Chapter 39

60.5K 1.1K 17
                                    

Chapter 39

Habang nagmamaneho ako ay biglang nag-ring ang phone ko, dali kong sinagot ang tawag kahit na hindi na tinitignan pa ang caller ID.

"Hello?" Bati ko.

"Is this Kaira Chaves?" Kumunot ang noo ko habang inaalala ang pamilyar na boses, halos mapreno ko na sa gitna ng kalsada ang sasakyan dahil sa napagtanto.

"Ano ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko.

"I want to talk to you personally." Sabi ni Stel, "hihintayin kita sa Buttercup Cafe." She ended the call habang ako naman ay naiwang nagtataka.

Ano ang pag-uusapan namin?

Of course, Travis. Siya lang ang maaari naming pag-usapan.

I sighed and had a u-turn.

~*~

Pagpasok ko sa cafe ay agad kong nakita ang pamilyar na likod ni Stel sa pinakagilid ng cafe, wala masyadong tao. Perfect place to talk into.

Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa kanyang harap, tinignan niya ako. Nagulat ako nang makita na ang kanyang mga mata ay mugtong mugto na.

"So ikaw pala si Kaira Chaves." She smiled, "mahal ko si Travis..."

"Kung tinawag mo lang ako para sabihin na mahal mo siya, pwes, makakaalis na ako. Si Travis kaya ang tawagin mo at sa kanya mo sabihin iyan?" Inis na sagot ko.

"Listen, just listen." Stel said. "Mahal ko siya pero ikaw ang mahal niya..." Nagulat ako dahil sa sinabi niya, ngumiti siya ng mapakla. "I'm not really the bad person to ruin my love's happiness for my sake, mahal ko si Travis kaya handa ko siyang pakawalan para sa iyo pero sana ipaglaban mo rin siya..." Nagbuntong-hininga si Stel.

"Bakit mo ito sinasabi sa akin?"

"I'm not doing this for you, Kaira. I'm doing this for the sake of Travis' happiness. Alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa kanya at ang makakapagpasaya sa kanya, I've been watching you and Travis for how many months in the shades, I know you love him as well as I do..."

May tumulong luha sa pisngi ni Stel, pinikit niya ang kanyang mga mata.

"Unang tingin ko pa lang kay Travis noon ay minahal ko na agad siya," pagkukwento niya, "I befriended him, we became friends and I knew hanggang doon na lang. I'm just a friend, maybe not even one dahil pinagpipilit ko ang sarili ko kay Travis kahit na wala akong lugar sa kanyang puso."

Tahimik lang ako.

"Kai, don't leave Travis." Tumayo na siya at nagpaalam na umalis.

Tumungo ako, don't leave Travis...

How can I do that when he already left me? This is all my fault for realizings things too late, for taking him for granted.

~*~

Isang linggo na ang nakalipas at wala na nga akong balita kay Travis, he really left me for real.

Marami pa ring mga katanungan na bumabagabag sa aking isip habang wala sa sarili akong nagmamaneho, hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng mansion ni Travis. What am I even doing here?

I sighed. I was about to drive away when I saw Grey's car move out, mabuti na lang at nakatago ang sasakyan ko sa parte na hindi masyadong kita at mahahalata, tahimik akong nakamasid habang pinapanood ang sasakyan, I expected to see Travis at the back of the car of Grey but no sign of him at all, ang nakita ko lang ay mga maleta.

"Travis..." I closed my eyes and stopped the tears that threatened to fall before driving away to Aristocrat Subdivision, I decided to pay a visit to JM.

Matapos ang halos kalahating oras na biyahe ay narating ko rin sa wakas ang bahay ni JM, dali akong pumunta sa frontdoor at kumatok. Bumukas ang pinto at bumungad si JM na nakatingin sa akin.

"Oh, akala ko hindi ka na bibisita ulit." Ngumiti si JM sa akin, "kumusta na si Tito?" By this moment, alam kong alam na niya ang nangyaring pagloloko ni Sandy kay Dad.

I sighed. "Okay na siya, okay na rin kami." Ngumiti ako.

Ginulo ni JM ang buhok ko, "good for you."

Tumango lang ako.

"Want to get inside? Nasa loob ang barkada natin, himala nga't day and night off muna namin sa bar ngayon." He joked.

Ngumiti ako. "Sige." Pumasok na ako sa bahay ni JM, tama nga siya, nasa salas silang lahat at naglalaro ng lucky 9. A hint of memory from Travis and that card game suddenly came across my mind, I blinked the memories away with the tears.

"Kai! Laro tayo!" Aya ni Blue. Marami nang pulbos ang mukha, actually, lahat sila may pulbos na. Ngumiti ako at umiling.

"Kai, narinig mo na ba ang balita?" Biglang tanong ni Vivi.

Balita?

Alam kong nahalata nila sa ekspresyon ng mukha ko na hindi ko alam ang balita, umiling silang lahat at nagkatinginan, parang nag-uusap gamit ang mga mata kung sino ang magsasabi.

Nagbuntong-hininga ako.

"Ano ang balita?"

Tumigil silang lahat. Tumikhim si Ethan at tinaasan ng kilay si Blue na agad namang umiwas ng tingin at binaling kay Vivien na nagbuntong-hininga lang at tumingin kay Trisha na yumuko lang.

"Si Travis ay aalis na papuntang Singapore." Maikling tugon ni JM.

My eyes widened. That explains it! Ang mga nakita ko sa sasakyan ni Grey na maleta!

"A-Ano ang oras ng flight niya?"

"10:00. Basically, thirty minutes from now." Sagot ni Ethan with a shrug.

Lumunok ako, "p-posible bang makaabot ako sa airport before thirty minutes?"

Nagkatinginan sila. "Posible, as long as hindi traffic."

Mabilis akong tumayo at tumakbo papuntang sasakyan ko.

Ang nasa isip ko lang ngayon ay si Travis, I have to catch up and tell him how I truly feel.

"Kai! Naiwan mo ang susi mo!" Binato ni JM sa akin ang susi na agad ko namang nasalo, nag-thumbs up siya sa akin at tinuro ang sasakyan na para bang sinasabi na bilisan ko bago pa umalis si Travis.

Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasang maalala ang mga mahahalagang araw ko kasama si Travis, the way he smiled and laughed, the way he capture stolen moments, everything that have something to do with him was playing inside my mind.

"Travis... please don't go..." Bulong ko.

Ayos na sana e, ayos na sana... pero traffic.

Pinikit ko ang aking mga mata at frustrated na pinagsasapak ang manibela ng sasakyan, tinignan ko ang airport mula sa hindi kalayuan.

"Kairaaa!" Lumingon ako at nakita ko ang mga kaibigan ko na nasa loob ng sasakyan ni JM na nasa likod ko lang, "kami na bahala sa sasakyan mo, tumakbo ka na papuntang airport bago pa siya makaalis, bilis!" Sigaw nila.

Tumango ako at ngumiti, "salamat guys!" Bumaba na ako sa sasakyan ko at tumakbo papuntang airport, wala akong pakielam sa mga napapatingin sa akin basta't ang nasa isip ko lang ay si Travis.

Travis, I'm coming.

Moonlit PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon