Chapter 35
I didn't know where I was going, pinagkakatinginan rin ako ng mga tao sa loob. Paglabas ko ng kompanya ni Travis, agad akong pumara ng taxi. Wala na sa akin ang susi ng sasakyan na regalo ni Travis, I already left it behind.
"Kuya, sa Aristocrat Subdivision po."
Agad namang tumango ang driver at daling pinaharurot ang taxi.
Ayaw ko munang pumunta sa Sapphira Tenshou, for sure magkikita at magkikita kami ni Travis doon, ayaw ko muna siyang makita sa ngayon. Sa tuwing maaalala ko siya bumabalik ang lahat ng sakit na nadama ko, mas masakit pa ito kesa sa amin ni Marcus noon. I need to escape.
Dali kong hinalungkat ang cellphone ko at tinawagan si JM, "oh? Bakit ka napatawag?"
I sniffed. "J-Jam..."
"Kai? Umiiyak ka ba?" Sino nga ba ang hindi makakahalata kung basag ang boses ko? "Asan ka?"
"P-Papunta na ako ngayon sa bahay mo, pakitawag naman sina Trish, Than, Vi, at Blue..."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni JM, "si Travis ba ang rason?" Hindi ako sumagot, "tsk, sabi na nga ba eh! Mapapatay ko siya!"
Ngumiti ako ng mapakla, "ok lang ako, Jam. Huwag kang mag-alala." Suminghot ako. "I just really need someone to hear me..."
"Ok, susunduin kita sa entrance ng subdivision ko. Ok?"
"S-Sige. Bye."
I ended the call, pinagmasdan ko ang tanawin sa labas ng bintana, tears still coming out of my eyes. Bakit parang hindi ako nauubusan ng luha? Siguro mugtong-mugto na ang mga mata ko dahil sa sobrang kakaiyak.
~*~
Nagbayad na ako sa taxi at lumabas, bumungad sa akin sa guardhouse malapit sa entrance ng Aristocrat Subdivision si JM, mabilis siyang tumakbo nang makita ako at saka niya ako niyakap ng mahigpit, "you look completely like a mess."
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Pwede bang makikitulog muna ako sa iyong bahay?"
Ngumiti siya, "sige ba."
Hinawakan niya ang braso ko, "ang singkit mo na nga mas sisingkit ka pa, huwag ka nang umiyak. Hindi ka naman iyakin eh." Pagtawa ni JM, I'm glad that he didn't bother me with questions about what happened. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari, bumabalik ang lahat ng sakit, bumabalik ang lahat.
I feel betrayed. I feel fooled. I feel stupid. I feel broken.
Habang naglalakad kami papuntang bahay ni JM ay hindi ko maiwasan ang magbuntong-hininga, nakatungo lang ako at nakatingin sa baba, tahimik lang kaming dalawa na naglalakad, "hinihintay ka nina Vivien sa bahay, nag-aalala sila sa iyo."
Ngumiti ako, "I'm really a bad friend, pinag-alala ko pa sila..."
"Not really." Sabi ni JM. "It's only natural for us to be worried when one of our special persons are sad." Nagulat ako nang hawakan ni JM ang kamay ko, "look Kai, you're not alone. Andito lang kami, marami kaming nagmamahal sa iyo."
I smiled and nodded. But still, everything still hurts, especially my heart.
~*~
"Kai!" Nagulat ako dahil pagbukas pa lang ng pinto ng bahay ni JM ay bumungad na agad sina Vivien at Trisha, niyakap nila ako ng mahigpit, nakatingin sila sa akin ng malungkot.
"Oy, chill muna. Sa loob na iyan." JM uttered, tumango naman ang dalawa at hinila ako papasok sa loob. Sa salas ay bumungad sina Ethan at Blue na naglalaro ng xbox, bigla ko tuloy naalala si Travis at ako noon na naglalaro ng Tekken sa xbox.
Pinikit ko ang aking mga mata at umupo sa sofa malapit lang sa kanila, tumigil na ang dalawa sa paglalaro at nagkatinginan.
Nagulat ako dahil pinalibutan naman na nila ako, "sabihin mo lang Kai kung gusto mo, reresbakan ko ang bilyonaryong 'yon!" Maangas na sabi ni Blue.
"Ulol. Huwag ganun!" Sabi ni Ethan, "dapat tayong lahat ang rumesbak! Aba! Paiyakin ba naman ang Prinsesa ng Gabi natin!"
Ngumiti ako. "Hay naku, huwag mo silang pansinin, Kai. Kanina ngang wala ka nag-aalala silang dalawa, hindi sila mapakali kaya naglaro na lang sila ng xbox pampalipas ng oras." Iling ni Trisha. Namula naman sina Ethan at Blue.
Hindi ko maiwasang maiyak ulit, mabuti na lang at meron sila...
Masaya rin ako dahil hindi sila nagtanong.
"Kai, basta kung ano ang desisyon mo, saludo at supurtado kami doon. We're bestfriends after all." Sabi ni Vivi, ngumiti ako at tumango.
"So, ano na ang plano mo ngayon?" Tanong ni Blue.
"Ewan..." sagot ko. "Siguro lalayo muna ako kay Travis..."
Halata naman sa mukha ng mga kaibigan ko na sabik na sabik na sila na malaman ang nangyari at ayaw kong nagtatago sa kanila ng lihim.
"Long story short, binisita ko si Travis sa opisina niya at nakitang may kasama siyang babaeng tinawag niyang Stel, hinalikan ni Stel si Travis and Travis didn't broke the kiss nor pushed the girl away. They literally kissed in front of me, hindi man lang ako hinabol noon ni Travis para mag-explain noong umalis ako, tapos may pa-I love you pang nalalaman ang babae bago ang lahat..." I cried again, just by remembering that.
"Sssh, that's enough." Sabi ni JM, stopping me from saying more.
"That jerk!" Inis na sabi ni Ethan.
Humikbi ako. "Hindi ko na alam ang gagawin ko..."
"Simple lang ang solusyon, alamin mo." Pagbibiro ni Blue.
Ngumiti ako.
Piningot ni Vivi si Blue. "Minsan kasi ilugar mo ang pagbibiro mo, hah?"
"Okay."
Ngumiti ako.
"JM, mag-sleep over na kami dito, ah?" Sabi ni Ethan.
"What?!" JM shook his head, "no."
"Yes daw." Sabi ni Blue, "so, it's been decided, matutulog tayong lahat dito. So how about a party party para sa atin?"
Umiling na lang ako. "Alak na naman ang laman ng isip mo!" Trisha laughed.
Hindi ko namalayan na tumigil na pala ang pagtulo ng mga luha ko, at siguro dahil sa matinding pagod ay nakatulog ako't nawalan ng malay.
~*~
"Mama!" Humihikbing tawag ng batang babae. I know for sure that it was me, my younger version.
"Napano ka, Kai?" Halata ang pag-aalala sa boses ni Mama.
Suminghot ako, "M-Mama..." Tinuro ng batang babae ang kanyang tuhod na may galos ng sugat.
"Natapilok ka na naman ba, Kai?" Umiling si Mama, nilabas niya ang kanyang panyo sa bulsa niya at pinunas ito sa basang pisngi ng batang babae.
"Tahan na, halika't lilinisin natin ang sugat mo."
Tumango ang batang babae which was me.
"Kai, minsan nasusugatan tayo at nasasaktan, hindi masama ang umiyak, huwag mo lang kalimutan ang ngumiti at maging masaya."