Chapter 38
Minulat ko ang aking mga mata dahil narinig ko ang malakas na ring ng phone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Lola Dorora.
"Bakit po kayo napatawag?" Humikab ako.
"Hija, kailangan ka ng Papa mo! Nalaman lang niya na may iba palang karelasyon si Sandy, hija, bilisan mo. Hinihintay ka ng Papa mo." Halata ang bakas ng pag-aalala sa boses ni Lola Dorora. "Apo, galit na galit ang Papa mo kay Sandy kanina."
Suminghap ako. "Andyan na po ako, Lola."
"Sige, apo."
Biglang naputol ang linya.
Tinignan ko ang orasan, it was still too early in the morning but I got up and got myself dressed up. Humikab ako habang naglalakad paalis ng unit.
Looks like Sandy ain't my stepmom anymore.
~*~
"Hija, salamat at dumating ka! Ang Papa mo ay nasa salas." Bungad ni Lola Dorora sa may pinto ng mansion, halata ang kaba at takot sa kanyang mukha.
Tumango ako kay Lola Dorora na yumakap sa akin.
"Asan na po si Sandy?" Tanong ko.
"Napalayas na apo, kanina pa." Sagot naman ni Lola Dorora. "Ang mga gamit niya ay iniimpake na ng ibang mga kasambahay." Napatango na lang ako bilang sagot.
Tahimik lang akong naglakad sa loob ng mansion papunta sa salas kung nasaan si Dad.
Nang nasa salas na ako ay tinignan ako ni Dad na nakaupo sa sofa, mugtong-mugto ang kanyang mga mata siguro dahil sa kakaiyak rin tulad ko. Umiwas ako ng tingin.
He gestured me to sit beside him which I did. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"I thought bringing you a new mom would make you happy..." Bigla niyang pagsimula. "I was afraid, Kai. I was afraid of losing you too like your Mom, you are the only one left."
"It's ok, Dad, it's ok." I whispered.
"I'm so sorry, anak. Hindi ko inakala na gold digger pala si Sandy, I thought it was the best decision ever to give you a mom, I know your mom is irreplaceable and I tried to replace her. I'm the worst Dad. Hindi ko man lang inintindi ang anak ko." A tear came down on his cheeks. I held my hand on his side and wiped the tears away.
Niyakap ko si Dad.
Naalala ko ang usapan namin ni Travis noong nasa private island kami, na kakausapin namin ang Dads namin to work things out bago pa man mahuli ang lahat.
I think now is the time...
"Mahal kita, anak. Remember that."
I smiled. Those were the words I wanted to hear from him for all of these years, those were the words I missed. I am glad.
"Mahal rin kita, Dad..."
I closed my eyes and let our hearts open up once again.
Mom, can you see this? We're a happy family again...
~*~
Hindi naman ako maka-Diyos eh, hindi rin naman Linggo pero pumunta pa rin ako sa simbahan para mag-alay ng dasal kay Mama at sa pamilya ni Travis kinabukasan. Na-impluwensya na siguro ako ni Travis.
"Kuya, naranasan mo na bang magmahal?" Bigla kong natanong sa drayber ko nang papasok na kami sa sasakyan.
Nanlaki ang mga mata ni Kuya Drayber at namula ang kanyang pisngi, ngumiti siya na parang siya na ang pinakamasayang lalake sa buong mundo, "oo naman, ang minamahal ko ang nagbigay direksyon sa buhay ko. Siya ang nagbigay lakas sa akin."
Napatango naman ako at natahimik. Biglang may sumagi sa isipan ko, "Kuya, bago tayo bumalik sa mansion, punta muna tayo sa House of the Angels, matagal ko nang hindi nabibisita ang orphanage eh."
"Ah, sige, sige."
~*~
Matapos ang short visit namin sa orphanage ay umalis rin naman agad kami ng drayber ni Dad. Since pagod ako ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para magpahinga.
Pagkagising ko ay gabi na, marami rin akong messages, tinignan ko ang lahat, expecting to see it was from Travis but much to my disappointment, galing iyon sa mga kaibigan ko.
I decided to change into my clothes at umalis muna sa mansion, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumingin ako sa buwan, it suddenly made me remember of Travis' tattoo, tsaka lang lumilitaw kapag matamaan ng ilaw ng buwan.
"Ano kaya ang ginagawa niya?" Tanong ko.
Umiling ako.
Forget him, Kai...
"Saan ang punta mo, apo?" Tanong ni Lola Dorora.
"Wala po, mamamasyal lang ng saglit."
Tumango siya, "o'siya, hindi ka sasabay sa hapunan niyo ng Papa mo?"
"Hindi na po," simpleng sagot ko at lumabas na.
"Ingat ka, apo."
