Chapter 19

68.2K 1.5K 30
                                        

Chapter 19

    "I have something to tell you." Travis said, his eyes trailing the balcony. He was holding something in his pocket, debating whether to reveal it or keep it there.

   "Ano iyon?" Tanong ko sa kanya habang naglalagay ng fresh milk sa cereals sa bowl. 3PM na at tama, kumakain ako ng cereal na dapat pang-umaga. Eh sa gutom ako!

   "I'll be gone tomorrow for three days..." Hindi makatingin sa matang sabi niya at parang nagdadalawang isip pa na ituloy ang sasabihin.

   Biglang lumiwanag ang paningin ko, "talaga? Edi maganda!"

   He glared. "Since I'll be gone, you'll be spending the day today with me."

   "Ayoko nga. Humanap ka na lang ng ibang makakasama mo." Sagot ko sa kanya sabay kain. "Saka nakakasawa rin ang pagmumukha mo. Lagi naman tayong magkasama e, para kang linta. Pramis."

   Nagbuntong-hininga siya sabay pakita sa akin ng dalawang tickets ng isang amusement park, ito ay isang ticket na may ride-all-you-can, hindi mo na kailangan magbayad ng kahit anong ride, ipakita mo lang ang ticket ayos na. My eyes twinkled upon seeing it.

   Hinablot ko ang ticket at niyakap ito.

   "So?"

   "Sa amusement park ba punta natin?" Excited na tanong ko.

   He nodded. "5PM." Doon ko napansin na may hawak pala siyang paperbag, "wear this shirt." Sabi niya, may nilabas siyang shirt na may tatak.

         He's Mine

     Dark pink ang imprint ng tatak. Sa likod ng shirt ay may letter K na tatak.

   "Okay." Kinuha ko ang shirt at nilagay ito sa aking kama, hindi na pinansin pa ang tatak ng puting shirt.

   Binilisan ko ang pag-ubos ng pagkain at pasayaw na tumakbo papuntang banyo, not minding if Travis was still in my place or not.

~*~

    "Hi Grey!" Nasa loob na kami ng sasakyan, si Grey ang nagmamaneho ng sasakyan papuntang amusement park, kaming dalawa ni Travis ay nasa backseat.

   "Wow, naka-couple shirts." Puna niya. Kumunot ang noo ko sabay tingin sa damit ko at kay Travis.

   My eyes widened nang makita ko ang nakatatak sa shirt ni Travis...

         ↲ She's Mine

   Dark blue ang kulay ng tatak, I pushed him para tignan ang likod niya at may nakitang letter T.

     Bigla kong naalala ang tattoo ni Travis...

    "Like it?" Travis smirked, putting me back to reality.

   Namula ako. "No w-way!"

   "Ayiie!" Grey sneared sabay hampas ng manibela na parang kinikilig.

    Sabay kaming tumingin ng masama ni Travis kay Grey, "just drive." Sabi ni Travis.

   "Okay boss." Pabirong sagot niya.

    Kalahating oras na ata nang tumigil kami sa harap ng amusement park, the time was 5:30PM.

   Bumaba na kami Travis sa sasakyan, bago kami naglakad ay nagbigay pa ata siya ng instructions kay Grey. My eyes twinkled upon seeing the colorful lights in the amusement park, the sky was getting darker and darker as the amusement park begun to shine bright.

Moonlit PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon