Callie Emery 's POV
Pupunta kami ngayon ni Prince Cyan sa training room, hindi para mag-ensayo kundi para panoorin sina Melanie.
Magkahawak kamay kaming pumasok ni Prince Cyan sa loob ng training room.
Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa ng makita nila kaming pumasok. Napatitig sila sa akin at maya-maya ay bumaba ang tingin nila sa magkahawak naming kamay ni Prince Cyan.
"Uhm, Hi?" Saad ko dahil hindi pa rin sila bumibitaw mula sa pagkakatitig.
"Wahh! Princess! Salamat at gising ka na!" Sigaw bigla ni Melanie.
"P-pero k-kailan pa naging kulay ginto ang mga mata mo Princess?" Wala sa sariling tanong ni Axel.
"At kailan pa nagkaroon ng highlights ang buhok mo Princess Emery?" Sabi naman ni Monique.
"At bakit kayo magkahawak kamay?!"
Nagulat ako ng sabay-sabay nila iyong isinigaw.
"Kayo na ba?!" Sabay-sabay ulit na tanong nila.
Wow ha. Pinaghandaan ba nila ang sasabihin nila?
Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Prince Cyan.
"Pasensya na kayo kung hindi ko nasabi sa inyo ang tungkol sa amin ni Prince Cyan." Sabi ko sa kanila.
"Kyahhhh!!! Kayo na talaga?!" Excited na sigaw ni Melanie.
Natatawang tumango naman ako. Lumapit sina Monique, Melanie, Shane at Elise sa akin habang sina Axel, Aiden at Henry ay lumapit kay Prince Cyan.
Niyakap ako ng apat.
"Wahh! Finally!" Saad ni Shane.
"We're so happy for you Princess!" Sabi naman ni Monique.
"Ang swerte nyo sa isa't isa Princess!" Komento rin ni Melanie.
"Indeed!" Sang-ayon ni Elise.
Humiwalay kami sa yakapan namin.
"Thank you guys." Nakangiti kong sabi.
Lumapit na rin sa amin ang mga lalaki. Binati rin ako nila. Ganon din ang ginawa nila Monique kay Prince Cyan.
"Maayos na po ba ang lagay nyo Princess?" Tanong ni Aiden.
"Oo naman Aiden. Si Princess Emery kaya to." Mayabang kong sabi.
"Maayos ka na nga Princess." Natatawang saad ni Henry.
"Bakit po pala kayo nandidito Princess Emery at Prince Cyan? Kakagising lang po ng Prinsesa may training po agad kayo?" Tanong ni Shane.
"No. We're not here to train. Her training period is already done." sagot ni Prince Cyan.
"Tapos na? Alam mo na kung ano ba talaga ang kapangyarihan mo Princess?" Nagtatakang tanong ni Monique.
Tinanong kasi ako nila noon kung anong klaseng kapangyarihan ang meron ako, kasi diba nakita nila na napagaling ko sila at naalis ko ang masamang mahika na bumabalot sa mga Ogre. Sinabi ko sa kanila ang totoo na hindi ko alam pa alam kung ano ba talaga.
Lahat sila ay nasasabik na malaman kung anong klase ng kapangyarihan meron ako nung magsimula kaming mag-ensayo ni Prince Cyan.
"Yes, alam ko na ito." Nakangiti kong sabi.
"Wahhhh congrats Princess! Pero kung tapos na po ang training nyo, ibig sabihin namaster mo na ang kapangyarihan mo?" Tanong ni Melanie.
"Again yes, I already mastered it."
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Fiksi SejarahCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...