Prologue
"Guys, andito na ang prinsesa ng gabi! Introducing, Kaira Chaves!" sigaw ni JM nang nakarating kami sa VIP lounge ng Custody Booze, as usual, nagpapakalunod na naman sa alak ang mga kaibigan ko doon.
"Whoa! Na-miss ka namin Kai!" bungad sa akin ni Ethan, may hawak siyang wineglass na may lamang Bacardi. Siya ang may-ari nitong bar kaya palagi kaming VIP na kaibigan niya, the perks of having a friend who runs a bar!
Akmang yayakapin niya ako nang may biglang sumiko sa kanyang tagiliran, "Ethan Andres Macario, huwag mong landiin si Kai!" biglang sigaw ni Trisha na namumula na sa inis.
Binaling ni Ethan ang kanyang atensyon sa kanyang asawa habang nakanguso, yes, he is married to Trisha, actually, mag-iisang buwan na nga ang kasal nila eh.
"Baby naman eh, yayakapin ko lang." napailing na lang ako sa dalawa.
"Okay, so since kompleto naman na tayong lahat, let's start the real party!" tumingin ako sa pinanggalingan ng masiglang boses, si Blue lang pala, kasama niya si Vivien na kumaway sa akin. Nakaupo sila ngayon sa usual table namin, nasa second floor kami ng bar which is actually the VIP lounge. Maganda ang view dito at may terrace pa.
Umiling na lang kaming lahat at saka kami umupo, tumingin ako sa ibaba at nakita ang mga taong nagsasayawan at inuman habang walang tigil ang malakas na pagtugtog ng mga kantang nire-remix ng DJ. "Kai, Jack Daniels?" abot sa akin ni JM ng wineglass na may lamang alak.
Ngumiti ako, "no thanks." I'm not really into alcohols, I just drink cocktails, iyon lang. Ang pangit lang kasi ng lasa ng alak. Hindi ako sanay.
Ngumuso si Trisha, "still a good girl, eh?" natatawang iling niya.
"Hindi naman, I'll just drink the juice." sabi ko sabay kuha sa pitcher sa table.
"What a partypooper." dismayadong singit ni Blue.
"Alam niyo naman na hindi ako umiinom eh." nakangusong sagot ko. "At saka paano kung sobrang lasing niyo na naman? Sino na ang mabait na kaibigan na maghahatid sa inyo kung maglalasing din ako?"
"Kai, hindi ka naman maglalasing. Isang shot lang." paliwanag ni Ethan. "Hindi ba, guys?" Sumang-ayon silang lahat. I'm stuck in the crossroads.
Nagbuntong-hininga ako sabay kuha sa wineglass na may Jack Daniels na nilahad ni JM, ininom ko agad ito para isahan na lang ang anghang at pangit na lasa. "Aysh!" kumuha ako ng piraso ng lemon sabay subo nito pang-chaser.
"Whoa! Iyon oh!" tumatawang tugon ni Vivien.
"Guys, guys, narinig niyo ba ang balita?" lahat kami ay napatingin kay Trisha dahil sa out-of-the-blue topic niya.
"Anong balita?" kunot-noong tanong ko.
Tumili si Vivien, "gosh! Oo nga pala, oh, my gosh!" biglang hirit niya kaya naman napakunot-noo na rin sina JM, Ethan, at Blue.
"Okay? Mind sharing?" sabi ko.
"Travis Javierres is now on Philippines after two years stay in Singapore for who knows why!" mabilis na paliwanag niya, halos mawalan na nga siya ng hininga nang natapos niya ang kanyang sinasabi.
"Travis who?" mas lalong kumunot ang noo ko.
Suminghap sina Trisha at Vivien sabay tingin sa akin, "hindi mo siya kilala?!" sabay na sigaw nila.
I rolled my eyes. "Magtatanong ba ako kung hindi ko siya kilala?"
"Hay naku girl, uso manood sa TV! Uso rin mag-internet! Or maybe you are just kidding na hindi mo siya kilala?" hindi makapaniwalang tanong ni Vivien pero halatang kinikilig pa rin.
