Chapter 4

82 4 0
                                    

"Brielle nasa baba na si daddy. Kakain na daw" Rinig kong sigaw ni Kuya Leon mula sa labas ng aking kwarto.

"Pababa na po" 

Nagsuklay lang ako at bumaba na sa dining. Nandon na sila lahat, si mommy, daddy, Kuya Leon, Kuya Hezekiah at Kuya Creed.

"Sit down" 

Napa yuko ako at umupo sa tabi ni Kuya Leon.

"How's your studies?"

"Okay lang po dad." Maikling sagot ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag nandito si daddy. 

"Always remember to do your best in everything, para hindi sila sabihin na anak kita sa labas"

That words stuck in my heart light a sharp knife. Mommy and I was daddy's second family. Kuya leon, kuya creed, Kuya Hezekiah and I are not from one womb. Namatay sa isang sakit ang unang asawa ni Daddy. Magkasama pa sila ay nabuntis na ni daddy si mommy kaya ang sinasabi halos ng lahat ay anak ako sa labas kahit kasal naman na silang dalawa ni mommy. 

And you know what? Only Kuya Leon treat me like his real sister. Ang dalawa kong kuya ay malamig ang pakikitungo sa akin. Kinakausap lang nila ako kapag may iuutos sila or itatanong sila. But it's okay. Hindi ko sila masisisi dahil totoo naman na sa una palang ay anak naman ako sa labas.

Ang isang pinagpapasalamat ko lang naman ay itinuturing nilang pangalawang ina si mommy. Kahit minsan ay hindi ko sila narinig na binastos si mommy. Hindi rin naman nila ako sinasaktan.

"Dad" Kuya leon blurted out.

"Yes dad" mahinang sagot ko at ininom ang tubig na nasa harapan ko.

"I heard the ongoing production of our products are going well, Creed?"

Kuya creed slightly nodded his head. "Yes. It will be done by next week"

"Follow the footsteps of your brother's Taleigha."

I smiled and nodded my head. "She's doing her best, don't worry. She won't disappoint you." Sagot ni mommy.

"Gusto mo bang sumabay? Dadaan naman ako sa university na pinapasukan mo" tanong ni Kuya Leon.

"We're going to be late, Leon" singit ni Kuya Hezekiah.

Humarap ako kay kuya leon at ngumiti.

"Hindi na po kuya. May dadaanan pa po kasi ako" palusot ko.

"Sigurado kaba?" Tanong ulit nito na sinuklian ko ng tipid na ngiti.

I feel suffocated whenever I am with them.  Bawal magkamali at bawal magreklamo.





"Aalis na po ako mommy" 

She smiled. "I'm sorry anak, I know what you feel"

I smiled and hugged her. "It's okay mama. I'm going!"

I know she felt bad about me but it's okay for as long she's happy that's more than enough.

Paglabas ko sa gate, nasa labas na din sila Kuya creed at Kuya hezekiah. 

"Mauna na po ako. Mag ingat po kayo" 

"Sumabay ka na sa amin" gulat akong nakatingin kay kuya creed

"Ah hindi na kuya. Baka mahuli pa po kayo sa lakad niyo"

"Get in" utos ni Kuya hezekiah. Kaya wala na akong nagawa kung hindi pumasok sa sasakyan.

"Hanggang anong oras ang pasok mo?" Tanong ni Kuya Leon.

"6:30 po kuya." 

"Let's eat dinner outside together"  

Nilingon ko si kuya creed na busy lang sa pagbabasa ng mga paper works sa tabi ko. Si Kuya leon ang nagmamaneho at nasa harapan naman si Kuya hezekiah.

He who she lovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon