CHAPTER 13

3.8K 154 3
                                    

Callie Emery 's POV

"It was really nice to meet you princess Emery. The real you"

Naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi nito. Pareho rin ito ng sinabi Nung babaeng napanaginipan ko Nung Isang araw. She also welcomed me for coming back. And lastly that cute little Kilen, he also said that he's happy that I'm here now.

Ano ba talaga ang ibig sabihin nila? I'm really really confused right now.

"Pwede bang linawin at deretsohin mo na lang ako tungkol sa mga pinagsasabi mo?" Kahit Isa itong prinsipe ng Remington Kingdom at kapatid ni prince Cyan ay hindi ko maiwasang hindi mainis dito.

Tumawa nanaman ito dahil sa sinabi ko. Tsk! May nakakatawa ba?

"You're really something princess. I know you already have your link but you really impressed me" Saad nanaman nito.

At lalo pa akong nainis dahil sa sinabi ulit nito. Ano nanamang link ang tinutukoy nya?! Arrgh! Pinapasakit niya ang ulo ko!

"Kung Wala ka ng ibang sasabihin, please excuse me prince Haze" Sabi ko at yumuko dito.

Tumingin ako dito ng makitang parang tang* itong nakangiti sa akin.

Hindi ko mapigilang irapan ito tsk! Pero tinawanan lang ako nito. I know I'm being rude towards prince Haze pero hindi ko mapigilang hindi ito tarayan.

I didn't hate him, it's just that I find him ann*ying.

"Urgh! Can you please stop smiling like an id*ot?" I blurted.

Akala ko maiinis ito pero d*mn tumawa pa ito.

Malayong malayo ang ugali na meron sina Prince Cyan at prince Haze. Haist I shouldn't compared them, everyone has a different personality.

"Again, thank you for helping me earlier prince Haze. I'll get going now."paalam ko rito.

Kinuha naman nito ang kanan kong kamay na ikinagulat ko.

"It my pleasure, my princess." Saad nito at hahalikan na sana nito ang likod ng palad ko ng bigla na lang si prince Haze napalayo sa akin.

Pagtingin ko kung sino ang may gawa nanlaki ang mata ko.

"Prince Cyan!" Saad ko.

Wala ito ngayong suot na cloak. At hindi rin nito Kasama si Kilen. Siguro umuwi nanaman sa kanila.

Tumingin naman sa akin akin si Prince Cyan at hinawakan ang dalawang braso ko.

Hindi rin nagtagal ang tingin nito sa akin dahil lumipat ang tingin nito kay prince Haze. Sinamaan nito ng tingin ang kapatid.

Tumaas naman ang dalawang kamay ni prince Haze na parang sumusuko.

"Relax, my little brother." Nakangiti nitong sabi.

"Back *ff prince Haze. Stay away from her." Mariin na saad ni prince Cyan at hinila na ako papaalis.

"See you when I see you again princess Emery!" Pahabol pa na sabi ni Prince Haze.

Inirapan ko lang ito bilang sagot and as usual tumawa nanaman ito.

Habang naglalakad kami ay tiningnan ko ang mukha ni prince Cyan. Seryosong seryoso ang mukha nito.

Hindi na muna ako nagsalita dahil masyado itong seryoso.

Hindi ko namalayan na nandidito na pala kami sa tapat ng kwarto ko. Hala! Bawal ang lalaki na pumasok sa girls dormitory. Lumingon ako sa paligid at nakitang kami lang ang tao dito Kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Are you okay prince Cyan?" Tanong ko dito.

"I-im sorry if I wasn't there earlier to protect you my princess" namula naman ako sa tinawag nito sa akin.

REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon