Kabanata 22

706 26 5
                                    

Silver and Gold

"Congratulations, Dr. Feliz Zara Saldia."

I smiled after looking at him. He is with a bouquet of flowers while wearing that proud smile. He always knew I was going to pass this examination. Napaghandaan niya talaga ang araw na ito. Hindi ko pa man nakikita ang resulta at kung sino ang mga nakapasa, kung kasali nga ba talaga ako, alam ko na kaagad dahil sa pagbati niya.

Binigay niya sa akin ang bouquet at hinalikan ang pisngi ko. "I'm so proud of you. Sabi ko sa iyo ay makakaya mo."

"Thank you for everything. For believing in me, for always being there." Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan sa mga ginawa niya para sa akin nitong nakalipas na taon.

Wala ako sa sarili ko at hindi ko rin alam kung paano pa ako makababangon sa pagkalugmok.

"It's my pleasure, Feliz. Hindi ko magawa ito sa iyo noon dahil natatakot akong masaktan kita pero ngayong nakikita ko na kailangan mo ako, na kailangan mo ng taong palaging nand'yan para sa iyo, I faced my fear. I'll do everything to ease your pain." He kissed the back of my hand.

Hindi ko alam kung kaya ko siyang pagbigyan. Hindi ko alam kung kaya ko bang buksan ang sarili para sa iba muli. Parang bumalik ako sa umpisa pero ang kaibahan lang ngayon ay magsisimula akong pagod. Magsisimula akong kahit sa sarili kong desisyon ay wala na akong tiwala. Wala na akong kompyansa sa sarili.

Naalala ko noon na pumapasok ako kahit na wala ako sa sarili. Natutulog ako na kahit walang laman ang tiyan ko dahil hindi ako makakain, wala akong gana. Hindi ako makausap dahil mas gusto kong mag-isa at wala akong lakas para magsalita pa.

May isang araw pa na hinimatay na pala ako sa loob ng bahay at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa ospital. Alalang-alala sina mama at papa pati na sina Mina at Woni. I didn't know that I'm killing myself in a most painful way, iyong damang-dama ko. I starved myself to the point I lost 5 kilos in just a month. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. I let the pain consumed me.

"Thank you, Emman. Kahit hindi na ako kumakanta sa simbahan ay nandito ka pa rin. Babalik siguro ako kapag kaya ko na." I bit my lower lip, pinagmasdan ko ang mga mapupulang rosas na nasa kandungan ko ngayon.

"Sobra ang pag-aalala ko sa iyo noon nang minsang hindi ka na nakasama sa practice, hindi ka rin um-attend ng mass. Bihira sa iyo ang hindi magpunta sa practice at hindi um-attend ng Sunday Mass, kung may pagkakataon mang hindi ka makapupunta ay magsasabi ka." Hinaplos niya ang braso ko.

"Mabuti nga at naisipan mo akong puntahan ng araw na iyon."

Siya kasi ang nasugod sa akin sa ospital nang mawalan ako ng malay. Ang alam ko lang ay kaya siya nakapasok dahil tinawagan niya ang mga magulang ko para makakuha ng spare key ng bahay ko.

"Hindi ko rin alam ang gagawin ko noon. Basta na lang kitang binuhat at sinakay sa tricycle ko," kwento niya at tumingin sa isang sulok na parang binabalikan pa ang nangyari ng mga oras na iyon.

"Ang galing nga, eh. Hindi ako nalaglag sa tricycle kahit lantang-gulay na ako no'n," biro ko.

Humalakhak siya. "Ang bilis ko pa man ding magmaneho no'n. Buti at overfatigue lang ang naabot mo at kailangan lang ng maraming pahinga at kain. Huwag mo ng uulitin iyon. Ang dami naming nag-alala sa iyo."

Kaya nga simula nang araw na iyon ay pinilit na ako ni Mina sa bahay ko na raw siya titira at magbibigay na lang ng share sa kuryente, tubig, at pagkain. Wala naman akong magawa kaysa bumalik ako sa bahay namin. Kaya nga ako umalis doon dahil ang daming stress ang natatamo ko roon. Lagi lang kaming nag-aaway ng papa ko at kahit anong gawin ko ay puro mali ko na lang ang nakikita niya. Mas pinili ko na lang magwaldas ng pera para makahulog ako ng maliit na bahay at lupa kaysa naman araw-araw kaming nag-aaway.

I was 35 when He Was 28Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon