Callie Emery 's Pov
"PRINCESS mag-iingat ka doon ha? Alagaan mo ng mabuti ang sarili mo" nakayakap na pahayag ni Sanya.
Bumitaw ako sa yakapan namin at ngumiti.
"I will. Don't worry about me guys, Kayo ang mag-iingat dito"
Ngayong araw na kasi kami babalik ng mga kapatid ko sa Remington Academy. Hindi allowed ang mga estudyante na lumabas ng paaralan kapag may pasok. Boarding school kasi ang pinapasukan namin.
Sa loob ng dalawang buwan , saka lang pinapayagang umuwi ang mga estudyante ng akademya. Isang linggo lang maaaring manatili sa palasyo at pagkatapos ay babalik ulit sa Remington Academy.
Maghihintay ulit ng dalawang buwan ang mga estudyante bago umuwi sa kanilang tahanan.
Sa mundong ito edad labing anim ang legal na pagpasok sa paaralan. Sa ngayon nasa 3rd year na Ang dating Emery. Si Callaine naman ay nasa 2nd year na. At ang kuya nya naman ay nasa ikaanim na taon na ito ang huling baitang sa pag-aaral.
"Princess wala ng pinakamaganda dito. Hindi ko na makikita ang kagandahan mo" nakangusong pahayag ni Barret.
"Weh?? Ang alam ko kasi si Sanya ang pinakamaganda para sayo?"
"Princess!!"sabay na sabi ni Sanya at Barret.
Humalakhak naman kami ni Damian dahil parehong namula ang dalawa.
Napabuntong hininga ako. I will miss this. Parang ayoko ng pumasok sa paaralan pero hindi pwede lalo na't Isa akong royalty.
Habang abala ang tatlo sa pag-aayos ng gamit ko at pag-aasaran ay pinagmasdan ko sila.
Napangiti ako kasi hindi ko akalain na makikilala ko sila. Hindi ko alam kung bakit pero itinaas ko ng bahagya ang kamay ko at bumulong.
"Please, protect them" nagulat ako ng may lumabas na liwanag sa kamay ko at pumunta sa tatlo.
Pinalibutan Sila ng liwanag. At maya maya ay naging transparent ito.
Anong nagyari? Pagtingin ko sa tatlo patuloy lang sila sa pag -aayos at pag-aasaran. Hindi ba nila nakikita ang liwanag na pumalibot sa kanila?
"Okay lang po ba kayo princess? Bakit po kayo gulat na gulat?" Nag-aalalang tanong ni Damian.
Napaubo naman ako at awkward na ngumiti. Hindi ba talaga nila nakikita?
"Ahh may naalala lang akong nakakagulat hehe"
Tumango naman Sila at inaya na akong lumabas.
Nauna ng pumasok sa karwahe ang dalawa kong kapatid matapos mag paalam sa hari at reyna.
Niyakap ko ulit Isa isa Sina Damian. Naka palibot pa rin sa kanila ang transparent na liwanag pero mukhang ako lang ang nakakakita. Dahil Wala namang reaksyon ang mga nandito. Knowing Callaine pag Nakita nya to siguradong magsasalita yun pero hindi umirap lang ito sa akin bago pumasok sa karwahe. Tusukin ko mata nya eh!
Bago tuluyang pumasok sa karwahe ay yumuko ako sa hari at reyna.
Nagsimula ng umalis ang sinasakyan namin at napatingin ulit ako kina Sanya. Kinawayan ko sila at nginitian.
Pagtingin ko naman sa hari at reyna ay nakatingin ito sa akin, and pain is visible in their eyes.
Umiwas naman ako ng tingin. Tsk! Imposible naman ang nakita ko. They never care for Emery so bakit naman Sila masasaktan sa hindi ko pagpansin sakanila.
Pagkatapos kasi ng sagutan namin ni Callaine nung isang araw sa hapag kainan ay hindi ko na masyadong pinapansin ang hari at reyna.
Ang dating Emery kasi ay talagang gumagawa ng paraan para makausap ang parents nya. She always talk and talk kahit na halatang hindi ito interesado sa mga pinagsasabi nya.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Historical FictionCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...