Chapter 16
Pabalik na kami sa resthouse nang biglang kumulog at kumidlat, tumingin ako sa itaas at nakita ang mabilis na paggalaw ng mga ulap, "I think it will rain. Bilisan natin." Sabi ko kay Travis, he held my hand and nodded. "Baka mabasa pa tayo."
Binilisan namin ang maglakad, biglang umambon, "are we there yet?"
"Malayo pa ang lalakarin natin." I sighed. Bakit ngayon pa kasi uulan? Ang lamig na nga eh!
Nagulat ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, I felt my body shiver as it receive the cold drops of rain, tila yelo ang bawat patak ng ulan na dumadapo sa aking kutis.
Nagulat ako nang biglang hinubad ni Travis ang kanyang jacket at saka niya ito pinatong sa likod ko, hinubad din niya ang kanyang shirt at saka ito pinatong sa ulo ko, I suddenly felt warm.
"Travis... baka magkasakit ka!" I protested. Akmang tatanggalin ko sana ang jacket at ibabalik sa kanya pero pinigilan niya ako.
Umiling siya. "I can handle this..." His voice was almost shaking. "I can't let you get sick."
"I also can't let you get cold or... worst!"
He smiled. "I won't."
Nagbuntong-hininga ako, arguing with him will not do any good, mas lalo lang kaming mabababad sa lamig ng ulan, "bilisan na lang natin ang maglakad! Bakit ngayon pa kasi umulan?" Hindi naman cloudy kanina eh!
"Huwag kang tatakbo, baka madulas ka." Sabi ni Travis sa akin. "Ayos lang na magmadali, huwag lang tatakbo, especially now that the land is slippery because of the rain. Let's just walk." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad nang mabagal, I tried to walk fast but he refrained me from my attempts.
Nagbuntong-hininga ako, saktong iyon ay tumigil ang ulan at ang liwanag ng buwan ay tumama sa pwesto namin ni Travis, biglang kuminang ang tattoo sa likod ni Travis. It was glowing, it was the best thing I've ever seen.
Pangalawang beses ko nang nakita ang tattoo niya ngunit hindi pa rin ako nasasanay. Sadyang nakakamangha lang talaga at kakaiba.
My eyes stared at his marking in amazement, his wet back's tattoo was glowing because of the presence of the moon.
Nagulat ako nang biglang napaluhod si Travis, "T-Tray???"
Humugot siya ng malalim na hininga, his body was shaking so bad.
Nanlaki ang mata ko, tinanggal ko ang jacket na sinuot niya sa akin at tinakip ito sa kanyang basa at nanginginig na katawan.
"Ka-Kai..." He was shaking heavily. Basang-basa kami sa ulan at malamig pa ang hangin! Pero mas malala kay Travis because he undressed himself for me. To keep me warm while letting himself shiver in the coldness.
Namumula na ang pisngi ni Travis, his eyes teary and tired. Malalim din ang kanyang paghinga. I can't help but panic... I don't know what to do...
"Calm down... okay lang a-ako..." Travis managed to fake a smile.
"Gago ka ba? Okay? Sa lagay mong iyan?! Bakit ka pa kasi naghubad! Sabi ko sa iyo magkakasakit ka eh!"
He coughed. "J-Just... help me walk. We need to reach the resthouse before it... r-rains again."
Tumango ako at sinunod siya. Nilagay ko ang kamay niya sa balikat ko at pinaikot ito sa kabila bilang supurta, I can feel his warm bare arm's flexing muscles pressing on my nape, I shook the thought away and focused. Tumayo na kaming dalawa at nagsimulang maglakad habang inaalalayan at ginigiya ko siya.
