Chapter 34

56.3K 1.3K 60
                                        

Chapter 34

Nagkibit balikat ako habang nakahiga sa kama at nakatitig sa mga nakadikit na glow-in-the-dark stars at moon sa kisame. Nagbuntong-hininga ako, dahil wala akong magawa ay kinuha ko ang iPad ko at binuksan ko ang facebook account, ngayon na naman lang pala ako magbukas ng account, nagiging madalang na ako sa paggamit ng gadgets simula noong nakilala ko si Travis.

Tinignan ko ang newsfeeds ko, puro mga selfies ng mga kakilala ko ang nagpapakita, marami rin akong mga friend requests which I just ignored dahil wala naman akong kakilala doon.

Sa kailaliman ng friend requests ko, I saw something which made my heart... beat fast.

Travis Javierres
Confirm | Delete

May facebook si Travis?! Hindi ko alam pero na-guilty ako, since tambak ang friend request niya, nag-assume ako na matagal na niya akong in-add...

Agad ko namang in-accept si Travis, binuksan ko ang profile niya at nakitang may 688K followers siya sa facebook, I rolled my eyes. Of course, he is the billionaire. Sikat dapat siya.

Hindi gaano karami ang status niya or post siguro dahil sa busy sa trabaho, dahil bored ako at curious ako sa tao ay hinintay kong mag-load ang cover picture niya at profile picture, bwisit naman, ang bagal ng free data! Hays. Magpapakabit na nga lang ako ng internet dito.

Matapos ang ilang sandali, biglang lumitaw ang profile picture niya, laking-gulat ko nang makita ang picture naming dalawa kahapon sa seaside, yong picture namin na parehas kaming nakatingin sa isa't isa at nakangiti pa! That explains it. That explains why I had a lot of friend requests.

Kumunot ang noo ko nang tignan ko ang caption ng picture, simple lang naman, it says her smile keeps me fighting for us.

Bigla akong namula.

Pinikit ko ang aking mata at tinignan ang iba niyang pictures, karaniwang naka-business attire si Travis at hindi nakangiti, habang lumalalim ang pag-stalk ko sa account niya ay mas nagiging bata ang version niya sa mga pictures. Until something suddenly caught my eyes...

Travis was with a girl in a dress, maganda ang babae, mas maganda pa siguro sa akin. Nakangiti silang dalawa sa picture at nakaakbay si Travis sa babae.

I felt my heart shatter. Is that girl Travis' ex? Wait... ano naman sa akin iyon kung ex niya ang babae? Ang mahalaga Kai, Travis is with you.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip...

Why didn't he tell me anything? It's not like it is something on my concern... it's not like I care...

Pinikit ko ang aking mga mata, composing myself again and looking for more pictures, gusto kong tumigil sa pag-stalk sa account ni Travis dahil bawat pictures niya kasama ang babaeng maganda na hindi ko kilala ay nasasaktan ako.

Huwag mong sabihin panakip-butas lang ako, Travis?

Umiling ako, you have to trust Travis, Kai... trust him...

You have to trust your childhood bestfriend...

Everything was already clear to me. Oo, alam ko na dati kaming magkaibigan ni Travis, he was the guy in my dreams. He was the guy who gave me a necklace.

Everything confirmed it all because of that necklace he gave me before he disappeared... matapos kaming pumunta sa dagat ni Travis kahapon, umuwi na kami sa Sapphira Tenshou but after that, I decided to visit the mansion, mabuti at wala sina Dad at Sandy by that time.

Moonlit PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon