Chapter 7

90.2K 2.1K 58
                                    

Chapter 7

I parked the car in front of a gate and went out, nakita kong may babaeng nakasalong na lumapit sa akin, halos manlaki ang kanyang mga mata nang nakita niya ako. "Kaira?" Masayang tawag niya sa akin at saka niya ako pinagbuksan ng gate.

Ngumiti ako. "Hello po, Sister Maria." Niyakap ko si Sister.

"Hija! Kay tagal mong hindi nakabisita dito, na-miss ka tuloy ng mga bata." Saad niya.

"Ahh... sorry po Sister Maria kasi nagiging madalang na lang ako sa pagbisita dito sa orphanage, na-miss ko na rin ang makipaglaro sa mga bata."

Ngumiti siya, "huwag mo na isipin yon hija, basta ang mahalaga andito ka na. Halika't pumasok ka! Tiyak matutuwa si Sister Lucy 'pag makita ka niya!"

"Ah sige po, may kasama po ako, tulog sa loob ng sasakyan... gisingin ko lang." Sabi ko, tumalikod na ako saka lumapit sa sasakyan upang gisingin si Travis ngunit nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto nito.

"I'm awake." Sabi niya bago tumingin kay Sister Maria at sa bahay-ampunan. "House of the Angels." Pagbasa niya sa nakadikit na golden plate sa pader ng orphanage.

Naglakad si Travis, nanlaki ang mata ni Sister Maria. "Ikaw ba si Travis Javierres?"

Kumunot-noo si Travis kay Sister, siguro dahil sa taka, how Sister Maria see behind his disguise, siniko ko siya saka ko siya tinignan nang masama as if telling him to respect Sister Maria and never give her that kind of look. "Uhm... yup?"

Ngumiti si Sister, "it's good to meet Troy's son! You know, your dad is a great man, isa siya sa mga donor ng maraming orphanage including this, without him, the House of the Angels won't happen."

Napatango na lang ako, so his dad is a great man, unlike him.

Nagulat ako nang bigla na lang magbago ang ekspresyon ni Travis, parang bigla siyang nagalit at nawala sa mood nang narinig ang pangalan ng dad niya, is there something wrong?

"Oh..." sabi na lang niya nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya, he smiled and nodded to Sister Maria.

"Pasok kayo." Sabi niya at naglakad na papuntang loob ng bahay-ampunan, bumungad sa akin ang fountain na may mga anghel.

"Ate Kaira!" Nagulat ako nang nakita ko ang mga batang nagsisitakbuhan palapit sa akin, mula sa likod nila ay si Sister Lucy, ngumiti siya at kumaway sa akin.

"Hello, mga angels!" Isa-isa ko silang niyakap.

"Na-miss ka namin, Ate!" Hirit ni Ris habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

I patted her head, "I missed you too, Ris." Agad ko naman siyang binuhat. Si Ris ay isa sa mga batang pinakamalapit sa akin dito, I treat her like my sister pati na rin sa lahat.

"Ate! Ate! Sino ang kasama mo?"

Tumalikod ako at nakita ko si Travis na mukhang nakukyutan sa mga bata, basing on the expression his face is wearing, I think he like kids.

"Pakilala mo naman ang sarili mo sa kanila, Tray."

"U-Uhm, hi kids? I'm Kuya Travis, Travis Javierres. Just call me Kuya. Okay?"

Tumango silang lahat at saka nila binaling ang atensyon sa akin, "Ate! Ate! Asawa mo?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Ris, "we will, soon." Ngumisi si Travis saka niya ako hinila at niyakap sa harap ng mga bata, tumawa naman sina Sister Maria at Lucy.

"Siya pala ang pinagkakaabalahan mo kaya madalanh ka na dito." Tumatawang saad ni Sister Lucy.

Siniko ko si Travis sa kanyang tagiliran, "tuturuan mo pa ng kababalaghan ang mga bata. Stop flirting." I whispered, tumingin ako sa dalawang madre, "huwag po kayong maniwala sa lalaking ito."

He pouted.

Tinitigan ko siya, did he just pout? As in... pout? Lip pout?

Umiling ako. "Mga kids, pakilala niyo ang sarili niyo kay Kuya Travis!"

Tumango sila. "Hello po, ako si Ris!"

"Renz!"

"Angelica po ako!"

"I'm Mario, super gwafu!"

"Hello po, a-ano... Therese po."

Ngumingiti ako habang tinitignan ang mga batang isa-isang nagpapakilala sa kanilang mga sarili, habang nagpapakilala sila ay nakikipagkamayan sila kay Tray na nakangiti. Matapos iyon ay tumingin sila sa akin.

"Ate Kaira, kwentuhan mo po ulit kami ng fairy tale!" Sabi ni Renz.

Due to my almost three years of visiting here, kabisado ko na mostly ang kanilang mga pangalan although I'm a bit sad dahil minsan may mga batang naaampon dito. I never have the chance to say goodbye to them which is why I cherish every moments with them.

I also pray that they will have a family that will treat them like their real kids. Kung pwede lang sanang ampunin silang lahat.

"Of course naman! Expert ako dyan!" Ngumiti ako sa kanila pero may nahalata ako, someone is missing... "Sister Maria, asan na po pala si Angela?" I asked.

Biglang nalungkot ang ekspresyon niya, "she's with her new family, Kaira."

Angela was one of the kids na closest sa akin, isa rin siya sa mga palagi kong kinekwentuhan ng fairy tales, I'm happy she found a family who'll treat her as a daughter.

"Magti-timpla lang kami ng juice at magpapabili ng meryenda, kayo muna bahala sa mga bata kung maaari..." Sabi ni Sister Lucy, tumango naman ako, pagkatapos ay umalis na silang dalawa ni Sister Maria.

"Ate! Kwento ka na!"

Tumango ako, "okay kids, let's go to the kiosk!"

"You seem to be close with these adorable kids..." sabi ni Travis habang naglalakad kami papunta sa usual place kung saan palagi akong nagkukwento noon sa mga bata.

I nodded. "Yeah, sila na ay parang mga kapatid sa akin." Sabi ko habang tinitignan silang naglalakad.

"So you like kids."

"You too."

Namula ang pisngi niya.

"Do you like the place?"

Tumango si Travis. "I was an old brother once but my li'l sis died when she was four..."

Nanlaki ang mata ko saka ako tumingin sa mukha niya, kahit na wala na itong ekspresyon ngayon ay alam kong malungkot siya. "I'm sorry..."

He just nodded. "She died with Mom in a car accident three years ago and it was Dad who was driving..."

"Oh..."

"It was supposed to be a very special day because it was her birthday yet in a flash, both the two most important girls in my life disappeared."

"Travis, smile." I sighed. "May mga bagay talaga sa mundo na bigla-bigla na lang mawawala, we never know when we'll become the next ones, but I know for sure... your mom and sister is happy, so be happy for them even if it's hard because there's never an easy choice, my mom passed too and it was never easy on my part."

Tumingin siya sa akin, for a moment, I made an eye-contact with his mysterious eyes and felt something weird inside me, I felt my heart go wild for the very first time... It seems like some of our strings suddenly knotted.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko, then he intertwine our fingers, "I'm glad to have you."

"Ayieh!" Nagulat ako dahil lahat na pala ng mga bata ay nakatingin sa amin at sa aming kamay.

Moonlit PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon