Chapter 3
"So, saan ka bababa?" tanong ko kay Travis habang nakatingin sa kalsada, funny how I'm the one driving a boy home instead of the vice versa.
"Sapphira Tenshou." sagot niya habang nakatitig sa aking mukha, pansin ko lang, kanina pa siyang nakatitig sa akin. Hello? I find it awkward. Seriously.
Kumunot ang noo ko matapos ang ilang sandali, napapreno ako, mabuti na lang at naka-seatbelt kaming dalawa at walang masyadong mga sasakyan.
Tinignan ko si Travis, "Sapphira Tenshou?!" Hindi makapaniwalang giit ko.
He raised one eyebrow, "yeah, why?"
"It is where I live!"
Ngumisi siya, "consider it a coincidence, I just moved in. I own the entire fourteenth floor."
"Are you stalking me?"
He snorted. "No, I just want to protect you from rapists so I settled everything to live below your floor." nagtagis ang bagang niya, naalala ko tuloy 'yong unang gabing pagkikita namin, muntik pa akong magahasa no'n ni Jad na nakakulong na't hindi ko alam kung paano nangyari 'yon at pabigla-bigla siguro dala ito ng malakas na impluwensya ng lalakeng ito, hindi ko ma-imagine kung wala si Travis noon sa gabing iyon sa eskinita, siguro wala na ang kinakaingatan kong bataan ngayon kapag gano'n.
"Protect me from rapists? I can handle myself." suway ko.
"No, you can't." pangkontra niya. "I don't want you to be around with other guys, not unless it is me, we don't know if they are bad or something."
"Stop acting possessive, Tray."
He smirked. "Possessive? No, I prefer territorial Kai because being possessive means I am jealous because you can't be mine but being territorial means I own you and I'm marking you mine, you are mine. Got that?"
Ngumiwi ako, "ang dami mong alam."
Nagbuntong-hininga si Travis, "I've been thinking, how long are you planning us to stay in the middle of the road?"
Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kong natigil ko pala ang sasakyan namin sa gitna ng kalsada saka may mga sasakyang nagbubusina na pala sa amin, kinagat ko ang labi ko sabay paharurot ng sasakyan. How could I lose my focus in driving?
Nang nakarating na kami sa harap ng Sapphira Tenshou ay agad kong pinababa si Travis, "get out of my car."
Tinignan lang niya ako, "are you planning to go somewhere else tonight?"
"That's none of your concern and business anymore, get out, Tray." utos ko sa kanya. "Our night together is done."
He raised one eyebrow at me, "inuutusan mo ba ako, Kai?"
Lumunok ako. Bakit ang sexy niya mag-Filipino?
"Where the hell are you planning to go after our date?" seryosong tanong niya, saktong iyon ay biglang tumunog ang phone ko which is nasa pagitan naming dalawa.
Kukunin ko sana iyon para sagutin ang tawag kaso naunahan ako ni Travis, "who the hell are you?!" pasigaw na sagot niya sa tawag.
Suminghap ako. Tinignan ako nang masama ni Travis, parang sinasabi niya through telepathy that I should shut up or else something bad will happen, "you are JM? You are looking for Kai?" nagkaroon ng nakakabinging katahimikan, "no, she won't go there tonight because she is with me! You can't take my Kai-"
Bago pa man gumuho ang mundo ay inagaw ko na ang phone ko kay Travis, this time, ako naman ang tumingin sa kanya nang masama as if telling him not to do something that will ruin our night, "J-JM?" nahihiyang bati ko sa pinsan ko.
"Who's that guy with you?" maingay ang background niya, rinig ko ang tawanan nina Vivien at Blue.
"U-Uhm ano, bukas na lang ako mag-explain. Pupunta na ako mamaya dyan as soon as I get rid of this puppy with me. Bye!" agad kong sinara ang phone ko matapos ang tawag saka tinignan si Travis, "what the hell were you thinking? Pinsan ko si JM!"
"You are going nowhere but inside this damn condominium with me, Kai." he said, sternly.
"Mas daig mo pa ang tatay ko kung makautos, get out of my car."
"That is a good sign that tells you that I am a father material and you should marry me." he smirked.
Ugh! Mapapahampas talaga ako ng ulo kapag magpapatuloy ang kakupalan nito!
"Huwag mo kong lalandiin at dadaanin sa sweet words mo Travis, I won't fall for your sweet words!"
"Who said that you will fall for my sweet words, Kai? No, that will never happen because you will fall for me, you will fall for me and not for my sweet words. Got that?"
Biglang bumaliktad ang sikmura ko, masusuka ata ako sa kung gaano kakapal ang mukha ng lalakeng ito! Lahat na lang binabanatan niya!
"Bakit ang landi mo, Tray?"
"Sa iyo lang ako nagiging malandi, Kai." ngumisi siya nang napansin ang pamumula ng pisngi ko, umiwas ako ng tingin sa kanya.
Nagulat ako nang biglang namatay ang makina ng sasakyan ko, binaling ko ang tingin ko sa ignition ng sasakyan, laking-gulat ko nang nakitang wala na doon ang susi ng sasakyan, "I got the key!" hiyaw ni Travis sabay ngisi sa akin, binuksan niya ang pintuan at lumabas.
Siningkitan ko siya ng mata, "how dare you take my car key! Give it back!" nakakainis talaga ang bilyonaryong ito! Walang ibang ginawa sa buhay kundi mangulit nang todo!
"Why should I do that? I have your key, meaning? You can't go anywhere without this." sabi niya sabay pakita sa susi ng sasakyan ko gamit ang keychain nito.
Nagbuntong-hininga ako, pinatong ko ang ulo ko sa manibela ng sasakyan habang nakapikit, "fine, you win! Hindi na ako pupunta sa bar, bwisit ka!"
"Good to hear, now get out of your car and let's go to my place."
"I suggest you go to hell." I retorted.
"I'll only go there if you come with me."
Bumungisngis ako, "whatever, Tray! Iyong-iyo na ang susi ng sasakyan ko! Mabuti na lang at may duplicate keys ako nito dito sa pouch ko, ngekngek mo!" sigaw ko sabay sara ng pinto ng sasakyan, ni-lock ko agad ito para masiguradong hindi siya makakapasok, binelatan ko siya mula sa salamin ng bintana ng saksayan ko, his facial expression was priceless and I can't help but laugh as I put the duplicate key into the car's ignition, muling nabuhay ang makina ng sasakyan ko kasabay ng pagharurot ko nito papuntang Custody Booze.
"What a loser! Thinking he'd actually fall for that stupid trap? Lol siya!" pagtawa ko nang nakalayo na ako kay Travis.
