Chapter 33
"Waaah!" Sigaw ko habang pinipindot ng mabilis ang controller ng Xbox, naglalaro kami ngayon ni Travis ng Tekken sa kanyang xbox, nasa game room kami ng unit niya.
Tumatawa si Travis habang umaatake sa laro, biglang na-K.O. ang character ko, "Travis ten, Kaira zero." He teased. "You stand no chance against me, Kai."
Humugot ako ng malalim na hininga sabay bitaw sa controller, isn't there anything that Travis is not good at? Lahat na lang ata ng mga bagay magaling siya! Edi siya na! Siya na ang magaling at perpekto! Wengya!
"So what was the deal again?" Pagpapaalala ni Travis.
I sighed. "Whoever is the first one to win ten times gets to control the loser for one day."
Ngumisi si Travis, tama nga si Grey, mahirap talunin si Travis. Hays.
"What are you planning?" Kinabahan na tanong ko.
"Nothing in particular, hmm... how about we go to the church?"
"And get married?!" Napaawang labi na pagtuloy ko.
Tumawa siya ng marahan, "silly no, but we can if you want..." He trailed off.
Namula ako.
"U-Uhm, ano... ok." Tumayo na ako, "I'll just dress up." Walang sabi akong umalis sa silid at dumiretso sa 15th floor, not bothering to pause and feel the beat of my heart race.
~*~
I was wearing a simple plain navy blue dress which was paired with a 3-inch heel, tinignan ko ang sarili ko sa salamin and decided to curl the tips of my hair, still unsatisfied, I put on a light makeup enough to put a beautiful accent to my face, worried about my smell, I added a perfume on my dress.
Since when was I concerned about all these things?
Umiling ako. Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, Travis was there, wearing his plain white v-neck shirt. Tinitigan muna niya ako bago tumikhim, "leggo."
Tumango ako at agad kaming dumiretso sa parking lot, sa sasakyan ko kami sumakay ni Travis, since akin naman ang sasakyan ay ako ang nagmaneho. "Saang simbahan ang pupuntahan natin?"
"The usual one."
I seem to understand what he meant and nodded. "Hindi naman Sunday ngayon eh. Walang misa."
"We aren't going for mass. I'm going to offer my prayers for us, Dad, my little sis, and my Mom." Tumango ako and decided to just focus on driving instead of scooping his life or plans for today.
Matapos ang ilang minuto na biyahe ay narating rin namin sa wakas ang cathedral, pumasok kami ni Travis doon habang nakahawak ang aming mga kamay. Tumingin ako sa altar, I suddenly froze on the spot when an imagination suddenly occured.
Hindi ko labis akalain na mai-imagine ko ang sarili ko na naglalakad sa aisle kung saan kami naglalakad ngayon ni Travis na nakasuot ng white dress at may hawak hawak na mga bulaklak at makikita si Travis na hinihintay ako sa harap ng altar.
Namula ako dahil sa ideya na naisip ko. Binaling ko na lang ito at nag-pokus sa ibang mga bagay, something that won't remind me of marriage.
~*~
Matapos kami magdasal ni Travis ay umalis na kami sa simbahan, si Travis na ngayon ang nagmaneho ng sasakyan, "saan ang sunod na punta natin?" Tanong ko.
"Seaside." Simpleng sagot niya.
Tumango naman ako at tahimik na pinagmasdan ang tanawin sa labas, dahil mabilis ang sasakyan ay parang mga blurred na linya lamang ang lahat ng aking nakikita. I closed my eyes and felt myself drift in dreamland.
"Alam mo, gusto ko na balang araw ay dadalhin mo ako sa simbahan... at gusto ko balang araw kakantahan kita sa harap ng dagat."
"Bakit naman?"
Tumawa ang babae. "Wala, gusto ko lang." Hinawakan ng babae ang necklace niya, "hangga't sa meron ito sa akin, hindi kita makakalimutan."
"Promise?"
"Pinky promise!"
"Wake up, Kai."
Minulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang malapit na mukha ni Travis, nataranta naman ako dahil sa lapit niya sa akin. "A-Ano?"
"We're here." Sagot niya, doon ko napansin na naririnig ko ang bawat hampas ng alon sa seashore at amoy na amoy ko ang pamilyar na amoy ng dagat.
Pinagbuksan ako ni Travis ng pinto, "tanggalin mo ang heels mo, wear this." Binigay sa akin ni Travis ang isang paperbag na naglalaman ng tsinelas. Kinuha ko naman ito at sinuot, funny how it suited me well and I felt comfortable.
Inalalayan niya akong bumaba sa sasakyan, habang naglalakad kami sa may buhangin ay tina-try kong alalahanin ang panaginip ko kanina. Kaming dalawa lang ni Travis ngayon sa beach, siguro liblib ang lugar na ito.
Umupo kami ni Travis sa may malaking bato hindi kalayuan sa dagat, pinikit ko ang aking mga mata habang nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin, medyo maaga pa kaya hindi pa mainit. "Hey, sing a song for me." He suddenly said out of nowhere.
Nanlaki ang mata ko. "Ayaw ko nga."
"Remember the deal? You'll do anything I ask for one dayー"
I sighed. "Oo na. Ayan na."
Ngumisi siya.
I sighed. "What song?"
He yawned. "Any may do."
Tumango ako, pinikit ko ang aking mga mata, "Well you only need the light when it's burning low, only miss the sun when it starts to snow, only know you love her when you let her go..."
Nagulat ako nang hawakan ni Travis ang kamay ko sa gitna ng pagkanta ko, "I won't let you go..."
Hindi ko gaano narinig ang sinabi niya dahil sa mababa ang boses niya at halos pabulong lang, hindi ko iyon pinansin at tinuloy lang ang pagkanta, "Staring at the bottom of your glass, hoping one day you'll make a dream last but dreams come slow and they go so fast..."
His grip on our intertwined fingers became firm, "You see her when you close your eyes, maybe one day you'll understand why, everything you touch surely dies."
"And you let her go..." Hindi ko namalayan na sinasabayan na pala ako ni Travis na kumanta, ngumiti ako dahil doon. "Kai, look at me."
Tumingin ako sa kanya, nakatingin rin siya sa akin. Suddenly, I heard a snapshot on our side, doon ko namalayan na kinuhan na naman ako ni Travis ng stolen shot, no... let me rephrase that... kinuhan niya kaming dalawa ng stolen shot habang nakatingin sa isa't isa na parang magkasintahan. Pinakita niya sa akin ang picture, namula ako...
"You're so perfect, Kai. I wonder why?"
Lumunok ako.
Travis suddenly let go of our hands, I felt myself wanting to take it back, I suddenly missed the warmth of his palms pushing into mine. "I'm Travis Javierres, Kaira Chaves, I want you to share the last name I have." Suminghap ako, "I'm willing to wait, I know you just need more time to think." Ngumiti si Travis, it was a sad smile again.
"Tray..."
Tinignan niya ako. His eyes teary.
I felt my heart shatter.
"Do I even have a chance to you, Kai?"
![](https://img.wattpad.com/cover/36810688-288-k369449.jpg)