Callie Emery 's POV
Dahil sa pagkabigla sa ginawa ni Prince Haze ay hindi agad ako nakagalaw.
Natulala ako at napabalik lang sa katinuan ng makitang tumilapon si Prince Haze.
"HOW DARE YOU TO F*CK*NG TOUCH WHAT'S MINE!"
Napaatras ako sa takot ng makitang pinapalibutan ng sobrang itim na usok si Prince Cyan. Hindi pa man nakakabawi si Prince Haze mula sa pagkaka-tilapon ay pinalibutan ito ng itim na usok.
Lumutang ito sa ere at sumigaw ng malakas.
"I ALREADY F*CK*NG TOLD YOU TO STAY AWAY FROM HER! AND WHAT? YOU KISSED HER?! F*CK YOU!" lalo pa akong natakot ng dalawang boses na ang naririnig ko kay Prince Cyan.
Pero kahit natatakot ako ay lumapit pa rin ako kay Prince Cyan at niyakap ito sa likod.
"P-please stop, Cyan ko." Naiiyak kong sabi. It's not my first time seeing him angry, pero ito ang unang beses na makita ko itong sobrang galit to the point na dalawang boses na ang naririnig ko mula rito.
Halatang galit na galit ito dahil sa malalalim nitong paghinga. Napabuntong hininga ako ng kumalma ito. Nawala na rin ang usok na pumapalibot dito.
Bumagsak na rin sa sahig ang nanghihinang si Prince Haze. Humiwalay na ako mula sa pagkakayakap kay Prince Cyan at tiningnan si Prince Haze.
"P-please leave now, Prince Haze." Saad ko.
Tumayo na ito, akala ko ay aalis na ito pero nagulat ako ng ngumisi ito at dinilaan ang sariling labi nito.
"Hmm so sweet." Nakangisi nitong sabi.
Susugod sana si Prince Cyan pero napigilan ko ito.
"F*ck you Haze!!" Nanggagalaiting sigaw ni Prince Cyan. Bumalik na rin sa dati ang boses nito.
Tumawa naman si Prince Haze sa sinabi ng kapatid.
Nainis naman ako sa ginawa nitong pagtawa.
"Can you just leave already Prince Haze?!" Naiinis kong sabi dito.
Hindi ako nito pinansin at tinuloy lang ang pang-iinis kay Prince Cyan.
"Base from your reaction my dear brother, ako ang nauna diba?" Saad nito.
"B*llsh*t! Stay away from her you m*r*n!"
"And why would I? Bakit kung makaasta ka ay parang sayo sya. Bakit kayo na ba ha?" Tanong ni Prince Haze habang nakangisi pa rin.
Nakita kong natigilan si Prince Cyan. Nagulat ako ng sa isang iglap ay nasa harap na ito ni Prince Haze.
"But you f*ck*ng know that she is mine. She's my link at doon pa lang talo ka na." Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Prince Cyan dahil masyado itong mahina.
Kung kanina ay nakangisi ang mukha na makikita sa mukha ni Prince Haze ngayon ay inis at inggit na ang nakaukit dito.
"She will never be yours Haze. Alam mong una pa lang talo ka na. Una pa lang talong-talo na kita." Nakangising saad ni Prince Cyan.
"F*ck*ng leave this place now , bago pa mandilim ulit ang paningin ko." Malamig na sabi ni Prince Cyan.
Galit na umalis ng training room si Prince Haze. Namayani ang katahimikan sa amin ni Prince Cyan.
"Get ready. Let's resume our training." Malamig nitong sabi.
Napayuko naman ako sa cold treatment nito. Hindi na muna ako nagsalita at sinunod na lang ang sinabi nito.
Papalipasin ko muna ng kaunti ang init ng ulo nito.
Nakaupo na ulit ako. Tatawagin ko na ang spirit goddess ko.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Historical FictionCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...