Callie Emery 's Pov
"GISING na ang mahal na prinsesa!
Okay lang po ba kayo princess?!" Natutuwang tanong ng babaeng may brown na buhok at mata.Magsasalita na sana ako ng may pumasok nanaman na dalawang lalaki at naka suot ito ng parang mga warrior na damit yung parang ganon sa Spain yung mga royal guards parang ganon ang suot nila. Sino ba sila at bakit ganyan ang mga suot nila?
"Salamat at gising na kayo mahal na prinsesa"nakangiting sabi ng matangkad na lalaki . Isa sya sa lalaking nakasuot ng parang sa royal guards sa Spain
"Princess! Pinag -alala mo kami alam mo ba yun?"Sabi naman nung kasamahan nung matangkad na lalaki
"Princess?! Who the hell is a princess?!" I asked
" And who are you?! At nasaan ako?!"Histerikal kong tanong.
Naalala kong may humahabol sa akin and I was shot! Nabaril ako at nahulog sa bangin! Kaya pano ako napunta dito?! At bakit wala akong mga sugat?
Ano bang nagyayari sa akin?!
"P-princess anong sinasabi mo? Isa kang prinsesa at ako ito si Sanya. At Sila naman Sina Damian at Barret" Sabi ni Sanya at itinuro nya yung dalawang lalaki.
"Hindi mo ba kami naaalala princess? Si Sanya ang personal maid mo at kami naman ni Barret ang personal knights mo"sabi ni Damian. Sya yung lalaking matangkad
Personal maid and knights? Waaahhh I'm really confused on what is happening right now!
"What happened? Bakit ako nandito?" I asked calmly
"Natagpuan ka namin na walang malay malapit sa ipinagbabawal na gubat princess. Mukhang tumama ang ulo mo sa malaking bato kaya ka nawalan ng malay. Kasama mo rin doon ang kapatid mo" mahabang paliwanag ni Barret.
Kapatid? Wala na akong kapatid.
Magsasalita na sana ako ng may pumasok na babaeng galit na galit. May magara itong kasuotan."Ma-mahal na r-reyna"sabay sabay na sambit nina Sanya
Hindi sila pinansin ng tinawang nilang Reyna. Sa halip pumanta ito sa akin at dinuro ako
"Alam mo bang ng dahil nanaman sa kagagawan mo muntik na naman na mapahamak ang kapatid mo!" Sigaw nya sa akin
Hindi ako sumagot dahil Hindi ko naman alam ang tinutukoy nya.
"Lagi na lang kapahamakan ang dala mo sa kapatid mo! Hindi ka lalabas ng kwartong ito sa loob ng limang araw! Yan ang parusa mo!" Sigaw nya ulit at itinuro Sina Sanya
"At kayo! Huwag nyong bibigyan ng pagkain ang sutil na ito! Naiintindihan nyo?!"
"Pe-pero mahal na-"
"Naiintindihan nyo?!" Sigaw nya Kaya walang nagawa ang tatlo kundi ang tumango.
Lalabas na sana sya ng tumingin ulit sya sa tatlo.
"Tatayo lang ba kayo dyan?"tanong nya.
Yumuko naman ang tatlo at tumingin sa akin.
"Babalikan kita mahal na prinsesa" bulong sa akin ni Sanya Kaya tumango ako sa kanya at ngumiti.
Nakita ko pa syang natigilan. May problema ba? Pero kalaunan ay ngumiti rin siya pabalik at yumuko sa akin lumabas na silang tatlo nina Damian.
Bago tuluyang lumabas ang Reyna ay tumingin ulit sya sa akin at sinamaan ako ng tingin.
Naiwan akong mag-isa kaya naisipan kong libutin ang buong kwarto ko. Nang mapagod ako ay naupo ako sa kama at napatingin sa repleksyon ko sa salamin.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Historical FictionCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...