CHAPTER 20

2.8K 120 6
                                    

Callie Emery 's POV

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mahinang mga boses. Ang sakit ng ulo ko!

"Daddy, bakit po ang tagal gumising ni mommy?"

"Late na kasi natulog si mommy kagabi, baby" rinig kong sabi ni Prince Cyan.

Binuksan ko ang mga mata ko at nakitang gising na ang tatlong bulilit at pati na rin ang ama nila.

Kyahhh ang feeling ko naman masyado!

Masakit ang ulo ko pero hindi ko ito alintana ng makita ang pwesto nina Prince Cyan.

Naka-sandal kasi sa headboard ng kama si Prince Cyan. Nasa kanang hita naman nito sina Kilen at Ashy habang nasa kabila naman si Ellie.

Kung titingnan mo sila ay parang napaka-seryoso ng mga pinag-uusapan nila dahil sa mga mukha nila, masyadong seryoso.

Natawa ako kaya napalingon silang lahat sa akin. Dali-daling lumapit sa akin sina Ashy at Ellie at niyakap ako.

"Good morning mommy!" Bati nito.

"Good morning din mga babies ko!" Sabi ko at hinalikan sila sa pisngi. Tumingin naman ako sa direksyon nina Prince Cyan at Kilen. Halata sa mata ni Kilen na naiingit ito sa dalawa.

Ang gwapo nila pareho! Tumingin ako kay Kilen at pinalapit ko ito sa akin.

Lumapit naman ito pero halata mong nahihiya ito.

"Good m-morning p-princess" Saad nito. Napakunot noo naman ako.

"Bakit yan pa rin ang tawag mo sa akin?" Tanong ko dito.

Yumuko naman ito at hindi sumagot.
Pinaupo ko naman ito sa kandungan ko at tinitigan.

"Ayaw mo ba akong maging mommy?" Malungkot na tanong ko dito.

Nanlaki naman ang mata nito at mabilis na umiling.

"You're also my baby Kilen kayo ng mga kapatid mo. Hindi ka iba sa akin, sa amin ok? Kaya mommy rin ang itatawag mo sa akin ha?" Malumanay kong sabi dito. Oha! Kina- career ko na masyado ang pagiging ina.

Tumingin ito sa akin na nanunubig ang mata pero halata mo ang saya dito.

"T-talaga p-po m-mommy?" Sabi nito na ikinatawa ko.

"Oo naman. Ikaw kaya ang panganay namin. Diba daddy?" Sabi ko at lumingon kay Prince Cyan.

Lumapit ito sa amin ng nakangiti.

"Of course, my little young man." Sabi nito at niyakap kami ni Kilen.

"Kami rin daddy!" Sabi ni Ellie at sumiksik sa amin, ganon rin si Ashy. Napahalakhak naman kami dahil sa kakulitan at kabibohan ng dalawa.

"Hmm mga anak, alam nyo na ba kung bakit naging ganyan kayo?" Malumanay kong tanong sa kanila ng humiwalay kami sa yakapan.

Tumango naman sila.

"Daddy already told us kanina po mommy." Saad ni Ashy. Tumingin ako kay Prince Cyan dahil sa sinabi ni Ashy. Tumango naman ito at ngumiti sa akin.

"H-hindi ba kayo galit? Kasi y-you can't see and understand now the other pixies dahil tao na kayo." Tanong ko ulit sa kanila.

"We're not mad mommy. Masaya nga po kami dahil we can hug and kiss you like this." Sabi ni Ellie habang yakap-yakap at hinahalik-halikan ako.

"Masaya rin po ako pri- mommy. It's the best gift I've ever had, mom."  Kilen said

"Me too!" Sang-ayon rin ni Ashy.

Napangiti naman ako dahil sa mga sinabi nila. Ang matured mag-isip ng mga anak ko! I'm so proud of them.

REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon