Chapter 32

55.3K 1.3K 16
                                    

Chapter 32

I was in Travis' room, halos dalawang linggo na matapos pumanaw ang Papa niya at saka unti unti na naman siyang bumabalik sa dating personalidad niya, unti-unti na rin niyang natatanggap ang pagkawala ng kanyang Papa.

Dahil naiinip ako at ang tagal niyang maligo ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kanyang kama at tinignan ang kanyang mga gamit. Binuksan ko ang isang drawer at may nakitang brown box na may tatak na memory box.

Kumunot ang noo ko sabay kuha rito, binuksan ko ang memory box at ang bumungad sa akin ay nag-iisang necklace na ang pendant ay kalahati ng puso.

"What's that?"

"Necklace. Isa para sa iyo, isa para sa akin..." Sinuot ng lalake ang necklace sa babae...

Pinikit ko ang aking mga mata, narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya naman dali kong binalik sa dati ang pendant at memory box sa loob ng drawer.

Tinignan ko si Travis, ang tanging saplot lang ng katawan niya ay ang twalya, basang-basa ang kanyang buhok at may tumutulo pa sa kanyang katawan... lumunok ako at umiwas ng tingin habang namumula, parang nakalimutan ko na rin ang naalala ko dahil sa nakita ko, "a-ano ang ginagawa mo?!"

"I forgot to bring my clothes in the bathroom." Travis said.

Humugot ako ng malalim na hininga, I was looking at the corner of the room where I know I won't see his tempting wet body... ugh.

"B-Bilisan mo!"

"Fine. Fine." Travis laughed. "I'll change here."

"What?!" Halos pumutok na ang puso ko sa narinig ko, "sa banyo ka magpalit!"

"Well, this is basically my room." He said, sarcastically. "Wala namang malisya ito ah, we're about to get married. Masanay ka na."

Those words echoed in my mind... about to get married? Us?

I felt a pang of happiness and at the same time confusion to cross into my heart. I was doubting everything.

"Tray..." Tawag ko sa kanya, nakalingon pa rin at hindi nakatingin sa kanya, alam kong nagpapalit na siya ngayon.

"Hmm?"

"Will you still marry me if I wasn't the first girl to see your tattoo?"

Nagulat ako sa sarili kong tanong. Why did you ask that, Kai? I wanted to take back my words, I wanted to walk back in time and change it. But I knew that was impossible. Katangahan, Kai.

Travis was silent...

And I took his silence as a no...

I felt a part of me break, completely aware of my place already. I have no place in Travis' heart all along...

"Stupid question." I was caught off guard when Travis suddenly talked, "you can turn around now." Sabi ni Travis, tumango ako at humarap na sa kanya, nakabihis na pala siya. Naglakad siya palapit sa akin. Amoy ko ang mabango niyang buhok na magulo pero maayos pa rin tignan para sa akin. "From the moment I laid my eyes on you, Kai... I knew that you were the one."

Suminghap ako. Ramdam ko ang mainit na hininga ni Travis sa aking leeg dahil sa bigla niyang pagyakap sa akin, "T-Travis..."

"Sssh... Kai, if you don't believe my words, then at least... believe in me." Hinalikan ni Travis ang noo ko.

~*~

"Tatty!" Masaya kong niyakap ang alaga ko dahil sa wakas makakasama ko na naman ulit siya matapos ang ilang linggong pagkakahiwalay, masayang tumahol si Tatty at hinalikan ako sa kamay. Tumawa naman ako dahil sa kiliti.

"How's my Tatty?"

"Arf! Arf!"

Tumawa ako. Halatang na-miss ako ni Tatty.

Matapos pakainin si Tatty ay pinasyal ko muna siya para hindi siya mainip. Pabalik na sana kami sa Sapphira Tenshou nang may nakita akong pamilyar na lalakeng nakaupo sa isa sa mga benches park at may hawak na libro, si Grey!

Dali akong pumunta sa kanya at umupo sa kanyang tabi, hindi agad niya ako napansin siguro dahil sa nakatutok siya sa kanyang binabasa. "Yo!"

Ngumisi ako. "Ginagawa mo dito?"

Tinuro niya ang libro na hawak niya, "ikaw?"

Tinuro ko si Tatty. Nagtawanan kaming dalawa.

Sinara ni Grey ang libro na binabasa niya at tumingin sa akin, "lagot ka kay Kuya, hindi ka na naman nagpabantay. Pasaway talaga." Pinisil niya ang pisngi ko, tumawa siya nang umaray ako. Sadista ba ito?

"Eh sa ayokong dumagdag pa sa problema niya. Tsaka malapit lang naman ang S.T. dito kaya ayos lang iyan." Sagot ko naman. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng hangin. Tumahol si Tatty at napatingin ako sa tinatahulan niya.

"Kaira Chaves." Malamig at malumanay na boses ni Travis, halatang nagtitimpi.

Lumunok ako, "y-yes?"

Tinignan niya ako ng masama bago tumingin kay Grey, "you have no idea Kai how you made me worry."

"Look, hindi naman kailangan na sa lahat ng oras ay binabantayan mo ako, kaya ko ang sarili ko."

"Says the girl who always finds trouble and asks me to come and save her." Travis mocked.

Humalakhak si Grey, "makaalis na nga. Bye Kai!"

"Bye Grey!" Nginitihan ko siya.

"Tsk." Singhal ni Travis nang papaalis na si Grey.

"Problema mo?" Inis na tanong ko sa kanya matapos ang ilang sandali.

"Ikaw."

"Arf! Arf!"

"I don't know why, Kai... I just can't bring myself to take my eyes off you." Travis said out of nowhere, namumula ang kanyang tenga.

Umiwas ako ng tingin.

Moonlit PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon