Callie Emery 's POV
" Sila ba talaga ang maglalaban? Is it fair?"
" Oo nga. Siguradong panalo na si Princess Callaine, lalo pat isa syang light user. "
" Na-ah don't be so sure na si Princess Callaine ang mananalo. "
"And why's that?"
" Hindi mo ba nakita ang nangyari noon sa cafeteria? May kapangyarihan na rin si Princess Emery. Natalo nya noon ang mga royalties. At isa pa I'm having a doubt if Princess Callaine was really a light user. "
"Yeah your right. I'm also having a doubt. Hindi naman talaga napatunayan na light user nga si Princess Callaine. Imagine sa tagal na nyang may kapangyarihan ang lagi nya lang nagagamit ay ang laser eyes nya? But Princess Emery who's known as the powerless Princess suddenly got a power and she can also heal someone! And I think , I believe rather, that Princess Emery is really the light user!"
" Tsk! Princess Callaine is the real light user. Siguro ayaw nya lang talagang ipakita ang kapangyarihan nya. At isa pa yung nangyari noon sa cafeteria, pinalagpas nya lang iyon."
" Think what you want to think then. Basta para sa akin si Princess Emery ang mananalo and of course the real light user."
" Si Princess Callaine ang light user."
" Then let's see. Oh! I remember what my father told me before, that a light user also has a dragon na katulad nang kay Prince Cyan. Only a light and dark users can have a unique dragon. At tsaka ang light user lang ang may kulay puting kapangyarihan. So, let's see who's really the real light user then?"
" Eh? Pero pareho namang puti ang kulay ng kapangyarihan nila ah! "
"Tsk! Basta, manood na lang muna tayo."
Rinig ko ang pag-uusap ng tatlong estudyante na nasa kaliwang bahagi ko. Sumang-ayon naman ang lahat sa pag-uusap ng tatlo. May sound wave na nakapalibot sa buong arena Kaya kapag nagsalita ka ay maririnig ito ng lahat. Kaya kahit nasa malayo ka ay maririnig at maririnig ng lahat ang bawat sasabihin mo.
Hindi naman maingay ngayon sa buong Arena dahil kapag lahat ng estudyante rito ay nagsalita ng nagsalita, masakit ito sa tenga dahil sa sobrang dami ng boses na maririnig mo.
May mga iba rin na si Callaine ang sinasabing mananalo dahil karamihan sa kanila ay alam na isang light user si Callaine.
Halos mapunit naman ang bibig ni Callaine sa lawak ng ngiti nito.
"Did you heard that ate? Kahit ang iba alam na ako ang mananalo." Bulong nito.
Hindi ako sumagot at tiningnan lang ito. Pake ko ba sa kanya.
"Why don't you call your group mates now ate?" Saad nito sa normal na boses .
Hindi ulit ako sumagot kaya parang napahiya ito. Nakita kong kumuyom ang kamao nito sa inis pero nakangiti pa rin ang mukha.
Sumenyas na ang mc na humanda na kami.
" I won't be easy on you Princess Emery kahit kapatid kita. This is a duel battle so I hope you understand." Saad nito.
I mentally rolled my eyes. Dami nyang sinasabi.
" Sayo na mismo nanggaling iyan Princess Callaine so expect too that I won't be easy on you as well." Seryosong Saad ko.
I won't really be easy on her. Makita ko pa lang sya at ang mga kaibigan nitong royalties ay kumukulo na ang dugo ko.
Ng dahil sa royalties na iyan ay naghihirap 'sila' ngayon.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Ficción históricaCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...