Callie Emery 's POV
Ilang araw na Ang nakakalipas simula nung nangyari sa cafeteria. Sa nakalipas na araw na iyan maraming humingi ng tawad sa akin dahil sa mga masasamang nagawa nila sa akin or, should I say kay Callie.
Huwebes ngayon kaya sa room ng royalties ako papasok ngayon. Psh! Makikita ko nanaman Sila! Alam kong galit na sa akin ngayon ang royalties dahil sa ginawa but, who cares? Hindi sila kawalan.
Dalawang parusa ang naibigay sa mga royalties. Hindi ako alam kung ano ang Isang parusa pero pagkatapos non ay hindi pumasok ng Isang araw sina Prince Lillard. Ang pangalawang parusa naman na natanggap ng royalties ay ang maglinis ng comfort room sa loob ng dalawang linggo.
Kung para sa iba ay napakasimple nito, pwes hindi para sa mga royalties.
All their lives ay lagi silang pinagsisilbihan. Kaya ang parusang paglilinis ng Cr ay malaking pagsubok na para sa kanila. And take note Hindi lang Isang Cr ang lilinisan nila kundi ang lahat ng Cr dito sa Remington Academy hahahaha, good luck na lang sa kanila. Sa laki ba naman ng academy aba! Kabahan na sila!
Ilang araw ko na ring hindi nakikita si prince Cyan kaya lalo akong naiinis.
Pero bakit nga ba ako naiinis? Hayss tsk! Naiinis ako dahil sa royalties! Oo Tama
*****
Pagpasok ko sa room ay nandon na ang lahat ng royalties maliban sa kuya ko dahil busy ito at syempre Wala roon si prince Cyan because you know, ayaw nyang nalalapit sa mga taong to diba?Pero Nagulat ako sa itsura nila! Para silang mga zombie! Kahit si Callaine.
H*ck! Natatawa ako! Sabihin nyo ng ansama ko pero wala akong pake. Nakakatawa itsura nila guys, promise hahaha.
Dapat nga maawa ako sa kanila but on the second thought tama lang yan sakanila. They deserve it after all.
Umupo na ako sa upuan ko. Nagpigil ako ng tawa ko. Ang sama ng tingin nila sa akin hanggang sa napatingin ako sa gawi ni Callaine at Dalia.
And after that I burst into laughter. Para silang mga panda pero kung tutuusin mas cute pa nga ang panda kesa sa kanila. Kahit Kasi may make up sila ay halata pa ring ang haggard nila.
Naiiyak na ako kakatawa ng magsalita si Callaine
" Stop laughing princess Emery! Anong nakakatawa!" Naiinis na sigaw nito.
"I'm sorry princess Callaine pero pfftttt! Ehem! By the way just mind your own business." Sabi ko dito.
Bigla namang lumapit sa akin si prince Lillard at galit na tumingin sa akin.
"Anong karapatan mong pumunta dito princess Emery! Pagkatapos mo kaming ipahamak ay magpapakita ka rito?!" Galit na ani nito.
Tumayo naman ako at tumingin ng mariin sa kanya. Hindi pa ba nadadala ang mga ito? Akala ko pa naman titino na ito kahit na kaunti pero tingnan mo nga naman, Wala pa ring pinagbago.
"Hindi ako ang nagpahamak sa inyo prince Lillard. Kayo mismo ang gumawa non sa sarili nyo kaya kung may dapat man kayong sisihin yun ay ang sarili nyo" seryoso kong sabi.
"Pero Ikaw ang nagsumbong sa amin kaya kami naparusahan!" Komento ni prince Loren.
"Bakit? Totoo naman lahat yun ah? Gagawa-gawa kasi kayo ng kasamaan pero nag-iiwan kayo ng ebidensya. Tsk! Tapos ako ang sisisihin nyo? Kung ginalingan nyo sana edi hindi sana kayo nabuking? diba?" Nanunuya kong tanong dito.
Lalapitan sana ako nila ng pigilan ko sila.
"Stop! May naaamoy ba kayo?" Out of nowhere na tanong ko sa kanila at suminghot singhot.
Nagkatinginan naman sila ng dahil sa sinabi ko. Sumimangot rin sila pero ng wala silang naamoy ay nagtanong si Callaine.
"Ano bang pinagsasabi mo Ate? Anong amoy ba ang naaamoy mo? " Inis nitong tanong.
Ngumisi naman ako at tumango tango.
"Ahhh, alam ko na na kung saan nang-gagaling ang naaamoy ko..."
Tinuro ko sila isa-isa.
"Kayo pala yun.."
"Nangagamoy kasi kayong banyo." Saad ko at ngumiti ng nakakaloko.
Nakita ko namang nanlaki ang mata nila. Kaya yung ngiti ko naging halakhak.
Grabe! Ang epic hahaha.
Dahil sa sinabi ko ay dali-dali silang bumalik sa upuan nila at nagpabango.
Bumalik naman ako sa upuan ko at umiling-iling. Napapansin ko this days parang ang warfr*ak ko na? Hindi ko naman kasi mapigilan lalo na kung ang mga nakakaharap ko ay mga katulad nila.
Well I prefer being this warfr*ak atleast kahit sa ganitong paraan naiganti ko man lang si Callie sa kanila.
Natigil lang sa pagpapabango ang royalties ng may mga pumasok sa room. Napatayo ako at nanlaki ang mata ng makilala ito!
Ganon rin ang royalties.
"Greetings to the prince of Remington Kingdom" sabay na sabi ng royalties at yumuko.
Yumuko rin ako. Pero napaangat ang tingin ko ng may humawak sa mukha ko at inangat ito. Pag tingin ko mukha ni prince Cyan ang bumungad sa akin.
May suot itong cloak pero nakababa ang hood nito.
"Greetings to th-"
"Shhh, a normal greetings will do" bulong nito sa akin.
Ngumiti naman ako at tumango.
"Good morning prince Cyan."
"From now on, stop being too formal on me. And that's an order from the prince of Remington."
Natawa naman ako sa sinabi nito at sunod sunod na tumango.
"My pleasure, prince Cyan ko"
And syempre hindi mawawala ang pamumula ng prinsipe. And I'm happy that I have that effect on him.
Narinig kong may tumikhim kaya napalayo ako bigla kay prince Cyan dahil sabrang lapit na pala namin sa isat Isa.
"Ang galing ng galawan mo prince Cyan!" Bulong ni Axel at umupo sa likurang bahagi kung saan ako nakaupo. Ngumiti naman sa akin si Aiden at sumunod kay Axel.
Umupo na rin kami ni prince Cyan.
Nakita kong nakatitig sa akin ang royalties lalo na Sina Callaine at Dalia dahil syempre malapit ako sa prinsipe. At Nakita ko rin ang pagdaan ng takot sa mga mata nila. Bakit Kaya? Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at nginitian ko sila ng sobrang lapad.
Hindi ko akalaing papasok ngayon si prince Cyan pero syempre Masaya ako Kasi ilang araw ko silang hindi Nakita nila Aiden eh.
Kung kanina ayaw kong pumasok dito sa room ng royalties, Ngayon binabawi ko na ito.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Historical FictionCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...