                    

Trust Test

"Where are we going, Yohan?" tanong ko sa kanya habang nagsasapatos ako at siya naman ay sinusuot ang blue na shirt.

Tumingin siya sa akin. "Sa Pampanga, sa bahay namin." Kinapa niya ang likod ko. "Sigurado ka bang hindi na masama ang pakiramdam mo?"

I nodded. "Am I going to meet your father?" Bigla akong kinabahan.

"He is in Manila, doing some business. Wala siya roon ngayon. Solo natin ang buong bahay at field." He smiled at nilagyan ng mahabang bimpo ang likod ko.

Field?

Mabuti naman kung wala ang tatay niya roon. Hindi naman sa ayaw ko pang makita ang daddy niya, hindi pa lang ako ready at sabog pa ako ngayon dahil kagagaling ko sa sakit.

"Anong gagawin natin sa Pampanga, Yohan? Bakit ang layo naman yata nating magde-date?" tanong ko nang makasakay kaming pareho sa kotse niya.

"Trust test, sugarpie." He winked at me.

Kumunot ang noo, talagang papanindigan niya ang sinabi niya kagabi. Kahit wala naman 'yang trust test na 'yan ay magagawa ni Yohan ang buong tiwala ko dahil sa mga actions pa lang niya ngayon.  Hindi naman naging mahaba ang biyahe namin at nakarating na kaagad kami sa bahay, I mean, hacienda nila Yohan. Hindi naman niya ako na-inform na isa pala siyang haciendero.

Manghang-mangha ako habang pinapasok niya ang kotse sa loob ng bakuran nila.

"Dapat na ba kitang tawaging 'Don Yohan'?" tanong ko kay Yohan habang nakatanaw sa bintana ng kotse.

"Hindi bagay, sugarpie. Pero bagay ang 'baby' sa akin," sagot niya na ikinatawa ko.

"'Tsaka na kita tatawaging 'baby' kapag sinagot na kita. Huwag atat, Don Yohan," tukso ko sa kanya.

Natawa ako sa reaksyon niya, nakanguso ang mga labi niya at parang nagtatampong bata na umirap sa akin. Nang mai-park niya ang sasakyan sa garahe ay mabilis siyang bumaba at pinagbuksan pa ako ng pinto. Then again, he checked my back and pulled out the towel.

"Basa na," sabi niya at kinuha ang mga gamit namin sa back seat.

He offered me his hand that I gladly accept. Hindi ako lumingon sa paligid dahil baka mapagkamalan akong ignorante sa ganitong klaseng bahay. Minsan lang ako makapasok sa isang mansyon kaya hindi ko mapigilang mamangha.

"Kain muna tayo, sugarpie."

Sinalubong kami ng isang babaeng matanda na nakapang-maid na uniform. Ngumiti siya kay Yohan at mas lalo pang lumaki ang ngiti niya nang dumapo ang mga mata sa magkahawak naming kamay ni Yohan.

"Good morning, Sir Yohan. Mabuti at naisipan niyo nang bumisita," bati nito at bumaling sa akin. "Kasama niyo pa ang nobya niyo."

"Manang, this is Feliz, I am still courting her. Sugarpie, this is Manang Celia. You can ask her for anything inside the house."

"Magandang umaga po," bati ko sa matanda.

"Maganda, Ma'am Feliz. Halina kayo at nakahain na pagkain. Wala si Sir Jose pero nang malaman niyang bibisita ka Sir Yohan kasama ang nobya mo ay pinahanda niya ang buong hacienda. Nakahanda na rin ang gagamitin niyong eroplano, sir." Binuksan ni manang ang pinto nang dining room.

Napatingin ako kay Yohan nang marinig ang salitang eroplano. Hindi siya nakatingin sa akin pero ang mapaglaro naman ang mga ngiti sa labi. Anong gagawin niya sa eroplano at bakit may eroplano sila rito sa hacienda nila? Gaano ba kayaman ang isang Yohan Ansalone?

"Finish your meal, ililibot kita sa paligid pagkatapos nating kumain," sabi ni Yohan habang nilalagyan ng kanin ang plato ko. Ang dami, parang hindi naman ako kumain ng ilang araw dahil sa mga nilagay niya.

I was 35 when He Was 28Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon