Callie Emery's Pov
Pagpasok ko ng cafeteria ay naghanap kaagad ako ng mauupuan.
Hindi ko ngayon kasama sina Monique at Melanie dahil inutusan sila ng isang guro na ayusin ang mga papeles. Tsk! May mga guro kasing mahilig mang-utos ng mga gawain nila sa mga lower section. Kahit minsan marami naman silang oras para gawin ang isang gawain ay talagang iniaasa nila ito sa mga lower section.
Pinigilan ko pa nga sila Melanie dahil lunch time na at alam kong gutom na sila pero sabi nila okay lang daw dahil sanay naman sila. Wala na akong magawa Kaya mag-isa lang ako ngayong pumunta dito sa cafeteria.
Maraming estudyante ang kumakain dito. Nakita ko rin ang royalties na kumakain sa Isang mahabang lamesa na nasa gitna.
"Girls! Grabe ngayon ko lang nakita na pumunta ang mahal na prinsipe dito sa cafeteria!" Rinig kong sabi ng Isang babae malapit sa pwesto ko. Kausap nito ang mga kaibigan nya.
Prinsipe? Sino naman? Nakinig muna ako sa usapan nila. Napatawa ako ng mahina dahil ang chismosa ng datingan ko ngayon dito. Well curious lang naman ako eh.
"Oo nga! Pero sayang at natatabunan ang mukha nito hindi tuloy natin ito makita ." Sabi naman ng Isa pang babae.
"Hayaan mo andyan naman yung dalawa nyang knights na gwapo rin at yung mga royalties hihihi" hagikhik na sabi ng isa pa.
Natatabunan ang mukha? Dalawang knights? Don't tell me sina Prince Cyan yon?!
Nagsimula na akong mag-lakad at hindi pa man ako nakakalayo ng may tumawag sa pangalan ko.
"Princess Emery!" Sigaw nito kaya nakahakot ito ng atensyon.
Kumaway naman ito sa akin kaya excited din ako na kumaway lalo na ng makita ko ang naka cloak na lalaki na nasa tabi ni Axel. Isinenyas ni Axel na dun ako umupo sa kanila kaya naglakad na ako papunta doon.
Pero bago ako makapunta don madadaanan ko muna ang pwesto kung nasan ang royalties.
Nakita kong masama ang tingin sa akin ni Callaine at ang kaibigan nitong babae na si princess Dalia.
I smirked at them. Mainggit kayo hahaha.
"Princess Emery" tawag ni Callaine. Huminto naman ako at tumingin sa kanya.
"Saan ka pupunta? Diba dapat sa amin ka sumabay sa pagkain?" Nakangiti nitong tanong pero mahahalata mong peke ito.
"No thanks" Sabi ko at yumuko sakanila.
"She's right. Sumabay ka na sa amin" Maarteng Sabi naman ni princess Dalia.
Napatingin na samin ang ibang mga estudyante. Ang iba namang royalties ay nakatitig sa akin na parang gustong malaman kung sasabay ba ako sa kanila.
"Bakit ba big deal sainyo kung kanino ako sasabay sa pagkain? Wala naman kayong pakialam sa akin diba?" Walang gana kong sambit sa kanila with matching roll eyes.
"What are you talking about princess Emery? Lagi ka namang sinasabay namin dati kapag kakain na. Bakit nagpapabebe ka ngayon?" Sabi ni prince Loren one of the royalties of course. Kahit naaasar na ako dahil sa mga sinasabi nila I remain myself calm.
" 'Dati' it means nakalipas na. But now it's different. Wala naman kayong ibang ginagawa kundi asarin at pagkaisahan ako dati diba?" I said.
That's right, lagi nilang inaasar si Callie noon sa pangunguna ng malditang si Callaine at ang maarteng si princess Dalia. Pero hindi Yun alam ni Kuya Caine dahil lagi itong busy. He's the student council vice president. Funny right? Vice president pero hindi man lang alam na nabu-bully na pala ang kapatid nya.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Historical FictionCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...