Callie Emery's Pov
Nakatingin ako ngayon sa sarili kong repleksyon sa salamin. Suot suot ko na ang uniporme ng Remington Academy. Dress ang uniform namin, may blazer rin ito. Parang Korean culture dress ang style ng uniform na suot ko pero komportable itong isuot dahil ang gaan gaan nito at hindi mahirap gumalaw. Sa uniform may nakalagay na badge sa kaliwang bahagi ng dibdib. Pabilog ito at kulay itim ang badge na nasa akin
Tatlong uri ng badge meron dito sa akademya.
Una ang kulay gold. It means nasa higher section ka. lahat ng royalties ay nasa section na ito. Marami rami
rin naman na estudyanteng hindi royalties ang nasa higher section.Sunod naman ay ang kulay silver,it indicates you're in the second section.
At pangatlo ang kulay itim. It means nasa lower section ka. And yes ang dating Emery, I mean Callie ay nasa lower section.
Hindi dahil Isa kang royalties ay ibig sabihin na nasa higher section ka na. Sa eskwelahang ito pinagbabasehan ang kapangyarihan at katalinuhan mo.
At Kaya nasa lower section si Callie ay dahil hindi nya pa alam ang kapangyarihan nya. Kaya hindi nya ito nagagamit at ang Isa pang dahilan kaya sya nasa lower section ay dahil napapabayaan nito ang pag-aaral.
Isa ring dahilan kaya nabu-bully si Callie is because she is powerless. Wala syang kakayahang ipagtanggol ang sarili nya.
Ang kuya Caine ni Callie ay telekinesis ang kapangyarihan nito. Si Callaine naman ay Isang light element ayon sa kanila.
They said a light and darkness is one of the most powerful magic in this world.
Kaya na-kidnapped noon si Callaine because of her power. The Warlock kingdom needs her power. Hindi ko alam kung para saan nila iyon gagamitin.
Ginamit na sa akin ni Callaine ang kapangyarihan nya nung nasa palasyo pa kami. una kong nakita ang kapangyarihan nya ay nung nag-away kami. She got mad ang her eyes started glowing white.
I don't know why but I'm not scared of her that time. Her aura doesn't powerful enough for me. Masyado itong mahina. Parang laser ang liwanag na nagmumula sa mata ni Callaine nung panahon na iyon. She attack me but I managed to dodge it easily. Natamaan naman nya yung ibang gamit sa palasyo kaya nasira. Ilang beses ko na ring nakita na ginamit ni Callaine ang kapangyarihan nya. Pero lagi lang ang laser ang nakikita kong nagagamit nya wala ng iba.
Parehong nasa higher section Sina Callaine at Caine.
Every monday to wednesday ay nasa lower class ako. Pero kapag huwebes at biyernes ay nagtitipon tipon ang mga royalties sa iisang classroom kahit anong grade level pa yan. That was serve as our special class, lalo na sa akin dahil nga nasa lower section ako.
Kaya pag sapit ng araw na iyan ay kailangan nandyan ako. Ibig sabihin lahat ng royalties ay kasama ko sa iisang classroom! Argh! Maisip ko palang na makakasama Sila sa iisang classroom ay naiinis na ako.
*****
"H*ll late na ako sa klase!" Sigaw ko at tumakbo para pumunta sa klase ko. Wala na ring mga estudyante ang pakalat kalat sa daan.Akala ko kasi maaga pa kanina but d*mn sira pala yung orasan sa dorm ko! Nalaman ko lang na late na ako ng tumunog ang alarm ng school! Ibig sabihin kasi start na ng klase.
Napatigil lang ako sa pagtakbo ng may marinig akong iyak ng isang hayop. Dahil sa curiosity ay sinundan ko ang iyak kahit na late na ako.
Napadpad ako dito sa gubat hindi naman ito kalayuan kung nasaan ako kanina.
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang iyak. Nakita ko ang Isang baby tiger! Nakahiga ito at may malaking sugat ito sa tiyan.
Nilapitan ko ito. Tumingin naman ito sa akin at para bang nagmamakaawa na tulungan ko sya.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Historical FictionCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...