CHAPTER 24

2.1K 90 1
                                    

Callie Emery 's POV

Hindi ko mapigilang hindi mamangha at mapatitig sa napakagandang nilalang na nakayuko sa akin ngayon.

Napakaputi nito at kumikinang ito habang nasisinagan ng liwanag na nagmumula sa buwan.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko ito pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa ganda nito.

"Finally." I murmured.

"Congratulations on your accomplishments Princess Emery." Nakangiting bati ni goddess Alina.

"Thank you goddess Alina." Sabi ko at tumingin ulit sa nilalang na nasa harapan ko.

"May naisip ka na bang ipapangalan sa kanya?" Tanong ni goddess Alina.

"I'll name her Lux."

Lux means white, light and bright and it suits her better.

Umungol ng napakalakas si Lux na tila ba  nagustuhan rin ang ibinigay kong pangalan.

"Your dragon loves it huh." Natatawang ani ni goddess Alina.

Yes, Lux is a dragon. A light dragon to be specific and she's my protector.

Hinaplos ko ang ulo nito at nagsalita.

"You're so beautiful Lux. I'm sorry for what I've done you." Saad ko dito.

'Its okay Princess. Humihingi rin ako ng tawad sa nagawa ko mahal na prinsesa.' Saad rin nito.

She's talking through my mind. And I'm the only one who can talk to her.

"Don't worry Lux, it's not a big deal. I know it's a rule."

Mayroon kasing patakaran na kailangan munang makatapat ng light user ang light dragon bago ito sumunod sa kanya. Kailangan munang makalaban ng light user ang light dragon para mapatunayan na karapat-dapat nga ito sa ibinigay sa kanyang kapangyarihan.

And it's really hard to defeat the light dragon dahil para mo rin lang namang kinakalaban ang sarili mo.

Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas noon ng masaulo ko lahat ng itinuro sa akin ni goddess Alina. She teaches me every details and techniques about my powers.

Namangha pa nga sya dahil ang bilis ko daw matuto. We also fight each other and guess what, I defeated her.

Akala ko tapos na ang pagsasanay ko ng panahong iyon pero hindi pa pala.

The last stage of my training session was to fight and defeat the light dragon.

Nang una ko itong makita ay namangha ako ng sobra. She's beautiful! Kumikinang ito at napaka-magical ng datingan.

But God!Hindi sya madaling kalabanin. She's very aggressive! Kaya Wala akong choice kung hindi ang kalabanin rin sya.

May mga panahon na ang katawan ko na ang mismong sumusuko dahil sa sobrang pagod. Kapag nagigising ako kinabukasan ay akala ko natapos ko na ang laban namin pero hindi pa pala. Ginagawa ko ang lahat para matalo ang light dragon ko, lahat ng itinuro ni goddess Alina ay ginamit ko kay Lux. Pero wala pa rin, hindi ko pa rin ito matalo-talo.

Nasusugatan ko rin naman si Lux noon kaya buong akala ko ay matalo ko na ito. May mga halimaw rin na sumusulpot sa kung saan at susugurin si Lux. Natutuwa ako noon dahil akala ko kakampi ko ang mga ito dahil si Lux lang naman ang inaatake ng mga ito.

Pero kapag nasusugatan noon si Lux at nasasaktan ito ay nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman nito. Dahil sa determinasyon na matalo si Lux ay pinagsasawalang bahala ko na lang ang nararamdaman ko.

REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon