Callie Emery 's POV
Isang linggo na ang nakakalipas ng manatili ako dito sa hideout ng prinsipe.
Isang linggo na rin ang nakakalipas ng magsimula kaming mag-ensayo ni Prince Cyan. Sa isang linggo na iyon ay puro lamang pagpapalakas ng katawan ang ginawa namin. Hindi muna ako gumamit ng kapangyarihan.
Dahil hindi pa naman ako gumagamit ng kapangyarihan, laging sumasama sa training room sina Kilen. Dito kasi sa hideout ng prinsipe ay may tatlong training room. Kapag nasa labas ka ng training room aakalain mong maliit lamang ito, pero kapag nasa loob ka na ay sobrang laki at lawak nito. Of course it involves magic, kaya napakalawak ng loob nito.
Nag-eensayo rin sina Melanie, Monique, Shane, Elise, Henry, Aiden at si Axel. Dahil nga walang experience ang mga babae dito sa pag-gamit ng mga weapon, Yun ang pinag-aaralan nila Melanie. Ang mga lalaki ang training coach nila.
Dito rin sila sa hideout ni Prince Cyan nagte-training. Hindi kami nagsasama nila Melanie sa isang training room. Nasa ibang silid sila nag-eensayo.
Kapag tapos na akong mag-ensayo ay saka namin puntahan sina Melanie.
Linggo ngayon at walang training ngayon sina Melanie. Pero ako kailangan ko ngayong mag-ensayo.
"Mga anak, hindi muna kayo ngayon sasama sa amin ng daddy nyo ha?" Sabi ko sa tatlo.
"Okay mom." Malungkot na sabi nila.
Napangiti naman ako sa inasal nila.
"And promise me na hindi kayo magpapasaway sa tito Aiden at tito Axel nyo, ok.?"
Tumango naman sila. Hinalikan ko na sila sa pisngi nila. Ganon din ang ginawa ni Prince Cyan.
As much as possible ay hindi ko pinapayagang lumabas ng hideout ang mga bata. Baka kasi may mangyaring hindi maganda sa kanila at ayokong mangyari iyon.
Kapag may pasok ako ay nandidito naman sina Prince Cyan para bantayan sina Kilen. Hindi kasi sila pumapasok sa klase nila. Nung Thursday and Friday ay hindi muna ako pumasok sa royalty class ganon din sina Prince Cyan. Ayoko munang makita mga pagmumukha ng royalties, biro lang.
Alam na din ni Headmaster Wayne ang tungkol sa mga bata. Sinabi namin sa kanya ang pangyayari. He's okay with it dahil alam naman nyang nasa mabuting kamay sina Kilen. And Headmaster Wayne is spoiling my children. Kapag bumibisita sya dito ay lagi itong may dala-dala na kung ano-ano para sa mga bata.
Kung nagtataka kayo kung nasaan ang magulang o pamilya ng tatlo ay wala silang ganon. Pixies doesn't have a parents. Pixies are born only when a lunar eclipse occurs.
In Pixie Garden, where all the pixies live. Meron doong isang lugar na may halaman na tinatawag na Adventus flos which means the arrival flower.
Kapag lunar eclipse na ay nagkakaroon ng isang ritwal ang mga pixies. They sprinkle's pixie dust in the Adventus flos kasabay ng pag-lunar eclipse.
Kapag nasabuyan na nila ito ng pixie dust ay hahayaan nila ito at babalikan na lang kinaumagahan. Pag sapit ng umaga ay may mga bagong silang ng pixies ang naroroon sa bulakalak. When a pixie was born it was called "the arrival".
And that's the start of pixies adventure. Kaya isang malaking karangalan sa mga batang pixie ang magkaroon ng mga magulang.
*****
Nandito na kami ngayon sa training room. Nag indian sit ako habang nasa harap ko naman si Prince Cyan.
Isa sa gustong gusto ko kapag may training ay ang seryosong mukha ng prinsipe.
"Sa isang linggong pagsasanay natin may ideya ka na ba tungkol sa kapangyarihan mo?" Tanong nito sa akin.
I think I know what it is, pero hindi ako sigurado. Ang alam ko tulad ng kapangyarihan ni Prince Cyan, ay isa lang rin ang may ganoong kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS
Historical FictionCallie Emery a girl who always wants to be loved by her parents and the people around her, a girl who always seeks her parent's attention. She is the girl who almost had everything.Money, fame, looks, except for love. That's why she always do her be...