Chapter 10
Isang linggo na ang lumipas after Travis lived below my floor at isang linggo na rin matapos kong makwento sa mga kaibigan ko ang lahat ng nangyari. Of course, they were shocked and mad about hearing I was almost raped by Jad.
"He is running my life like a boss!" Inis na buntong ko sa aking sarili habang nagsusuklay sa banyo, nakakainis na talaga! How can he have so much access in my life when I'm not letting him?!
"Kai!" Huminga ako ng malalim. Another day of hell is about to be unleashed.
"What are you doing here, Travis?!" sigaw ko mula sa banyo. Tinignan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin, namumula na ang pisngi ko sa sobrang inis kasabay ng halos pagsalubong ng kilay ko sa pagkaka kunot-noo. "And wait! Paano ka nakapasok?!"
"Let's just say I used my charms on the lady downstairs to get your room's key." Sabi ni Travis sabay halakhak, "but don'cha worry, ikaw pa rin-"
"Shut up!"
"Boss! Nalakad ko na ang helicopter, mamayang gabi pwede nang magamit." Rinig kong sabi ni Grey, lumabas na ako ng banyo matapos maghilamos at mag-ayos sa sarili.
"Get out, Grey."
"Tsk, wala man lang thank you?" Sabi ni Grey sabay tingin sa akin, "hello, Kaira!"
I nodded. "Anong meron at andito kayo sa unit ko? Get out, both of you. Hindi kayo imbitado."
Grey pouted. "Ouchy naman!"
"Grey, lalayas ka o malalagot ka sa akin?" Travis said in a serious manner.
"Okay, okay. Bye!"
Nang narinig na ni Travis ang pagsara ng pinto ng silid ay tumingin siya sa akin at ngumisi, "bakit ka nakatingin ng ganyan sa akin?!"
"Let's have a dinner later," at doon ko napansin na may hawak hawak siyang white box na may tatak na V, binuksan niya ang box at may nilabas na dress. "Wear this."
Nanlaki ang mata ko ng nakita ang tatak nito. "Versace? What the hell? This is one of the most expensive brands right?"
"It doesn't cost that much." Of course, he's a billionaire, Kai! What do you expect? Normal na lang siguro sa kanya na isipin na $10000 is worth one peso only. "Now to excuse myself, I have to go now since I have a conference later, if you need something, just call Grey, he is just below this floor. Never leave the place without him, ok? And I don't like to wait so be in the rooftop at 7PM in Javierres Company building. I have something for you."
After that, lumabas na siya, leaving me curious about what he is plotting.
~*~
"Kai! We miss you!" Sigaw nina Vivien at Trisha sa phone.
Nagbuntong-hininga ako, "sorry guys."
"Sama ka mamaya sa amin! Bar hopping!" Aya ni Blue.
"No thanks guys, I have somewhere else to go." I sighed.
"Lemme guess, Travis again?" Singit ni JM.
"Oo! That control freak jerk!" Alam kong halata nila na naiinis ako, at alam kong wala silang magagawa dahil bilyonaryo ang babanggahin nila kapag sasama ako sa kanila. Ayoko namang madamay pa ang mga kaibigan ko sa personal matters ko.
Nagulat ako nang biglang tumawa si Grey na nagmamaneho.
"Who's that?" Tanong ni Ethan.
"Just someone related to the control freak." I answered. "Guys, gotta go. Later!"
I ended the call at tumingin kay Grey. "Bakit ka tumawa?"
He smiled. "Wala boss! Si Travis ba ang tinatawag mong confrol freak?"
"Yes! Sino pa nga ba?"
"Just understand him." Sagot niya.
"Understand? No! I will just kill him if I ever have the chance." I was kidding, of course. I know Grey got my joke.
"I'm sorry, pagpasensyahan mo na lang ang Kuya ko." Nagulat ako sa sinabi ni Grey.
"Kuya?"
Tumaas ang isang kilay niya, "oh... yeah. Hindi ko pa pala nasasabi since hindi naman tayo close at masyadong possessive si Travis, I'm Grey Javierres, younger bro of Travis."
"Weh? Eh bakit parang nagtatrabaho ka sa kanya at bakit boss ang tawag mo sa lalakeng iyon?"
"We played a game almost one month ago, though hindi basta-bastang laro ito, this game is all about the winner getting the chance to make you under his control for a year, I thought mananalo ako but no, Travis is a winning man, I can't beat that man so right now, I'm suffering the consequences!" So he is really a control freak.
Tumango na lang ako, now to mention it, Grey looks like the younger and happy version of Travis.
"We're here." Sabi ni Grey kaya naman bumaba na ako sa harap ng malaking building, "don't tell Travis I talked to you, ha? Magseselos 'yon at magagalit sa akin. Haha! Bye!" Sabi niya sabay paharurot sa sasakyan.
Tumingin ako sa orasan ng phone ko, it's 6:54 PM.
I sighed at pumasok na sa loob, all people eyed me with curiosity but no one dared to talk to me. I went to the elevator and pressed the rooftop button kasabay ng pag-andar nito.
Nang bumukas ang elevator ay madilim na rooftop ang nakita ko, kumunot ang noo ko. Now where is Travis?
"Travis?"
Suminghap ako nang may tumakip sa aking mata. "Ssh... just follow my lead." Rinig kong bulong ng isang malalim na boses na dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko. "Don't take this blindfold off unless I tell you so, now hold my hand, and we walk."
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa akin, umiling ako.
Right now, inside of me, I know that there's a beast growing inside my heart, and if it continues to grow, it may not only break my heart but break me again as well.
I have to be extra careful... I don't want to hurt again.
But still, even if I know the danger, it feels like I am a beauty who is about to tame a beast.
