Chapter 30

64K 1.4K 33
                                    

Chapter 30

Matapos kami mag-lunch ay tumambay kami sa likod ng resthouse, sina Ethan at Trisha ay naliligo sa pool, si Blue naman ay nagbabasa ng nobela, sina JM, Grey, at Vivien naman ay naglalaro ng card game.

Tumingin ako kay Travis na nakatingin sa kawalan, mukhang may malalim siya na iniisip. "Oy." Sinundot ko siya sa kanyang tagiliran kaya naman napatingin siya sa akin.

"Hmm?"

"Bakit mo naisip na bumisita dito sa isang private island?" Tanong ko.

"I just want to rest in a place where I won't have to think of my problems." Sagot naman niya sa akin, "you're lucky to have friends like them." Ngumiti siya habang nakatingin sa mga kaibigan ko na halatang masaya.

"Why not join them?" I laughed.

"Why not you join them?"

"I think I'll pass." Sagot ko at tumayo na. "Kuha lang ako ng maiinom."

Travis nodded, letting me go.

Habang naglalakad ay napaisip rin ako, a lot of questions suddenly played in my mind, on that night that I was almost raped... what was Travis doing in such place? Why was Travis there? Why is it that it feels like we were childhood friends? What about the dreams?

I'm confused...

Nong nasa kusina na ako ay binuksan ko ang ref, naglagay ako ng malamig na tubig sa isang baso at uminom. "Kaira!"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baso dahil nataranta ako, "hahaha! Sorry to startle you!" Si Grey lang pala.

"O-Okay lang..."

"Mukhang may malalim ka na iniisip ah." Tugon niya, "is it about my brother?"

I nodded.

"Look, I want you for Travis." Biglang sabi ni Grey habang kinukuha ang pitcher sa ref, "if anything will happen, please don't leave my brother, promise me that you will always be there for him." Naglagay siya ng tubig sa kanyang baso at uminom.

Nagbuntong-hininga ako.

"Ngayon ko lang ulit makita si Kuya na ngumiti at tumawa." Dagdag ni Grey, "you changed my brother, Kai. You became the light to his dark world. Now, Travis might be a pushover but don't hate him for that, he is just afraid of losing you so try to understand him and again, promise you won't ever leave him..."

I suddenly felt my heart pound that it feels like I am about to break, I suddenly found myseld nodding, "promise."

He smiled, satisfied with my answer before walking with me out of the kitchen.

~*~

Nagkaroon ng inuman noong pagabi na, syempre hindi kami nagpakalasing, noong medyo madilim na ay lahat kami ay gumawa ng bonfire sa may buhangin at kumuha kami ng medyo malalaking bato at pinalibot ito sa apoy para magsilbing upuan, rinig ko ang bawat paghampas ng alon sa buhangin habang lahat kami ay kumukuha ng marshmallow at tinutusok ito gamit ang matatabang sticks at saka pinapainit sa may bonfire.

Moonlit PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon