Callie Emery 's POV
Lunes ngayon at may pasok nanaman.
Syempre hindi nanaman papasok sina Prince Cyan.Kami lang ang nandito sa sala kasi nasa kwarto pa nila sila Aiden at Axel.
"Bye mga anak. Papasok na si mommy." Saad ko at hinalikan sila sa pisngi. Humalik rin pabalik ang tatlo.
"How about me? Where's my kiss?" Tanong ni Prince Cyan.
"Matanda ka na para bigyan ng kiss no." Saad ko rito.
Sumimangot naman ito sa sinabi ko at bumulong-bulong. Natawa naman ako sa inasal nito.
"Daddy bakit po hindi ka nanaman papasok ngayon? "Inosenteng tanong ni Ashy.
"Oo nga po daddy. You always stay here. Kung inaalala nyo po kami, kaya naman po naming maiwan dito nina kuya Kilen at Ashy po. We can handle ourselves po." Sabi naman ni Ellie.
Si Kilen lang ang hindi nagsalita dahil alam naman nyang bihira lang naman talagang pumasok sina Prince Cyan.
Ngumiti ako at lumapit kina Ashy.
"Tamad kasing mag-aral ang daddy nyo, anak." Mahinang sabi ko sa kanila.
"I heard that,my princess."
"Bakit? Totoo naman diba?" Natatawa kong sabi dito.
"That's not true. Why would I bother myself to attend my class kung alam ko naman ang lahat ng itinuturo nila?" Mayabang nitong ani.
Inirapan ko ito dahil sa kayabangan nito. Tinawanan lang ako nito. Tsk! Pasalamat sya gwapo sya!
Nagpaalam ulit ako sa tatlo. Bago tuluyang umalis ay hinalikan ko muna sa pisngi si Prince Cyan. Tumili naman ang tatlong bulinggit dahil sa ginawa ko. Ang supportive naman ng mga baby ko.
"Bye, Cyan ko." Sabi ko dito at dali-daling umalis.
*****
Pagkatapos na pagkatapos ng klase kanina ay umuwi kaagad ako, Kasama ko rin sina Melanie papunta dito kasi nga may training din sila.Hindi ko rin nakita si Prince Haze. Hindi naman ako galit sa kanya, pero mali pa rin ang ginawa nya sa akin kahapon.
Nandito ako ngayon sa training room habang sina Melanie naman ay nasa kabilang kwarto para mag training. Sina Kilen naman ay naiwan sa sala, naglalaro naman sila doon.
Naka-indian sit ako at nakapikit. I need to concentrate para matawag ko ang spirit goddess ko.
"Kapag natawag mo na ang spirit goddess mo, our training is finally over my princess."
Napamulat kaagad ako ng mata dahil sa sinabi ni Prince Cyan.
"What? Akala ko Ikaw ang magte-train sa akin, kaya bakit tapos na ang training natin kapag natawag ko ang spirit goddess ko?" Nagtatakang tanong ko rito.
"Ako nga ang trainer mo, but only in physical fitness. Don't worry my princess dahil ang spirit goddess mo talaga ang magtuturo sa iyo tungkol sa kapangyarihan mo." Nakangiti nitong paliwanag.
Ngumiti at tumango rin ako sa kanya.
"You're also going to stay there for a while." Sabi ulit nito.
"What?!" Anong stay there for a while?!
Tumawa naman ito.
"Again don't worry. Isang araw ka lang ditong mawawala my princess. Ayoko man but it's really needed."
"Aalis ako ngayon dito?" Tanong ko rito.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"No more questions my princess. Close your eyes now. You need to concentrate." Sabi nito at ipinikit ang mata ko.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Historical FictionCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...