Chapter 40

71.6K 1.5K 51
                                        

Chapter 40

Tinignan ko ang paligid, "Travis! Travis?!" Sigaw ko. Lahat ng mga tao sa airport ay napapatingin sa akin at nagkakabulungan, nagmumukha na siguro akong tanga pero wala akong pake.

Mabilis akong tumakbo papunta sa departure area ng airport nang hindi siya makita sa waiting area , hinabol ako ng mga gwardya para pigilan, mabuti na lang at isa akong certified runner kaya hindi sila naka-catch up.

"Travis!" Sigaw ko habang hinahanap siya ng mga mata ko at abala sa pagtakbo.

Tinignan ko ang paligid, no sign of him at all. Where are you, Tray?

Tumakbo ako ng tumakbo, hinahanap pa rin siya.

I was almost out of hope, biglang tumulo ang mga luha ko. Am I too late?

"Travis!!!!" Sigaw ko habang pinagmamasdan ang mga eroplano, "Travis!!!" Humikbi ako at umiyak ng malakas, ang pag-iyak ko ay nag'e-echo sa buong lugar. Tulad ng pakikisama sa akin ng kalawakan ay biglang umulan ng malakas, at least alam ko na hindi lang ako ang nag-iisang umiyak.

Sa gitna ng pag-iyak ko ay nakita ko si Travis mula sa hindi kalayuan na pinapayungan ng isa atang piloto, nakatingin siya sa akin at halata ang pagkagulat sa kanyang mukha, noong napansin niyang nakatingin na ako sa kanya ay umiwas siya ng tingin at mabilis na pumasok sa isang private plane.

Mas lalong lumakas ang ulan.

Biglang naglaho ang sakit sa puso ko, para akong basang sisiw sa gitna ng ulan pero wala na akong pake doon, mabilis akong tumakbo papunta sa kanyang kinaroroonan. I wiped my tears away na hindi naman halata dahil sa ulan.

"Travis!" Kinatok ko ang pinto ng private plane. "Please let me enter!" Pag-iyak ko.

"K-Kai..." Nakita ko si Travis at pinagbuksan niya ako ng pinto, hinila niya ako papasok sa loob ng private plane. "How can I resist you?"

I sobbed when he hugged me, the warmth of his body gently covered me, making the cold I feel to stop. I felt comfortable and the nostalgic feelings came into my heart. I closed my eyes habang sumisinghot na parang bata.

"What are you doing? Basang basa ka, paano kung magkasakit ka?" His voice was full of concern. Niyakap niya ako. "Don't ever do this stunt, again... ok?"

Hindi ako sumagot, "Tray, akala ko u-umalis ka na..." Pag-iyak ko.

"Hush now, okay? I'm here."

"Kuya, please signal me and the pilot for take off." Biglang sabi ni Grey sa gilid.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay Travis, telling him not to go.

Travis faked a cough. "Cancel this flight, Grey. I'm not going anymore."

Halatang nagulat at nagtaka si Grey pero noong sinulyapan niya si Travis at nakita niya ako ay ngumiti siya na parang naintindihan na niya at hindi na nagtanong pa.

"Let's dry you up." Sabi ni Travis at hinubad niya ang kanyang jacket para magsilbing pampainit ko dahil sa giniginaw na ako.

Akmang aalis sana si Travis para kunan ako ng towel pero hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Please don't leave me again." Basag ang boses ko at nanginginig.

Travis stiffened.

"I'm sorry..." Travis muttered.

Ngumiti ako sa kanya, ramdam ko ang pagsakit ng ulo ko siguro dala ng pagkababad ko sa ulan, "Travis, mahal na mahal kita at hindi ko alam kung bakit basta pagkagising ko lang isang araw ay nalaman ko na lang na ikaw pala ay mahal ko. Travis, I love you for the way you are! I love the way you tease me, I love the way you show effort, I love the way you protect me, I love the way you smile, I love the way you make me feel. I love everything about you, Travis, I love all of it..." Pinikit ko ang aking mga mata.

Halatang nagulat si Travis.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Travis, I don't have a ring with me. I can't give you a ring right now but I can give you my heart. Will you marry me and let me share the same last name you have, Travis Javierres?"

Travis stiffened.

"Kai, it's supposed to be me to propose. Not you."

"Travis, yes or no?" Bulong ko.

"Kai, yes. I will marry you."

Tinignan ko si Travis, he was smiling at me. Ngumiti rin ako, he suddenly closed the distance between our faces, I closed my eyes when I felt his warm lips pressing against my lip.

It was the best passionate kiss that I would always wish for, biglang tumigil ang ulan sa labas ng private plane.

"I love you, Kai. Mahal na mahal kita."

I smiled.

I finally found my happily-ever-after.

Even though from the very beginning I already knew, I was just afraid I'll lose Travis, I was just afraid that if I fall he might leave, even if I saw all the signs that Travis was really already permanent for me, I still chose not to see it.

His tattoo... when I saw it, it was two letters.

KT

Kaira. Travis.

"Please say it again..." Bulong ko. Feeling happy that we finally blurted out our feelings to each other.

"Mahal kita."

"Isa pa..."

He held my hand and smiled, "mahal na mahal kita."

Moonlit PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon